Saturday, September 1, 2012
Portable Life: Paalam aking Flashdrive
Ngayon araw di ko inaasahan na madededbol ang pinakmamahal kong
flashdrive.Oo alam ko napakacheap ko para gawan ito
nang post pero masyadong maraming alaala ang nawala sa akin simula nang di na sya madetect ng windows Tinray ko itong iCPR pero wala na talaga mukang yung mismong sa Logic board na ang sira
dahil sa sobra na nitong kalumaan.Posible rin na dahil sa pag abuso ko rito na binansagan itong GOD MODE USB dahil sa dali dali ko itong hinuhugot nang hindi pa na sinisafely remove.
Expected ko na itong mangyayari dahil sobrang luma na nito halos third year high school ko pa gamit pero mas ok na rin na namatay siya dahil sa karamdaman at nakuha ko ang bangkay nya bilang remembrance
at hindi basta nakalimutan o nawala o naiwala o kaya nanakaw.
Para humabahaba na mang tong entry na ito ay ikukwento ko ang istorya nang buhay nang aking flashdisk.Di man ito ang kaunaunahan kong usb (yung nauna 512mb na kingston na 2006 pa nabili na hiniram at
naiwala nang kaklase) di hamak na mas malaki ang capacity nito kaysa sa nauna ,noon ang filesize na 4GB ay pwedeng pwde na ito na! , ito na rin ang pinakamalaki mong mabibili.Ang mga tipical na tao ay bumibili nito
upang magsave nang documents komopya nang movie or music, lalagyanan ng picture,pampaprint etc. pero sa amin iba ang gamit nito. Dahil sa pagiging maralitang pobremon na may PC nga wala namang internet ay kailangan gumawa nang
paraan upang maka-access sa internet,ito ay sa pamamagitan sa pagdadawnload ng webpage at files.Ang sagot sa aming problema ay ang pagrerent sa mga mabibilis na komshap at duon nakakakuha kami nang mga
Files na diretsong naisasave sa flashdrive.Upang hindi masayang ang perang pinangrent kailangan mong magplano at magmadali sa pagdadawnload pero mahalaga pa rin ang kalidad nang mga dinadownload
dahil oras at pera ang nakasalalay rito.Kailangan ay mayroon kang Listahan nang mga link nang idadawnload mo (DOWNLOAD.txt , PENDING DOWNLOADS.txt) para mas mapabilis proceso nito dahil sa oras na umupo ka
sa internet shop at nagsimula ang time wla ka nang oras magisip para isipin pa kung anong idadawnload mo tiyak na mabablanko ka at masasayang ang pera mo na feysbuk lang ang napala.
In short ginagamit ko itong CACHE ng internet dito kosinasave ang mga webpage na interesante at sa bahay ko nalamang babasahin upang di masayang ang oras sa komshap at sabay dyan ang
pagdadawnload sa IDM at torrent .Syempre Kailangan din na may
baon kang softwares upang mapabilis ang pagdadawnload mo na mas maganda kung portable.Portable Apps malaking tulong ito dahil di lang iisang komputer shop ang
pagrerentan mo at di rin always available ang paborito mong number nang PC sa komshap na mabilis ang download, ginagamit ito upang sa mismong sa istik irun ang mga apps mo at di ka na magiinstall meron kasing mga komshap
na kulang kulang ang apps at meron ding bawal maginstall.At di pa nagtatapos dyan pinagexperimentuhan din namin ito upang magautorun,lagyan ng folder background,Gawing NTFS ang filesystem,Taasan ang file allocation unit size
,mapabilis ang file copying,gawing bootable installer, pagpapartition,gawing U3 ,gawing hacksaw at keylogger.Sa dinarami rami nang pinagagawa namin rito ay di kami natakot pagexperimentuhan ang mga PC na di naman
sa amin nandyan na natuto kaming magtamper ng mga DDL files ng windows XP para pagmukain itong windows vista na sa susunod na magreboot ay di na gagana.Ang batayan namin ng nang mapapala ay nakabase kung
ilang GB (Gigabytes ang nadownload mo) ang pinakamataas kong nakuha ay (16GB torrent 4GB DDL ) 20GB sa loob nang apat at kalahating oras at ang pinakamababa ay wala dahil sa pagkawili sa pagPK sa larong counter strike.
Halos dito umikot ang buhay namin nung high school halos mas mahalaga pa ito sa aming pitaka na nagdevelop sa pagkapraning ko na halos oras oras ay kinakapa ito sa bulsa upang itsek kung
nasakin pa.Kung ikukumpara ang sitwasyon ngayon na may internet nako ay tila ba may mas napapala pa ko noon kaysa sa ngayon.Ngayon halos di na halos lumalampas ng isang GIG ang download ko puro na lang browse
scroll scroll scroll ..... basa tawa nood in short for entertainment purposes na lamang ito at kuhanan na lamang pag kinakailangan.Hindi mo maapreciate ang internet kung nandyan na kaagad sya iyo taken for granted na
nandyan na siya palagi pwedeng pede mo gamitin kung kelan mo gustuhin.
Ang flashdrive kong pinangalanan kong "ACCESS NT" ang nagsilbing tulay upang maaccess ko ang internet sa kahit papanong paraan sabi nga nang iba para-paraan lang yan
ito ang nagturo sa akin nang mga nalalaman ko sa komputer ngayon. Dumating na ang oras na kailangan nya na magpaalam di ko na sya pwede ipa RMA pa dahil lagpas lagpasan na sa 5-year warranty pero
salamat sa lahat nang alala pede ka nang magpahinga sa silicon heaven.
Labels:
articles
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
my condolences..
ReplyDelete