Tuesday, September 25, 2012

Bakit ako nabuhay sa mundo? ang tanong nang kaibigang emo






     Dati rati ang palaging tinatanong sa akin nang dating kaklase  kung ano ba ang silbe nya sa mundo
nakakatawa ang kanyang tanong dahil hindi mo lubos maisip kung anong  brand nang toyo ang nalaklak nya kung bakit nya
naisip to.Ang palagi kong sinasagot sa kanya sa kada tatanungin nya ako ay ginawa ka upang (lahat nang kamalasan nya sa mundo ay idudugtong ko
sa magagandang nangyayari sa mundo) kaya sya ay nababadtrip.

    Pero minsan talaga ay maiisip mo rin ang tanong na yan ano bang silbe mo sa mundo bakit kaba ginawa nang diyos anong pakinabang nya sayo? kung bakit ka ginawa?
meron akong mga naformulate na theorya ukol dito pero di ko maisulat dati pa.Kung meron mang kaparehas ang mga ideyang isusulat ko ngayon ay iyon ay nagkaton lamang
kaya di nyo ako pwede kasuhan dahil naunahan lang ako sa ideya.Eto na ang mga theoryang naformulate ko wag kayong tatawa.



1.) Theory 1: Ginawa ka nang diyos bilang entertainment system A.K.A story generator

    Actually hindi original ang ideyang ito nasabi ito nang isang pastor nang sinalihan kong choir group nung elementary bago ko pa maisanla ang kaluluwa ko sa kung kani-kaninong deity.
Sinabi nya na kaya ginawa ang tao upang magenerate ng istorya,  ginawa tayong entertainment system na kung saan malaya tayong pinapanood  at ang main  character ay ikaw at ang plot ay ang mismong buhay mo.
Dahil sa dinarami rami nang tao ,magkakaibang settings ay iba ibang genre at storya ang naproproduce.Meron mga buhay na makabuluhan at meron din namang wlang kwenta minsan mahaba
minsan sandali lang pero ang pagiging interesante nito sa kanya ay  walang nakakaalam hindi natin alam ang criteria nila kung anong ba ang magandang istorya para sa kanya.Dumedepende  ang script nang buhay
mo sa mismong bida nang palabas  (IKAW)  dahil ang korni naman nang palabas na alam mo na ang istorya at ang mga mangyayari at patuloy mo paring pinapanood (wla syang kontrol dito dahil makakasagabal ito takbo nang istorya).Kung ikukumara ito sa atin parehas ito sa
panonood nang anime at telenovela sa TV.


2:) Theory 2: Ginawa ka nang diyos bilang Civilization simulator

    Sa theoryang ito ay ginawa ang tao upang itesting ang mga posibilidad nang pagbuo nang isang civilization at hahayaan itong magevolve hanggang sa tumaas na ang antas ng teknolohiya nito.Maikukumpara ito
sa larong CIVILIZATIONS na isang simulator na parang SIM-city pero ang control mo lang dito ay resources kung gaano karami ang ibibigay mo.Ang larong ito ay pwede mong iwanan nang ilang taon at kusa itong
magproprogress depende sa mga factors.Ang world record nang larong ito na 15 years na iniwanan at hulaan mo kung ano ang nagyari syempre gyera at pagkawasak.Tatanungin mo ako bakit kailangang bumuo
ang diyos nang ganyang sistema sayang lang sa oras yan? mali sa pamamagitan nang pagsisimulate nang realidad ay maari mong malaman kung ano ang mga posibilidad at hulaan ang hinaharap.



3:) Theory 3: Ginawa ka nang diyos bilang calculator

    Sa theoryang ito ay itinuturing ang bawat tao bilang isang computational device.Mas marami mas malakas ang computing capability syempre bilang isang computational device ay wala tayong alam kung
anong kinokompute natin completely invisible ito sa atin.Hindi mo nararamdaman pero sa pangaraw araw na buhay mo at lahat nang ginagawa mo ay mismong parte nang computing proccess.Kung anuman ang
kinokopute nya ay di natin to alam dahil  tayo ay isang calculator di  natin alam ang 1+1=2 bakit? simple lang ginawa ang kalkulator para magcompute hindi ang tanong sa specific na problema wlang kabuluhan sa atin ang
expression na 1+1 diretsyo natin  ibinibigay ang sagot na 2 na wlang kabuluhan para sa atin.In short ginawa ang tao upang ikompute ang isang specific na problema at wla tayong ibang kayang gawin kundi gawin lamang iyon.

4:) Ginawa ka nang diyos bilang isang program

    Sa lahat nang theoryang binigay ko ito na siguro ang pinakamalapit na description nang mga samut saring relihiyon ngayon.Ang diyos ay isang programmer pinagproprogram sya nang isang program na kung saan
    tayong mga tao ay parte nang code na kanyang ginagawa.Dahil sa beta version pa ito ay napakarami nitong mali o bugs na nagdudulot nang compile error sa kanyang program.Kinakailangan itong alisin upang maging maayos
    at stable ang buong program.Kailangan nyang idelete ang mga code na nagdudulot nang samut saring error (Maiihantulad sa pagpunta sa impyerno) at ang mga code naman na nasira na at medyo pwede pang remedyohan  dipende sa trip nang programmer (mga taong
    nagbalik loob sa diyos at tinangap silang muli nito) ay ieedit at aayusin.Ang konsepto naman nang buhay na wlang hanggan ay ang pagkakasama ng iyong sarili  na nasa anyo nang final version nang software na irerelease.
    Kompletely nang nacompile ang systema at ito ay naperpekto na kaya di na to pwedeng iedit dahil ito ay nasa binary form na.Last ay ang pagaaknowledge nang mismong program nya sa kanyang programmer.ex.( About This Program ver.XXX autor ????)
   

   
5:) Ginawa ka nang diyos bilang baterya A.K.A power source

    Alam ko ang iniisip mo kaparehas lang  ito sa matrix hinde pero parang oo narin.Ginawa ang mga tao bilang source nang kapangyarihan na ginagamit nang ating diyos pero di natin alam kung saan nya ito ginagamit eg. sa pagpapailaw
    ba nang mga ilaw sa langit o sa mismong mystic o holy powers nya o sa mismong life energy nya.Naiisip ko minsan na ang paniniwala nang tao sa isang diyos ay nakakonekta sa mga enerhiyang naiipon katulad sa genki dama ni
    goku para talunin si frieza pero who know's baka ganun nga.
   
6:) Ginawa ang tao upang gumawa nang ????

        Ito siguro ang pinaka distorted kong ideya sa lahat dahil maikukumpara ito sa ating mga tao na  gustong gumawa nang robot na may kaparehas o mas mataas na kapabilidad kaysa sa atin.
        Ginawa ang tao nang diyos upang magkaroon sya nang kontrol sa atin at gamitin sa kanyang mga adhikain.Bakit tayo ginawa simple lang dahil  meron tayong kapabilidad na mas nagagawa natin nang mabuti/mabilis kaysa sa kanya
        Kung ano man kapabilidad na iyon  wlang nakakaalam sa atin at syempre bilang tagapaglikha ay ginusto nyang kilalanin natin sya bilang tagapaglikha natin sa pamamagitan nang  pagpataw nang limitasyon sa kung ano ang dapat gawin at hindi(LAW OF ROBOTICS)
        .Kung iisipin mo nga naman kung gagawa ka nang isang bagay na may kakayahang magisip para sa kanyang sarili paano mo nga naman ito makokontrol nang hindi nasisira ang kapabilidad nyang ito simple lang
        magtanim nang moral standards at authority sa mismong bagay  na ginawa mo.Moral standards ay  kung ano ang tama o mali ex.masama pumatay,magnakaw,mangreyp etc at authority naman ay ang kontrol
        ay ang pagiging nakakatataas na dapat sundin.Bilang security features ay itinanim ang konsepto nang takot sa mga tao sa pamamagitan nito ay mas madali tayong makokontrol at mapapasunod eg.takot sa pagawa nang masama
        takot sa sakit at takot sa kamatayan etc.Meron ikinakatakot ang tagapaglikha na alam nyang pwedeng mangyari ang pagrerebelde mismo nang kanyang nilikha.
       
       
       
       
       
        Ngayon kung natapos mong basahin lahat yan nang di naboboring ay sinasabi ko ngayon na wag kang maniwala dyan puro kalokohan lang yan!.Pero isipin mo kung magiisip lahat nang tao kung bakit nga ba tayo ginawa ng diyos
        ay darating ang araw ay mayroong makakatsamba sa atin nang tamang kasagutan sa tanong na yan.
       
       
       
       
       
   
   



       
   

Saturday, September 1, 2012

Portable Life: Paalam aking Flashdrive



    Ngayon  araw di ko inaasahan na madededbol ang pinakmamahal kong 

flashdrive.Oo alam ko napakacheap ko para gawan ito
nang post pero masyadong maraming alaala ang nawala sa akin simula nang di na sya madetect ng windows Tinray ko itong iCPR pero wala na talaga mukang yung mismong  sa Logic board na ang sira
dahil sa sobra  na nitong kalumaan.Posible rin na dahil sa pag abuso ko rito na binansagan itong GOD MODE USB dahil sa  dali dali ko itong hinuhugot  nang hindi pa na sinisafely remove.
Expected ko na itong mangyayari dahil sobrang luma na nito halos third year high school ko pa  gamit pero mas ok na rin na namatay siya dahil sa karamdaman at nakuha ko ang bangkay nya bilang remembrance
at hindi basta nakalimutan o nawala o naiwala o kaya nanakaw.


Para humabahaba na mang tong entry na ito ay ikukwento ko ang istorya nang buhay nang aking flashdisk.Di man ito ang kaunaunahan kong usb (yung nauna 512mb na kingston na 2006 pa nabili na hiniram at
naiwala nang kaklase) di hamak na mas malaki ang capacity nito kaysa sa nauna ,noon ang filesize na 4GB ay pwedeng pwde na ito na! , ito na rin ang pinakamalaki mong mabibili.Ang mga tipical na tao ay bumibili nito
upang magsave nang documents komopya nang movie or music, lalagyanan ng picture,pampaprint etc.  pero sa amin iba ang gamit nito. Dahil sa pagiging maralitang pobremon  na may PC nga wala namang  internet ay kailangan gumawa nang
paraan upang maka-access sa  internet,ito ay sa pamamagitan sa pagdadawnload ng webpage at files.Ang sagot sa aming problema ay ang pagrerent sa mga mabibilis na komshap at duon nakakakuha kami nang mga
Files na diretsong naisasave  sa flashdrive.Upang hindi masayang ang perang pinangrent kailangan mong magplano at magmadali sa pagdadawnload  pero mahalaga pa rin ang kalidad nang mga dinadownload
dahil oras at pera ang nakasalalay rito.Kailangan ay mayroon kang Listahan nang mga link nang idadawnload mo (DOWNLOAD.txt , PENDING DOWNLOADS.txt) para mas mapabilis proceso nito dahil sa oras na umupo ka
sa internet shop at nagsimula ang time wla ka nang oras magisip para isipin pa kung anong idadawnload mo tiyak na mabablanko ka at masasayang ang pera mo na feysbuk lang ang napala.   


In short ginagamit ko itong  CACHE ng internet  dito kosinasave ang mga webpage na interesante at sa bahay ko nalamang babasahin upang di masayang ang oras sa komshap at  sabay dyan ang
pagdadawnload  sa IDM at torrent .Syempre Kailangan din na may
baon kang softwares upang mapabilis ang pagdadawnload mo na mas maganda kung portable.Portable Apps malaking tulong ito dahil di lang iisang komputer shop ang
pagrerentan mo at di rin always available ang paborito mong number nang PC sa komshap na mabilis ang download, ginagamit ito upang sa mismong  sa istik irun ang mga apps mo at di ka na magiinstall meron kasing mga komshap
na kulang kulang ang apps at meron ding bawal maginstall.At di pa nagtatapos dyan pinagexperimentuhan din namin ito upang magautorun,lagyan ng folder background,Gawing NTFS ang filesystem,Taasan ang file allocation unit size
,mapabilis ang file copying,gawing bootable installer, pagpapartition,gawing U3 ,gawing hacksaw at keylogger.Sa dinarami rami nang pinagagawa namin rito ay di kami natakot pagexperimentuhan ang mga PC na di naman
sa amin nandyan na natuto kaming magtamper ng mga DDL files ng windows XP para pagmukain itong windows vista na sa susunod na magreboot ay di na gagana.Ang batayan namin ng nang mapapala ay nakabase kung
ilang GB (Gigabytes ang nadownload mo) ang pinakamataas kong nakuha ay (16GB torrent 4GB DDL ) 20GB sa loob nang apat at kalahating oras at ang pinakamababa ay wala dahil  sa pagkawili  sa pagPK sa larong counter strike.


Halos dito umikot ang buhay namin nung high school halos mas mahalaga pa ito sa aming pitaka na nagdevelop sa pagkapraning ko  na halos oras oras ay kinakapa ito sa bulsa upang itsek kung
nasakin pa.Kung ikukumpara ang sitwasyon ngayon na may internet nako ay tila ba may mas napapala pa ko noon kaysa sa ngayon.Ngayon halos di na halos lumalampas ng isang GIG ang download ko puro na lang browse
scroll scroll scroll ..... basa tawa nood  in short for entertainment purposes na lamang ito at kuhanan na lamang pag kinakailangan.Hindi mo maapreciate ang internet kung nandyan na kaagad sya iyo taken for granted na
nandyan na siya palagi pwedeng pede mo gamitin kung kelan mo gustuhin.



Ang flashdrive kong pinangalanan kong "ACCESS NT"  ang nagsilbing tulay upang maaccess ko ang internet sa kahit papanong paraan sabi nga nang iba para-paraan lang yan
ito ang nagturo sa akin nang mga nalalaman ko sa komputer ngayon. Dumating na ang oras na kailangan nya na magpaalam di ko na sya pwede ipa RMA pa dahil lagpas lagpasan na sa 5-year warranty pero
salamat sa lahat nang alala pede ka nang magpahinga sa silicon heaven.