Madalas
masira ang mga kompyuter nadyan na bigla
na lang di gumagana ang sounds di na gumagana ang games at mga program na hindi
na nagbubukas.Pero OK lang yan hanggat natitiis mo pa,pero kung naapektuhan na talaga ang
mga gawain mong napakaproductive katulad nang pagpepeysbuk at pagtetetris ay teka
ibang usapan na yan kaya kailangan nang ipareformat este ipagawa yan sa katiwa
tiwalang PC technician.Maraming uri ng pc technician sa di mo inaakala kaya nandito ang entry na ito upang iklasify sila base
sa mga categorya at level na pasok sa bulsa mo! ,Magsimula muna tayo sa level 1.
LEVEL 1: Totoy Software
=> si totoy installer ay isang pc technian na hoarder nang kung ano anong mga installer. Halos lahat nang software sa softpedia ay nasa kanya na nandyan nakolekta nya narin lahat ng anti virus mula webroot hanggang bitdefender.Adik sya sa kakainstall para mapataas pa ang minimum na ibabayad sa kanya ito lamang ay kung hindi mo siya pinakain nang meryenda.Marunong siya nang minimal optimizations tulad nang Ram defrag at registry defrag na di naman talaga kailangan. Bukambibig nya rin sa kliente na original at geniune ang kanyang mga installer na kadalasan ay nauuto naman.Software level ang approach nya sa lahat nang problema nandyan ang sunod sunod na pag iinstall at patong patong na antivirus upang mahuli lamang ang malware na kadalasan hardware pala ang sira. Madalas natutuwa ang mga kliente dahil sa dami nang games na inininstall nya mula sa bigfish at popcap pero dahil na rin sa lahat nang kanyang software ay bundled with toolbars kaya bumabagal ang desktop performance nang kliente.Di naman kamahalan ang singil nang taong ito below minimum naman ang kanyang singil (PHP 200 or PHP 250 + PHP 100 pag may addtional software) pero humanda ka dahil pageexperimentuhan nya sa install ang iyong computer.Kapag ang pagiinstall nang kung ano anong software ay di gumana isasagawa nya na ang kanyang huling alas at yon ay ang pagrereformat.
=> si totoy installer ay isang pc technian na hoarder nang kung ano anong mga installer. Halos lahat nang software sa softpedia ay nasa kanya na nandyan nakolekta nya narin lahat ng anti virus mula webroot hanggang bitdefender.Adik sya sa kakainstall para mapataas pa ang minimum na ibabayad sa kanya ito lamang ay kung hindi mo siya pinakain nang meryenda.Marunong siya nang minimal optimizations tulad nang Ram defrag at registry defrag na di naman talaga kailangan. Bukambibig nya rin sa kliente na original at geniune ang kanyang mga installer na kadalasan ay nauuto naman.Software level ang approach nya sa lahat nang problema nandyan ang sunod sunod na pag iinstall at patong patong na antivirus upang mahuli lamang ang malware na kadalasan hardware pala ang sira. Madalas natutuwa ang mga kliente dahil sa dami nang games na inininstall nya mula sa bigfish at popcap pero dahil na rin sa lahat nang kanyang software ay bundled with toolbars kaya bumabagal ang desktop performance nang kliente.Di naman kamahalan ang singil nang taong ito below minimum naman ang kanyang singil (PHP 200 or PHP 250 + PHP 100 pag may addtional software) pero humanda ka dahil pageexperimentuhan nya sa install ang iyong computer.Kapag ang pagiinstall nang kung ano anong software ay di gumana isasagawa nya na ang kanyang huling alas at yon ay ang pagrereformat.
LEVEL 2: Baklas kabit A.K.A : Totoy Reseat
=> Si totoy Reseat naman ay
mayroon nang karanasan sa pagbaklas nang sariling PC. Halos lahat nang problema
para sa kanya ay dala na nang alikabok at dumi.Kompleto sya sa gamit sa
pagbaklas sa PC mula sa Philips screwdriver at eraser. Ang kanyang methodology
sa pagaayos nang pc ay napakaloob sa
pagrereseat nang mga komponents. Baklas Linis Is-is tapos kabit luwag
kiskis linis kabit yan ang kanyang
methodology para makatsamba nang post ang system. Kadalasang di gumagamit nang
proteksyon sa static at di alam ang konsepto nang grounding kaya may tsansang
masira ang iyong pinakamamahal na hardware sa “ESD”.Medyo normal to medium lang
ang singilan ni totoy reseat depende yon sa oras nang kaka trial and error nya
sa sira at kung medyo di naman karumihan ang iyong desktop. Tipikal lang na
singilin ka nya nag PHP 300-400 dahil kapanipaniwala naman na mukang mahirap talaga
ang kanyang ginawa.
Level 3: Totoy Taga
=> Si totoy taga ay pinagsamang version ni totoy
reseat at totoy software.Moderate ang level ang alam nya sa software at
hardware at mayroon syang kakayahan na pagsamahin ito.Kadalasan ay hanggang
dito na lang siya dahil sa masyadong pagkabilib sa sarili at tila kinain na
nang sariling kayabangan. Nagagawa nya naman nang maayos ang trabaho nya at
masasabi mo na quality sya gumawa.Kadalasan inuuna nya munang tapusin ang
pagaayos sa pc bago makipagusap sa presyo para di na makapalag ang may-ari. Kapag
dumating na ang oras nang singilan ay tila ba nagiging aspalto ang muka sa
pagiging garapal nandyan na kahit pinakain mo na nang meryenda ay tatagain ka
parin.Kahit simpleng format at upgrade lang nang driver ay tila ba pumapantay
sya sa level sa certified technician na mayroong troubleshooting fee.Maski
format lang naman ang ginawa ay tatagain ka parin ang tipikal na singilan nang mga technician
na ito ay pumapalo sa PHP 500 pataas depende sa hirap nang pinagawa.
Level 3.2 : Totoy Kahoy
=> Si totoy kahoy ay isang strain /sub specie ni totoy taga with malicious intent. Kadalasan ito yung
technician na namimili nang mayayamang kliente yung mga tipong de-aircon at
kotse. Madalas kung saan saan sya napapadpad dahil dito ay nagpapapickup pa
siya sa kanyang kliente para makaranas nang libreng pamasahe. Mayayaman ang
kanyang target dahil kadalasan ito yung mga hunghang na may pera nga wala
namang kaalam alam sa komputer kaya madaling utuin.Ang kanyang modus operandi
ay palitan / “KAHUYIN “ ang pyesa mula
sa computer na pinapaayos papunta sa
kanyang personalized RIG.Nagsimula lamang sa pinagtagpitagping Pentium 4 ang
kanyang computer noon pero ngayon ay naka i5 na ang loko with matching SLI / CROSSFIRE pa!!! .Papaniwalain nya ang
kliente na sira talaga ang pyesa at kakailanganin na bumili nang bago sa
gilmore pero sa secondhand shop pupunta ang gago.Hihingin nya ang pyesa
pagkatapos nang transaction dahil iisipin naman nang mayari na sira ito at
di na gumagana.Galante rin ang bayad
sa kanya dahil sa mayaman ang klient kaya tinataasan nya ang kanyang presyo sa
4 digits (PHP 1000-1500) pero madalas
mas mataas pa ang nakukuha nya rito.
Level 4: De Facto Certified Technician
=> Ang ganitong klaseng mga technician ay above
average na marunong sa software at
hardware.Kadalasan sa self-study nya lamang natutunan ang mga alam nya sa
pagaayos nang computer at ang kanyang mentor ay ang website nang google.
Mayroon syang sinusunod na troubleshooting steps sa kanyang pagawa at kompleto
rin sya sa gamit mula sa anti static wrist strap,multi-tester,screwdriver sets
,PC beep speaker, thermal compound at mga spare parts.Marunong rin sya sa moderate
optimizations sa software at konting overclocking techniques sa hardware .Napagbabalance
nya ang dalawang aspeto nang komputer kaya mapagkakatiwalaan na sa kanya mo
ipaayos ang komputer.Ang mga singilan nang taong ito ay nasa PHP 300 –PHP 450 pesos
depende sa sira pero kung mabait naman at kakilala ay may tyansa na makalibre
ka sa kanya.
Level 5: Certified Technician
=> Ito yung mga taong nakatikim nang
certification seminar kaya naatain ang titulo nang certified
technician.Kadalasan ay nasa agency sila at tinatawagan lamang nang mga
kumpanya kapag kinakailangan. Inclined sila sa ibang scenario’s at sira nang
komputers dahil narin sa dami nang kanilang mga ginagawang computers on a daily
basis.Ito yung mga klase nang technician na masasabi mo na experienciado talaga
at alam nila ang kanilang ginagawa maximum satisfaction ang magagarantiya nila sa
kanilang serbisyo. Dahil narin sila ay nakakontrata kaya fixed ang bayad sa
kanila na dumadaan muna sa agency kadalasan ay bawal silang tumangap nang
sideline dahil narin sa kontrata sa
agency.
Level 6: Electrical PC tech
=> Ito mga taong nakikita mong nagseservice sa inyo
nang ilaw,electric fan at T.V na kahit
ano na atang electrical appliance ay kaya nilang gawin.Iilan lamang sila na di
natakot pasukin ang mundo nang digital at nag aral parin nang magayos nang komputer.Kadalasan
tinatawanan ang mga kapwa technician dahil na rin sa parang lego lang ang
pagaayos nang komputer na sobrang dali lang nito para sa kanila.Di man sila ganon
kagaling sa software dahil ang kadalasan lang nilang alam ay ang pagiinstallng software ay
bawing bawi naman sila sa hardware nandyan na kaya nilang bumuhay nang patay na
mobo at video card sa pamamagitan nang pagpapalit nang Capacitor (PCB board at
Component Level Repair) nandyan na kaya nilang magjumper nang copper traces sa
motherboard ,reflow soldering at umintindi nang kumplikadong schematic at kung ano ano pang kalokohan na mamangha kang talaga.Ang bayad sa kanila ay
medyo di naman ganon kamahal kung sa aakalain mo tatanchahin din nila ang stado mo
sa buhay at naisip mong magpagawa sa kanilang mga beterano nasa PHP 600 pataas ang kanilang singilan.
At
ngayon nalaman mo na ang mga uri ng PC technician ay malaya ka nang mamili kung
kanino magpapagawa nasa-saiyo na yan kung pasok ba sa budjet mo at kung may
kakilala kang mapagkakatiwalaan na gagawa.Pero kung intersado kang pasukin ang
trabahong ito ay masasabi kong huwag na dahil marami na kami ayaw nanamin
madagdagan pa ang kakompetensya.
.
..
...
ps: Gumagawa rin ako baka gusto mong magpareformat mura lang discounted na name your price.
Pre sira pc ko, pareformat naman.. gusto ko 86 bit..
ReplyDelete