Friday, December 28, 2012

GK OpenVPN Config Maker v 2.0.2








[ GK OpenVPN Config Maker  ]

Author: Ronnie c. Pedales ("NIERO")
Company: Grupongkul
Website: www.grupongkul.tk
E-mail: Rockmanaccess@gmail.com



CHANGELOG:

Version 2.0.2 December 29 2012

+ Updated HSS binaries to latest version (ver 2.2.2 november 2012 )
+ Tap Driver Installation / Uninstall support
+ CLI connect configs direct to openvpn
+ Custom Pinger Added


Version 1.0.0 June  29, 2012
+ OpenVPN integrated to test the config file upon creation
+ Fully Functional Generated Configuration/s
+ Open VPN config file settings taken from working and tested config files. credits to: yhatzee and drawang






=================================
+++++++++++++++++++++++++++++++++
=================================

Description: Creates a customized Configuration Files [.ovpn] to be used in connecting with HSS servers

The Program is limited to Hotspotshield VPN configuration files for the time being.

   
   
HOW TO USE :????

   Easy Just select from options and press the enter key.The configuration file will be generated upon your preffered settings.This Program is  specially coded to work on SMART network only as there is no VPN access on other providers keep that in mind although you can generate a specific config for any purpose.



  

For Bugs and Constructive Comments Please Visit Our Forum

www.grupongkul.tk

In The GK APPZ Subsection





Special Thanks To

Assasincross
alfred007
Trisj
ghello
RL
and the other forum members



Hope This app will be useful for you!!


GK  LEAVE NO KUL BEHIND  .................................

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~










How to use just follow the screenshots !




STEP 1:

             First Install The TAP ADAPTERS by clicking on the Install Batch File



























STEP 2:
           
   Then if you are in a hurry just click on the connect executable then
select from preselected configuration files.
































 STEP 3:

           For Begginners i would suggest to just click the fast
connect feature it will directly connect with a preconfigured config.
























 STEP 4:

               If you want to experiment and make your own configs just click the
ConfigMaker executable and follow each steps.






























 STEP 5:
             There you have it simple as that































DOWNLOAD LINK

Friday, November 30, 2012

Sira ba ang PC mo ? Tara Format natin..




                                                

         Madalas masira ang mga kompyuter  nadyan na bigla na lang di gumagana ang sounds di na gumagana ang games at mga program na hindi na nagbubukas.Pero OK lang yan hanggat natitiis mo pa,pero kung naapektuhan na talaga ang mga gawain mong napakaproductive katulad nang pagpepeysbuk at pagtetetris ay teka ibang usapan na yan kaya kailangan nang ipareformat este ipagawa yan sa katiwa tiwalang PC technician.Maraming uri ng pc technician sa di mo inaakala kaya nandito ang entry na ito upang iklasify sila base sa mga categorya at level na pasok sa bulsa mo! ,Magsimula muna tayo sa level 1.








LEVEL 1: Totoy Software

=>  si totoy installer  ay isang pc technian na hoarder nang kung ano anong mga installer. Halos lahat nang software sa softpedia ay nasa kanya na  nandyan nakolekta nya narin lahat ng anti virus mula webroot hanggang bitdefender.Adik sya sa kakainstall  para mapataas pa ang minimum na ibabayad sa kanya ito lamang ay kung hindi mo siya pinakain nang meryenda.Marunong siya nang minimal optimizations tulad nang Ram defrag at registry defrag na di naman talaga kailangan. Bukambibig nya rin sa kliente na original at geniune ang kanyang mga installer na kadalasan ay nauuto naman.Software level ang approach nya sa lahat nang problema nandyan ang sunod sunod na pag iinstall at patong patong na antivirus upang mahuli lamang ang malware na kadalasan  hardware  pala ang sira. Madalas natutuwa ang mga kliente dahil sa dami nang games na inininstall nya  mula sa bigfish at popcap  pero dahil na rin sa lahat nang kanyang software ay bundled with toolbars  kaya bumabagal ang desktop performance nang kliente.Di naman kamahalan ang singil nang taong ito below minimum naman ang kanyang singil  (PHP 200 or PHP 250  + PHP 100 pag may addtional software)  pero humanda ka dahil pageexperimentuhan nya sa install ang iyong computer.Kapag  ang pagiinstall nang kung ano anong software ay di gumana  isasagawa nya na ang kanyang huling alas at yon ay ang pagrereformat.









LEVEL 2: Baklas kabit A.K.A : Totoy Reseat
=> Si totoy Reseat naman ay mayroon nang karanasan sa pagbaklas nang sariling PC. Halos lahat nang problema para sa kanya ay dala na nang alikabok at dumi.Kompleto sya sa gamit sa pagbaklas sa PC mula sa Philips screwdriver at eraser. Ang kanyang methodology sa pagaayos nang pc ay napakaloob sa  pagrereseat nang mga komponents. Baklas Linis Is-is tapos kabit luwag kiskis linis kabit  yan ang kanyang methodology para makatsamba nang post ang system. Kadalasang di gumagamit nang proteksyon sa static at di alam ang konsepto nang grounding kaya may tsansang masira ang iyong pinakamamahal na hardware sa “ESD”.Medyo normal to medium lang ang singilan ni totoy reseat depende yon sa oras nang kaka trial and error nya sa sira at kung medyo di naman karumihan ang iyong desktop. Tipikal lang na singilin ka nya nag PHP 300-400 dahil kapanipaniwala naman na mukang mahirap talaga ang kanyang ginawa.










Level 3: Totoy Taga
=>  Si totoy taga ay pinagsamang version ni totoy reseat at totoy software.Moderate ang level ang alam nya sa software at hardware at mayroon syang kakayahan na pagsamahin ito.Kadalasan ay hanggang dito na lang siya dahil sa masyadong pagkabilib sa sarili at tila kinain na nang sariling kayabangan. Nagagawa nya naman nang maayos ang trabaho nya at masasabi mo na quality sya gumawa.Kadalasan inuuna nya munang tapusin ang pagaayos sa pc bago makipagusap sa presyo para di na makapalag ang may-ari. Kapag dumating na ang oras nang singilan ay tila ba nagiging aspalto ang muka sa pagiging garapal nandyan na kahit pinakain mo na nang meryenda ay tatagain ka parin.Kahit simpleng format at upgrade lang nang driver ay tila ba pumapantay sya sa level sa certified technician na mayroong troubleshooting fee.Maski format lang naman ang ginawa ay tatagain ka parin  ang tipikal na singilan nang mga technician na ito ay pumapalo sa PHP 500 pataas depende sa hirap nang pinagawa.









Level 3.2 : Totoy Kahoy
=>  Si totoy kahoy ay  isang strain /sub specie ni totoy taga  with malicious intent. Kadalasan ito yung technician na namimili nang mayayamang kliente yung mga tipong de-aircon at kotse. Madalas kung saan saan sya napapadpad dahil dito ay nagpapapickup pa siya sa kanyang kliente para makaranas nang libreng pamasahe. Mayayaman ang kanyang target dahil kadalasan ito yung mga hunghang na may pera nga wala namang kaalam alam sa komputer kaya madaling utuin.Ang kanyang modus operandi ay palitan / “KAHUYIN “ ang pyesa  mula sa computer na pinapaayos  papunta sa kanyang personalized RIG.Nagsimula lamang sa pinagtagpitagping Pentium 4 ang kanyang computer noon pero ngayon ay naka i5 na ang loko with matching  SLI / CROSSFIRE pa!!! .Papaniwalain nya ang kliente na sira talaga ang pyesa at kakailanganin na bumili nang bago sa gilmore pero sa secondhand shop pupunta ang gago.Hihingin nya ang pyesa pagkatapos nang transaction dahil iisipin naman nang mayari na sira ito at di na gumagana.Galante rin ang bayad sa kanya dahil sa mayaman ang klient kaya tinataasan nya ang kanyang presyo sa 4 digits (PHP 1000-1500)  pero madalas mas mataas pa ang nakukuha nya rito.









Level 4:  De Facto Certified Technician
=>  Ang ganitong klaseng mga technician ay above average na  marunong sa software at hardware.Kadalasan sa self-study nya lamang natutunan ang mga alam nya sa pagaayos nang computer at ang kanyang mentor ay ang website nang google. Mayroon syang sinusunod na troubleshooting steps sa kanyang pagawa at kompleto rin sya sa gamit mula sa anti static wrist strap,multi-tester,screwdriver sets ,PC beep speaker, thermal compound at mga spare parts.Marunong rin sya sa moderate optimizations sa software at konting overclocking techniques sa hardware .Napagbabalance nya ang dalawang aspeto nang komputer kaya mapagkakatiwalaan na sa kanya mo ipaayos ang komputer.Ang mga singilan nang taong ito ay nasa PHP 300 –PHP 450 pesos depende sa sira pero kung mabait naman at kakilala ay may tyansa na makalibre ka sa kanya.








Level 5: Certified Technician
=>   Ito yung mga taong nakatikim nang certification seminar kaya naatain ang titulo nang certified technician.Kadalasan ay nasa agency sila at tinatawagan lamang nang mga kumpanya kapag kinakailangan. Inclined sila sa ibang scenario’s at sira nang komputers dahil narin sa dami nang kanilang mga ginagawang computers on a daily basis.Ito yung mga klase nang technician na masasabi mo na experienciado talaga at alam nila ang kanilang ginagawa  maximum satisfaction ang magagarantiya nila sa kanilang serbisyo. Dahil narin sila ay nakakontrata kaya fixed ang bayad sa kanila na dumadaan muna sa agency kadalasan ay bawal silang tumangap nang sideline  dahil narin sa kontrata sa agency.







Level 6:  Electrical PC tech
=> Ito  mga taong nakikita mong nagseservice sa inyo nang ilaw,electric fan at T.V  na kahit ano na atang electrical appliance ay kaya nilang gawin.Iilan lamang sila na di natakot pasukin ang mundo nang digital at nag aral parin  nang magayos nang komputer.Kadalasan tinatawanan ang mga kapwa technician dahil na rin sa parang lego lang ang pagaayos nang komputer na sobrang dali lang nito para sa kanila.Di man sila ganon kagaling sa software dahil ang kadalasan lang nilang alam ay ang pagiinstallng software ay bawing bawi naman sila sa hardware nandyan na kaya nilang bumuhay nang patay na mobo at video card sa pamamagitan nang pagpapalit nang Capacitor (PCB board at Component Level Repair) nandyan na kaya nilang magjumper nang copper traces sa motherboard ,reflow soldering at umintindi nang kumplikadong schematic at kung ano ano pang kalokohan na mamangha kang talaga.Ang bayad sa kanila ay medyo di naman ganon kamahal kung sa aakalain mo tatanchahin din nila ang stado mo sa buhay at naisip mong magpagawa sa kanilang mga beterano  nasa PHP 600 pataas ang kanilang singilan.






                At ngayon nalaman mo na ang mga uri ng PC technician ay malaya ka nang mamili kung kanino magpapagawa nasa-saiyo na yan kung pasok ba sa budjet mo at kung may kakilala kang mapagkakatiwalaan na gagawa.Pero kung intersado kang pasukin ang trabahong ito ay masasabi kong huwag na dahil marami na kami ayaw nanamin madagdagan pa ang kakompetensya.













.
..
...
ps: Gumagawa rin ako baka gusto mong magpareformat mura lang discounted na name your price.


































Tuesday, September 25, 2012

Bakit ako nabuhay sa mundo? ang tanong nang kaibigang emo






     Dati rati ang palaging tinatanong sa akin nang dating kaklase  kung ano ba ang silbe nya sa mundo
nakakatawa ang kanyang tanong dahil hindi mo lubos maisip kung anong  brand nang toyo ang nalaklak nya kung bakit nya
naisip to.Ang palagi kong sinasagot sa kanya sa kada tatanungin nya ako ay ginawa ka upang (lahat nang kamalasan nya sa mundo ay idudugtong ko
sa magagandang nangyayari sa mundo) kaya sya ay nababadtrip.

    Pero minsan talaga ay maiisip mo rin ang tanong na yan ano bang silbe mo sa mundo bakit kaba ginawa nang diyos anong pakinabang nya sayo? kung bakit ka ginawa?
meron akong mga naformulate na theorya ukol dito pero di ko maisulat dati pa.Kung meron mang kaparehas ang mga ideyang isusulat ko ngayon ay iyon ay nagkaton lamang
kaya di nyo ako pwede kasuhan dahil naunahan lang ako sa ideya.Eto na ang mga theoryang naformulate ko wag kayong tatawa.



1.) Theory 1: Ginawa ka nang diyos bilang entertainment system A.K.A story generator

    Actually hindi original ang ideyang ito nasabi ito nang isang pastor nang sinalihan kong choir group nung elementary bago ko pa maisanla ang kaluluwa ko sa kung kani-kaninong deity.
Sinabi nya na kaya ginawa ang tao upang magenerate ng istorya,  ginawa tayong entertainment system na kung saan malaya tayong pinapanood  at ang main  character ay ikaw at ang plot ay ang mismong buhay mo.
Dahil sa dinarami rami nang tao ,magkakaibang settings ay iba ibang genre at storya ang naproproduce.Meron mga buhay na makabuluhan at meron din namang wlang kwenta minsan mahaba
minsan sandali lang pero ang pagiging interesante nito sa kanya ay  walang nakakaalam hindi natin alam ang criteria nila kung anong ba ang magandang istorya para sa kanya.Dumedepende  ang script nang buhay
mo sa mismong bida nang palabas  (IKAW)  dahil ang korni naman nang palabas na alam mo na ang istorya at ang mga mangyayari at patuloy mo paring pinapanood (wla syang kontrol dito dahil makakasagabal ito takbo nang istorya).Kung ikukumara ito sa atin parehas ito sa
panonood nang anime at telenovela sa TV.


2:) Theory 2: Ginawa ka nang diyos bilang Civilization simulator

    Sa theoryang ito ay ginawa ang tao upang itesting ang mga posibilidad nang pagbuo nang isang civilization at hahayaan itong magevolve hanggang sa tumaas na ang antas ng teknolohiya nito.Maikukumpara ito
sa larong CIVILIZATIONS na isang simulator na parang SIM-city pero ang control mo lang dito ay resources kung gaano karami ang ibibigay mo.Ang larong ito ay pwede mong iwanan nang ilang taon at kusa itong
magproprogress depende sa mga factors.Ang world record nang larong ito na 15 years na iniwanan at hulaan mo kung ano ang nagyari syempre gyera at pagkawasak.Tatanungin mo ako bakit kailangang bumuo
ang diyos nang ganyang sistema sayang lang sa oras yan? mali sa pamamagitan nang pagsisimulate nang realidad ay maari mong malaman kung ano ang mga posibilidad at hulaan ang hinaharap.



3:) Theory 3: Ginawa ka nang diyos bilang calculator

    Sa theoryang ito ay itinuturing ang bawat tao bilang isang computational device.Mas marami mas malakas ang computing capability syempre bilang isang computational device ay wala tayong alam kung
anong kinokompute natin completely invisible ito sa atin.Hindi mo nararamdaman pero sa pangaraw araw na buhay mo at lahat nang ginagawa mo ay mismong parte nang computing proccess.Kung anuman ang
kinokopute nya ay di natin to alam dahil  tayo ay isang calculator di  natin alam ang 1+1=2 bakit? simple lang ginawa ang kalkulator para magcompute hindi ang tanong sa specific na problema wlang kabuluhan sa atin ang
expression na 1+1 diretsyo natin  ibinibigay ang sagot na 2 na wlang kabuluhan para sa atin.In short ginawa ang tao upang ikompute ang isang specific na problema at wla tayong ibang kayang gawin kundi gawin lamang iyon.

4:) Ginawa ka nang diyos bilang isang program

    Sa lahat nang theoryang binigay ko ito na siguro ang pinakamalapit na description nang mga samut saring relihiyon ngayon.Ang diyos ay isang programmer pinagproprogram sya nang isang program na kung saan
    tayong mga tao ay parte nang code na kanyang ginagawa.Dahil sa beta version pa ito ay napakarami nitong mali o bugs na nagdudulot nang compile error sa kanyang program.Kinakailangan itong alisin upang maging maayos
    at stable ang buong program.Kailangan nyang idelete ang mga code na nagdudulot nang samut saring error (Maiihantulad sa pagpunta sa impyerno) at ang mga code naman na nasira na at medyo pwede pang remedyohan  dipende sa trip nang programmer (mga taong
    nagbalik loob sa diyos at tinangap silang muli nito) ay ieedit at aayusin.Ang konsepto naman nang buhay na wlang hanggan ay ang pagkakasama ng iyong sarili  na nasa anyo nang final version nang software na irerelease.
    Kompletely nang nacompile ang systema at ito ay naperpekto na kaya di na to pwedeng iedit dahil ito ay nasa binary form na.Last ay ang pagaaknowledge nang mismong program nya sa kanyang programmer.ex.( About This Program ver.XXX autor ????)
   

   
5:) Ginawa ka nang diyos bilang baterya A.K.A power source

    Alam ko ang iniisip mo kaparehas lang  ito sa matrix hinde pero parang oo narin.Ginawa ang mga tao bilang source nang kapangyarihan na ginagamit nang ating diyos pero di natin alam kung saan nya ito ginagamit eg. sa pagpapailaw
    ba nang mga ilaw sa langit o sa mismong mystic o holy powers nya o sa mismong life energy nya.Naiisip ko minsan na ang paniniwala nang tao sa isang diyos ay nakakonekta sa mga enerhiyang naiipon katulad sa genki dama ni
    goku para talunin si frieza pero who know's baka ganun nga.
   
6:) Ginawa ang tao upang gumawa nang ????

        Ito siguro ang pinaka distorted kong ideya sa lahat dahil maikukumpara ito sa ating mga tao na  gustong gumawa nang robot na may kaparehas o mas mataas na kapabilidad kaysa sa atin.
        Ginawa ang tao nang diyos upang magkaroon sya nang kontrol sa atin at gamitin sa kanyang mga adhikain.Bakit tayo ginawa simple lang dahil  meron tayong kapabilidad na mas nagagawa natin nang mabuti/mabilis kaysa sa kanya
        Kung ano man kapabilidad na iyon  wlang nakakaalam sa atin at syempre bilang tagapaglikha ay ginusto nyang kilalanin natin sya bilang tagapaglikha natin sa pamamagitan nang  pagpataw nang limitasyon sa kung ano ang dapat gawin at hindi(LAW OF ROBOTICS)
        .Kung iisipin mo nga naman kung gagawa ka nang isang bagay na may kakayahang magisip para sa kanyang sarili paano mo nga naman ito makokontrol nang hindi nasisira ang kapabilidad nyang ito simple lang
        magtanim nang moral standards at authority sa mismong bagay  na ginawa mo.Moral standards ay  kung ano ang tama o mali ex.masama pumatay,magnakaw,mangreyp etc at authority naman ay ang kontrol
        ay ang pagiging nakakatataas na dapat sundin.Bilang security features ay itinanim ang konsepto nang takot sa mga tao sa pamamagitan nito ay mas madali tayong makokontrol at mapapasunod eg.takot sa pagawa nang masama
        takot sa sakit at takot sa kamatayan etc.Meron ikinakatakot ang tagapaglikha na alam nyang pwedeng mangyari ang pagrerebelde mismo nang kanyang nilikha.
       
       
       
       
       
        Ngayon kung natapos mong basahin lahat yan nang di naboboring ay sinasabi ko ngayon na wag kang maniwala dyan puro kalokohan lang yan!.Pero isipin mo kung magiisip lahat nang tao kung bakit nga ba tayo ginawa ng diyos
        ay darating ang araw ay mayroong makakatsamba sa atin nang tamang kasagutan sa tanong na yan.