Friday, November 30, 2012

Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin..




                                                

         Madalas masira ang mga kompyuter  nadyan na bigla na lang di gumagana ang sounds di na gumagana ang games at mga program na hindi na nagbubukas.Pero OK lang yan hanggat natitiis mo pa,pero kung naapektuhan na talaga ang mga gawain mong napakaproductive katulad nang pagpepeysbuk at pagtetetris ay teka ibang usapan na yan kaya kailangan nang ipareformat este ipagawa yan sa katiwa tiwalang PC technician.Maraming uri ng pc technician sa di mo inaakala kaya nandito ang entry na ito upang iklasify sila base sa mga categorya at level na pasok sa bulsa mo! ,Magsimula muna tayo sa level 1.








LEVEL 1: Totoy Software

=>  si totoy installer  ay isang pc technian na hoarder nang kung ano anong mga installer. Halos lahat nang software sa softpedia ay nasa kanya na  nandyan nakolekta nya narin lahat ng anti virus mula webroot hanggang bitdefender.Adik sya sa kakainstall  para mapataas pa ang minimum na ibabayad sa kanya ito lamang ay kung hindi mo siya pinakain nang meryenda.Marunong siya nang minimal optimizations tulad nang Ram defrag at registry defrag na di naman talaga kailangan. Bukambibig nya rin sa kliente na original at geniune ang kanyang mga installer na kadalasan ay nauuto naman.Software level ang approach nya sa lahat nang problema nandyan ang sunod sunod na pag iinstall at patong patong na antivirus upang mahuli lamang ang malware na kadalasan  hardware  pala ang sira. Madalas natutuwa ang mga kliente dahil sa dami nang games na inininstall nya  mula sa bigfish at popcap  pero dahil na rin sa lahat nang kanyang software ay bundled with toolbars  kaya bumabagal ang desktop performance nang kliente.Di naman kamahalan ang singil nang taong ito below minimum naman ang kanyang singil  (PHP 200 or PHP 250  + PHP 100 pag may addtional software)  pero humanda ka dahil pageexperimentuhan nya sa install ang iyong computer.Kapag  ang pagiinstall nang kung ano anong software ay di gumana  isasagawa nya na ang kanyang huling alas at yon ay ang pagrereformat.









LEVEL 2: Baklas kabit A.K.A : Totoy Reseat
=> Si totoy Reseat naman ay mayroon nang karanasan sa pagbaklas nang sariling PC. Halos lahat nang problema para sa kanya ay dala na nang alikabok at dumi.Kompleto sya sa gamit sa pagbaklas sa PC mula sa Philips screwdriver at eraser. Ang kanyang methodology sa pagaayos nang pc ay napakaloob sa  pagrereseat nang mga komponents. Baklas Linis Is-is tapos kabit luwag kiskis linis kabit  yan ang kanyang methodology para makatsamba nang post ang system. Kadalasang di gumagamit nang proteksyon sa static at di alam ang konsepto nang grounding kaya may tsansang masira ang iyong pinakamamahal na hardware sa “ESD”.Medyo normal to medium lang ang singilan ni totoy reseat depende yon sa oras nang kaka trial and error nya sa sira at kung medyo di naman karumihan ang iyong desktop. Tipikal lang na singilin ka nya nag PHP 300-400 dahil kapanipaniwala naman na mukang mahirap talaga ang kanyang ginawa.










Level 3: Totoy Taga
=>  Si totoy taga ay pinagsamang version ni totoy reseat at totoy software.Moderate ang level ang alam nya sa software at hardware at mayroon syang kakayahan na pagsamahin ito.Kadalasan ay hanggang dito na lang siya dahil sa masyadong pagkabilib sa sarili at tila kinain na nang sariling kayabangan. Nagagawa nya naman nang maayos ang trabaho nya at masasabi mo na quality sya gumawa.Kadalasan inuuna nya munang tapusin ang pagaayos sa pc bago makipagusap sa presyo para di na makapalag ang may-ari. Kapag dumating na ang oras nang singilan ay tila ba nagiging aspalto ang muka sa pagiging garapal nandyan na kahit pinakain mo na nang meryenda ay tatagain ka parin.Kahit simpleng format at upgrade lang nang driver ay tila ba pumapantay sya sa level sa certified technician na mayroong troubleshooting fee.Maski format lang naman ang ginawa ay tatagain ka parin  ang tipikal na singilan nang mga technician na ito ay pumapalo sa PHP 500 pataas depende sa hirap nang pinagawa.









Level 3.2 : Totoy Kahoy
=>  Si totoy kahoy ay  isang strain /sub specie ni totoy taga  with malicious intent. Kadalasan ito yung technician na namimili nang mayayamang kliente yung mga tipong de-aircon at kotse. Madalas kung saan saan sya napapadpad dahil dito ay nagpapapickup pa siya sa kanyang kliente para makaranas nang libreng pamasahe. Mayayaman ang kanyang target dahil kadalasan ito yung mga hunghang na may pera nga wala namang kaalam alam sa komputer kaya madaling utuin.Ang kanyang modus operandi ay palitan / “KAHUYIN “ ang pyesa  mula sa computer na pinapaayos  papunta sa kanyang personalized RIG.Nagsimula lamang sa pinagtagpitagping Pentium 4 ang kanyang computer noon pero ngayon ay naka i5 na ang loko with matching  SLI / CROSSFIRE pa!!! .Papaniwalain nya ang kliente na sira talaga ang pyesa at kakailanganin na bumili nang bago sa gilmore pero sa secondhand shop pupunta ang gago.Hihingin nya ang pyesa pagkatapos nang transaction dahil iisipin naman nang mayari na sira ito at di na gumagana.Galante rin ang bayad sa kanya dahil sa mayaman ang klient kaya tinataasan nya ang kanyang presyo sa 4 digits (PHP 1000-1500)  pero madalas mas mataas pa ang nakukuha nya rito.









Level 4:  De Facto Certified Technician
=>  Ang ganitong klaseng mga technician ay above average na  marunong sa software at hardware.Kadalasan sa self-study nya lamang natutunan ang mga alam nya sa pagaayos nang computer at ang kanyang mentor ay ang website nang google. Mayroon syang sinusunod na troubleshooting steps sa kanyang pagawa at kompleto rin sya sa gamit mula sa anti static wrist strap,multi-tester,screwdriver sets ,PC beep speaker, thermal compound at mga spare parts.Marunong rin sya sa moderate optimizations sa software at konting overclocking techniques sa hardware .Napagbabalance nya ang dalawang aspeto nang komputer kaya mapagkakatiwalaan na sa kanya mo ipaayos ang komputer.Ang mga singilan nang taong ito ay nasa PHP 300 –PHP 450 pesos depende sa sira pero kung mabait naman at kakilala ay may tyansa na makalibre ka sa kanya.








Level 5: Certified Technician
=>   Ito yung mga taong nakatikim nang certification seminar kaya naatain ang titulo nang certified technician.Kadalasan ay nasa agency sila at tinatawagan lamang nang mga kumpanya kapag kinakailangan. Inclined sila sa ibang scenario’s at sira nang komputers dahil narin sa dami nang kanilang mga ginagawang computers on a daily basis.Ito yung mga klase nang technician na masasabi mo na experienciado talaga at alam nila ang kanilang ginagawa  maximum satisfaction ang magagarantiya nila sa kanilang serbisyo. Dahil narin sila ay nakakontrata kaya fixed ang bayad sa kanila na dumadaan muna sa agency kadalasan ay bawal silang tumangap nang sideline  dahil narin sa kontrata sa agency.







Level 6:  Electrical PC tech
=> Ito  mga taong nakikita mong nagseservice sa inyo nang ilaw,electric fan at T.V  na kahit ano na atang electrical appliance ay kaya nilang gawin.Iilan lamang sila na di natakot pasukin ang mundo nang digital at nag aral parin  nang magayos nang komputer.Kadalasan tinatawanan ang mga kapwa technician dahil na rin sa parang lego lang ang pagaayos nang komputer na sobrang dali lang nito para sa kanila.Di man sila ganon kagaling sa software dahil ang kadalasan lang nilang alam ay ang pagiinstallng software ay bawing bawi naman sila sa hardware nandyan na kaya nilang bumuhay nang patay na mobo at video card sa pamamagitan nang pagpapalit nang Capacitor (PCB board at Component Level Repair) nandyan na kaya nilang magjumper nang copper traces sa motherboard ,reflow soldering at umintindi nang kumplikadong schematic at kung ano ano pang kalokohan na mamangha kang talaga.Ang bayad sa kanila ay medyo di naman ganon kamahal kung sa aakalain mo tatanchahin din nila ang stado mo sa buhay at naisip mong magpagawa sa kanilang mga beterano  nasa PHP 600 pataas ang kanilang singilan.






                At ngayon nalaman mo na ang mga uri ng PC technician ay malaya ka nang mamili kung kanino magpapagawa nasa-saiyo na yan kung pasok ba sa budjet mo at kung may kakilala kang mapagkakatiwalaan na gagawa.Pero kung intersado kang pasukin ang trabahong ito ay masasabi kong huwag na dahil marami na kami ayaw nanamin madagdagan pa ang kakompetensya.













.
..
...
ps: Gumagawa rin ako baka gusto mong magpareformat mura lang discounted na name your price.