Hindi ko na halos matandaan ang eksaktong petsa bigla na lamang umusbong ang mga online games at ang larong dota.Dati rati madalas pa kong sumasama sa mga kaklase kong bulakbol para magkautang ng saksak sa larong counter strike pero sa di malamang dahilan ay bigla silang nanawa at niyakap ang mga naglabasang laro na ito.
Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon di parin sila makagetover dito di pa siguro nila tapos ang nilalaro nila dahil di parin nila itinitigil ang bisyo nila.Siguro marami na masyado silang nainvest at naisakripisyo (Talino,Pera,Oras etc.).Ang mga nakikita kong dahilan kung bakit sila nagkakaganito ay ang mga sumusunod.
1.)Napakataas na siguro nang pinapalevel na character at hindi na ito maiwanan
2.)Mayroong sigurong nahanap na rare item na sya lang ang meron at nangangambang mawala sa kanya ito.
3.)Napakagaling nya na siguro dito at sya ay kinukuhang pambato kapag nagkakaroon ng pustahan.
4.)Dito lamang niya nakikita ang sarili nya na malakas o(“STRONG”) at dito rin sya nagkakaroon ng mga kaibigan (virtual friends) nagagalak sya sa tinatamasang respeto dito.
5.)Tumatakas sa totoong problema ng realidad ibinabaling ang atensyon sa laro na tila ba
na kontrolado nya ang sitwasyon at pansamantalang kinakalimutan ang mga suliranin.
6.)Peer Preesure sa mga kaibigan dahil ma OOP sya kapag hindi nya nilalaro yung nilalaro ng kabarkada nya kaya napipilitan laruin at gustuhin ang larong tulad nito.
7.)Gusto makamit ang acceptance ng isang grupo. Gustong mapabilang sa mga taong itinuturing ang kanilang sarili magaling sa larong ito.Nakikipagkompetensya upang mahirang na “IMBA” o imbalance sa laro (sobrang galing).
8.) Iniisip nya na magkakaroon sya ng malaking respeto mula sa mga tao kapag nilalaro nya ang mga uso at latest games sa kasalukuyan.
Habang nilalaro mo ang games na ito ay para bang ikaw ang hari ng mundo at kayang kaya mong gawin ang lahat. Pwede mong gawin dito ang mga di mo nagagawa sa totoong buhay (pumatay ng dragon,halimaw at demonyo,mag cast ng magik,magpalabas ng bolang apoy sa kamay ,mangheadshot,manaksak,mag hagis ng granada etc.).Pero lahat ng ito ay matitigil kapag sumigaw na ang nagbabantay ng comshap na “TAYM KA NA!”.Bigla ka na lang babalik sa Realidad nang nakupo sa upuan habang nagkokompyuter.Habang palabas ka nang komshap at nagpapayabangan ang mga kasama mo tungkol sa nilaro nyo hindi mo ba naisip na kung paulit ulit na ganito ang mangyayari sa araw araw mayron bang mababago? Oo siguro mas gagaling ka sa nilalaro mo dahil sa paulitulit mo itong ginagawa. Pero kung bubulagin mo ang sarili mo sa pantasya na halos hindi mo na alam kung sino ka at kung ano pang kaya mo pang gawin bukod sa paglalaro ng larong yan.
Isipin mo ang mga nasakripisyo mo sa palagay mo sulit ba? Mas
naging mabuti ka bang tao ? napaunlad mo ba ang sarili mo? Hanggang kailan ka sa
palagay mo magiging ganito ?.Hindi sa binebrainwash kita pero oo binibreynwash kita,
hindi ko sinabi o sasabihing magaral ka kapalit ng paglalaro ng computer games tulad
nang sabi ng matatanda,.Sabi nga ni ZACK isang character sa FFVII: “bata ka pa marami
kang kayang gawin huwag mong ikulong ang sarili mo sa iisang gawain lamang habang
bata pa ay subukan mo ang lahat ng bagay”.Napakalaki ng punto nya dito bata ka pa
huwag mong hayaan na masayang ang oras mo dahil pag tumanda ka na anong
ikwekwento mo sa mga apo mo na magaling ka mag DOTA? Na level 99 ka na sa
Ragnarok?Magaling kang mangheadshot o manaksak sa counterstrike? napakababaw!
Isipin mo bago ka umalis sa mundong to mas naging maayos ba ang mundo nung nawala ka o parang bale wala ka lang.Swerte mo kapag may nakaalala sayo pero kapag ang pagkakakilanlan mo ay pagiging magaling sa isang bagay na halos wla namang gamit sa totoong mundo ay maituturing na mas higit pa sa walang kwenta.
No comments:
Post a Comment