Tuesday, September 25, 2012
Bakit ako nabuhay sa mundo? ang tanong nang kaibigang emo
Dati rati ang palaging tinatanong sa akin nang dating kaklase kung ano ba ang silbe nya sa mundo
nakakatawa ang kanyang tanong dahil hindi mo lubos maisip kung anong brand nang toyo ang nalaklak nya kung bakit nya
naisip to.Ang palagi kong sinasagot sa kanya sa kada tatanungin nya ako ay ginawa ka upang (lahat nang kamalasan nya sa mundo ay idudugtong ko
sa magagandang nangyayari sa mundo) kaya sya ay nababadtrip.
Pero minsan talaga ay maiisip mo rin ang tanong na yan ano bang silbe mo sa mundo bakit kaba ginawa nang diyos anong pakinabang nya sayo? kung bakit ka ginawa?
meron akong mga naformulate na theorya ukol dito pero di ko maisulat dati pa.Kung meron mang kaparehas ang mga ideyang isusulat ko ngayon ay iyon ay nagkaton lamang
kaya di nyo ako pwede kasuhan dahil naunahan lang ako sa ideya.Eto na ang mga theoryang naformulate ko wag kayong tatawa.
1.) Theory 1: Ginawa ka nang diyos bilang entertainment system A.K.A story generator
Actually hindi original ang ideyang ito nasabi ito nang isang pastor nang sinalihan kong choir group nung elementary bago ko pa maisanla ang kaluluwa ko sa kung kani-kaninong deity.
Sinabi nya na kaya ginawa ang tao upang magenerate ng istorya, ginawa tayong entertainment system na kung saan malaya tayong pinapanood at ang main character ay ikaw at ang plot ay ang mismong buhay mo.
Dahil sa dinarami rami nang tao ,magkakaibang settings ay iba ibang genre at storya ang naproproduce.Meron mga buhay na makabuluhan at meron din namang wlang kwenta minsan mahaba
minsan sandali lang pero ang pagiging interesante nito sa kanya ay walang nakakaalam hindi natin alam ang criteria nila kung anong ba ang magandang istorya para sa kanya.Dumedepende ang script nang buhay
mo sa mismong bida nang palabas (IKAW) dahil ang korni naman nang palabas na alam mo na ang istorya at ang mga mangyayari at patuloy mo paring pinapanood (wla syang kontrol dito dahil makakasagabal ito takbo nang istorya).Kung ikukumara ito sa atin parehas ito sa
panonood nang anime at telenovela sa TV.
2:) Theory 2: Ginawa ka nang diyos bilang Civilization simulator
Sa theoryang ito ay ginawa ang tao upang itesting ang mga posibilidad nang pagbuo nang isang civilization at hahayaan itong magevolve hanggang sa tumaas na ang antas ng teknolohiya nito.Maikukumpara ito
sa larong CIVILIZATIONS na isang simulator na parang SIM-city pero ang control mo lang dito ay resources kung gaano karami ang ibibigay mo.Ang larong ito ay pwede mong iwanan nang ilang taon at kusa itong
magproprogress depende sa mga factors.Ang world record nang larong ito na 15 years na iniwanan at hulaan mo kung ano ang nagyari syempre gyera at pagkawasak.Tatanungin mo ako bakit kailangang bumuo
ang diyos nang ganyang sistema sayang lang sa oras yan? mali sa pamamagitan nang pagsisimulate nang realidad ay maari mong malaman kung ano ang mga posibilidad at hulaan ang hinaharap.
3:) Theory 3: Ginawa ka nang diyos bilang calculator
Sa theoryang ito ay itinuturing ang bawat tao bilang isang computational device.Mas marami mas malakas ang computing capability syempre bilang isang computational device ay wala tayong alam kung
anong kinokompute natin completely invisible ito sa atin.Hindi mo nararamdaman pero sa pangaraw araw na buhay mo at lahat nang ginagawa mo ay mismong parte nang computing proccess.Kung anuman ang
kinokopute nya ay di natin to alam dahil tayo ay isang calculator di natin alam ang 1+1=2 bakit? simple lang ginawa ang kalkulator para magcompute hindi ang tanong sa specific na problema wlang kabuluhan sa atin ang
expression na 1+1 diretsyo natin ibinibigay ang sagot na 2 na wlang kabuluhan para sa atin.In short ginawa ang tao upang ikompute ang isang specific na problema at wla tayong ibang kayang gawin kundi gawin lamang iyon.
4:) Ginawa ka nang diyos bilang isang program
Sa lahat nang theoryang binigay ko ito na siguro ang pinakamalapit na description nang mga samut saring relihiyon ngayon.Ang diyos ay isang programmer pinagproprogram sya nang isang program na kung saan
tayong mga tao ay parte nang code na kanyang ginagawa.Dahil sa beta version pa ito ay napakarami nitong mali o bugs na nagdudulot nang compile error sa kanyang program.Kinakailangan itong alisin upang maging maayos
at stable ang buong program.Kailangan nyang idelete ang mga code na nagdudulot nang samut saring error (Maiihantulad sa pagpunta sa impyerno) at ang mga code naman na nasira na at medyo pwede pang remedyohan dipende sa trip nang programmer (mga taong
nagbalik loob sa diyos at tinangap silang muli nito) ay ieedit at aayusin.Ang konsepto naman nang buhay na wlang hanggan ay ang pagkakasama ng iyong sarili na nasa anyo nang final version nang software na irerelease.
Kompletely nang nacompile ang systema at ito ay naperpekto na kaya di na to pwedeng iedit dahil ito ay nasa binary form na.Last ay ang pagaaknowledge nang mismong program nya sa kanyang programmer.ex.( About This Program ver.XXX autor ????)
5:) Ginawa ka nang diyos bilang baterya A.K.A power source
Alam ko ang iniisip mo kaparehas lang ito sa matrix hinde pero parang oo narin.Ginawa ang mga tao bilang source nang kapangyarihan na ginagamit nang ating diyos pero di natin alam kung saan nya ito ginagamit eg. sa pagpapailaw
ba nang mga ilaw sa langit o sa mismong mystic o holy powers nya o sa mismong life energy nya.Naiisip ko minsan na ang paniniwala nang tao sa isang diyos ay nakakonekta sa mga enerhiyang naiipon katulad sa genki dama ni
goku para talunin si frieza pero who know's baka ganun nga.
6:) Ginawa ang tao upang gumawa nang ????
Ito siguro ang pinaka distorted kong ideya sa lahat dahil maikukumpara ito sa ating mga tao na gustong gumawa nang robot na may kaparehas o mas mataas na kapabilidad kaysa sa atin.
Ginawa ang tao nang diyos upang magkaroon sya nang kontrol sa atin at gamitin sa kanyang mga adhikain.Bakit tayo ginawa simple lang dahil meron tayong kapabilidad na mas nagagawa natin nang mabuti/mabilis kaysa sa kanya
Kung ano man kapabilidad na iyon wlang nakakaalam sa atin at syempre bilang tagapaglikha ay ginusto nyang kilalanin natin sya bilang tagapaglikha natin sa pamamagitan nang pagpataw nang limitasyon sa kung ano ang dapat gawin at hindi(LAW OF ROBOTICS)
.Kung iisipin mo nga naman kung gagawa ka nang isang bagay na may kakayahang magisip para sa kanyang sarili paano mo nga naman ito makokontrol nang hindi nasisira ang kapabilidad nyang ito simple lang
magtanim nang moral standards at authority sa mismong bagay na ginawa mo.Moral standards ay kung ano ang tama o mali ex.masama pumatay,magnakaw,mangreyp etc at authority naman ay ang kontrol
ay ang pagiging nakakatataas na dapat sundin.Bilang security features ay itinanim ang konsepto nang takot sa mga tao sa pamamagitan nito ay mas madali tayong makokontrol at mapapasunod eg.takot sa pagawa nang masama
takot sa sakit at takot sa kamatayan etc.Meron ikinakatakot ang tagapaglikha na alam nyang pwedeng mangyari ang pagrerebelde mismo nang kanyang nilikha.
Ngayon kung natapos mong basahin lahat yan nang di naboboring ay sinasabi ko ngayon na wag kang maniwala dyan puro kalokohan lang yan!.Pero isipin mo kung magiisip lahat nang tao kung bakit nga ba tayo ginawa ng diyos
ay darating ang araw ay mayroong makakatsamba sa atin nang tamang kasagutan sa tanong na yan.
Labels:
articles
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment