Tuesday, May 31, 2011
Don't Judge the PC by its Cover: A Critical overview of a Farmers PC
Ang impresyon na maidudulot nang mga taong mayayabang na may mabibilis ang PC
ay tila ba nais nilang ipahiwatig na kapantay lang ng IQ nila ang komputer na kanilang pagmamayari.Sa isang mainit na payabangan laging ang taong nakafarmers PC ang tinatawanan.Farmer's PC yan ang tawag naming magbabarkada sa komputer na naninilaw na sa kalumaan at pinagagana sa pamamagitan nang padyak at uling.Ito yung mga kompyuter na pentium 1-3 na ang clock speed ay naglalaro lamang sa 100 mhz - 1 ghz.Sa aming magbabarkada ay dalawa kaming kapus palad na gumagamit nito wala rin kaming internet sa ibang tao ay napakalaking balakid na ang ganitong kalagayan lalu na kung computer related ang course mo.Ngunit ang experience ko sa farmers PC ay hinding hindi ko ipagpapalit kahit pa bigyan ako ng Alienware ngayon.Napakaraming naituro sa akin ng magsasaka kong komputer, natutunan ko sa kanya na kaya niyang pantayan ang bilis ng high end desktop PC na Vista ang OS at bobo ang gumagamit. Kung hindi dahil sa kabagalan niya ay hindi ako matututo na maghanap ng paraan at mga alternatibo sa mga problema.Natutunan ko sa kanyang maging matsyaga dahil minsan inaabot ako ng madaling araw kakahanap ng sira minsan para ka nang baliw pinakikiusapan mo na gumana na.Parang babae ang mga kopyuter kapag naayos na ang sira at maayos na bigla bigla na lang ay mayroon na namang itong panibagong sira.Minsan sinisi ko na phenomenon ng uncertainty principle dahil sa unpredictability nito. (you can't measure two different qualities of an object with precise certainty if you measure one quality with precise certainty the other ones will alter their value) meaning di mo madetect yung sira kasi pagnahanap mo ang sira ay lilipat nanaman ito sa ibang pyesa.Sadyang nakababaliw ang pagaayos sa farmers na nakakaisip na nang kung anu-anung analogy ang sumusulat nito ngayon.Maraming notable characteristics ang farmers na di mo aakalain.
1:) Tumatagal ang buhay nito ng 10-15 years kung ayaw mong maniwala eh sasamahan kita sa komshap na puro ganito ang pc (Courtesy of Davids Computer shop A.K.A "bulok") yung farmers ko tumagal lang ng 10years RIP 1999 binili.
2:) Hindi rin ito madaling masira pero pag sira na ito sira na ito talaga di mo gets? Ako rin
3:) Mabilis ang download nito kapag optimized at mabilis ang internet connection. Note: nung di pa uso feysbuk at farmville ang peak speed nito ay 1.2 MBps pero nung kinalaunan naging 450 MBps na lang ito
4:) Kapag Ininstallan ng linux based OS ay halos pumapantay na ang bilis nito sa desktop server na nakainstall ay windows server 2008.
5:) Mas magiging magaling kang computer technician dahil narin sa pagpapahirap sayo nito kaya mas mamamaster ang larangang ito.
Ngayon na medyo moderno na ang PC ko hinding hindi ko makakalimutan ang mahahalagang aral naiwan sakin.Hindi hadlang ang mga kakulangan ng isang bagay para mapaunlad nito ang iyong buhay. matutong gumawa ng paraan at huwag magreklamo sa kung anumang kakulangan ang nakikita mo sa buhay mo. At higit sa lahat huwag maging kuntento sa ibinigay sayo kung ibinigay saiyo ng buhay ay itlog kailangan mong itong limliman upang hindi ito mabugok.
Sa bandang huli napatunayan ko na ang limitasyon ng isang bagay ay hindi masusukat sa kalumaan at pagiging low class nito bagkus ito ay nakadepende sa mismong limitasyon na ipinapataw ng taong nagpapagana nito.
Wednesday, May 25, 2011
Lumiit ka ba ? O Lumaki lang ako ?: Usapang Tsitsirya
Naalala ko pa nung bata pa ako ay suki ako ng mga tindahan sa paninda nilang nakakabobo.Nandyan ang sweetcorn,cheesedog,chipee at iba.Sa halagang limampiso ay busog ka na at di na makakain ng tanghalian dahil sa ikaw ay walang gana.Di ito kaya ubusin dahil itoy nakakasawa sa sobrang dami kaya ito ay ipinambabato sa kalaro kapag hindi na kayo bati.Di ko makakalimutan noon ang kalokohang ginawa ko,kinulayan ko ng krayola ang sweetkorn ( colour yellow ) at ipinakain ito sa patay gutom na kalaro dali dali nya itong sinungaban at nilaklak.Sa kasamaang palad ay di nya ito nalasahan.Di ako kinabahan na baka sya ay maospital kampante ako sa brand ng krayola ko pagkat nakalagay sa label nitoy Non-Toxic
.
Bumalik ako sa dating bisyo nang pagkain ng tsitsirya dahil kailangan namin ng plastic nito upang upang outer sleeves sa aming yugioh cards.Sa kamahalan ng ultra pro ay kailangang maging maparaan.Pero sa aking pagbili ay mayroon akong napuna anung nangyari sa sweetcorn,cheesdog at chipee at itoy naging petite.Pinipilit kong alalahanin ang dating lasa,bigat at kalidad ng mga ito.Una kong napuna ay ang pakaging nito dati hindi nagfafade ang label nito kapag nilukot,binasa o nilawayan.Ngayon ay kumakapit na ang kulay nito sa balat.Pangalawa ay kumonti ang laman nito at puro hangin na lang.Mas dumami rin ang vetsin nito.
Ang mga kumpanya ng tsitirya ay walang magagawa sa nagbabagong panahon. Ang mga bata ay tatanda at ang mga matatanda ay magiging lupa.Masakit mang sabihin na ang dating fish krakers na "lala" ay pwede mo pang ulamin ngunit ngayon maski kapwa isda nila s aquarium ay tinatangihan na sila.
Kung iisipin mo nga naman ay kawawa rin ang manufacturers nito dahil hindi nila mataasan ang presyo nang kanilang produkto dahil kung tutuusin ang target ng kanilang market ay ang mga musmos na walang pera.nakatutuwa lang tignan na ang mga kutkutin na ito ay nakakabubusog sa mumunti nilang mga sikmura.
Sa isang banda ay nasagi sa isip ko na nagooveracting lang ako dahil may nakapagsabi sakin na hindi naman nagbago yung mga tsitsirya na iyon,dahil lang daw yun sa malalaki na kami.Kasabay nang paglaki ay paglaki rin ng iyong sikmura at satisfaction factor sa mga bagay bagay.
Pwede mong isipin ang kahit ano sa mga posibilidad na ito pero sa bandang huli maiisip mo na niloloko mo ang utak mo sa katotohanan dhil hindi natin mapipigilan ang inflation.Maski ang mga tsitsirya ay di makakaligtas s pangyayaring ito.
Sunday, May 22, 2011
Prolouge output#1
Wednesday, May 18, 2011
KalamaKRAKEN
dumalang na ang existence dito sa maynila sya ang tindero ng Kalamares..
Ang Presyo nito ay abot kaya 3 pesos ang isa 10 pesos tatlo nakalagay sa istik o plastic cup
samahan mo pa ng sour and spicy na suka ay ayos na ayos na.Pero teka parang may mali ata kung iisipin 3 piso isa 10 ang tatlo sa unang tingin ay sulit pero kwentahin natin
3 times 3 =9 pesos nakupo nagulangan ka ng piso may bayad ata ang labor ng pagtuhog sa istik.
Bagu natin Lalu pang sirain ang marketing Strategy ni manong ay itrace natin ito kung saan nakukuha kaming magkakaibigan ay nagbigay nang opinyon ukol dito
SCENE: Habang naglalakad sa espanya papuntang chikoys
RAPHAEL:Pare Tignan nyo yung tinitinda anlaking octopus nyan ah tan tanong mo nga
kung magkano
RALPH: Pusit yan pare tignan mo yung pagkakahiwa cylindrical.
TAN:Pare pareho lang yan Pusit o Octupus man yan pagkain pa rin yan.
manong magkano isa
Manong: 3 piso isa 10pesos tatlo.
GK: napahinto at sige tigiisa lang
Ron:Paano kaya to Lumalaki ng ganito?
TAN: Sa pagkakaalam ko may species ng pusit na lumalaki lagpas tao
RON: KRAKEN!! pre nakawala si kraken sa swimmng pool nyo
RALPH: Nagwoworld Tour siya eh mainit daw sa bahay.
JAY: Di mga tol galing CHINA yan may nabibili nyan sa divisoria 21 PESOS isang KILO.
GEnitically engineered ata kaya ganyan.
RAPHAEL: Naguundergo ng cell division parang bacteria lang over sa pag mass produce.
RON:Bacteriang mukang pusit taenag china to akala ko DVD lang pinipirata pati pusit xinerox.
Manong: (Isnab lang sige parin sa pagpapagulong ng harina sa kanyang produkto nagbibingibingihan sa pagpapawertripping ng GK. )
Hanggang sa isang araw ay napanood ng lahat ang pagkakaimbestigador dito .Ibinababad ito sa Formalin para kumunat at mapreserb pero ang iba sige parin sa paglantak nito minsan ay maiisip mo na ang taong adik na adik kumain nito ay makakadiskount na sa furenarya dahil sa naipong deposit ng formalin sa katawan.
Medyo out of date na ang first entry hayskul pa kasi ito nangyari.
Wednesday, May 11, 2011
GKtionary
PREFETCH- ito ang proseso ng pagrereview nang maaga pag may exam madalas ito ay ipektiv pero minsan malalaman mo nalang iba pla sa itinuturo ang ieexam mo kaya may pagkakataon na pumapalya.
PIPELINING-ito ang proseso kung saan marami kang ginagawa sa isang specific time frame "multitasking" para mas mapabilis ang gawa ngunit kadalasan eh mas wla kang nagagawa dahil out of focus at di alam kung ano ang uunahin.
GPU- ito ang nagproproseso ng mga imahe sa iyong utak.mas malinaw at mas mataas ang resoultion kapag mabilis ang clock rate nito.
CLOCK SPEED- ito ang bilis ng iyong utak.Nakabatay ito kung ilang bagay ang kaya mong iproseso sa isang sigundo eg: 75 objects per second.Tumataas ito sa proseso ng pagtanda at pagaaral kaya kung mababa pa rin ito hanggang ngayon ay bumili ka na ng bagong utak.
CPU- ito ang tinatawag na utak sa tao.Ito ang nagproproseso lahat ng iyong gawain.Madalas ikumpara ng mga tao batay sa mga brand ang iba pa nga ay ikinukumpara ito sa dual core ,core 2, core 2 quad at ang pinakamayabang sa lahat core i7 hindi nila alam na kung ganito nga ang utak nila ay isa silang alagain o patay gulay na mas matalino pa ka sakanila ang isang fruit fly.
Turbo C- Isang Compiler ng C/C++ language. Madalas ito yung isinasagot sayo kapag tinatanong mo ang isang tao kung anong programming language ang alam nila.eg. "anong prog language alam mo"
sagot:"with dignity priide and honor" "TURBO C"....... lang
Crack-isang type nang progam kung saan ang isang propritary na software na trial lang ay maari mong gamitin ng libre.Ito yung madalas itinatanong ng mga gusto maging WAREZ DOOD's pero wla namang ginagawa.
eg:Tol pano mag crack ng progam
sagot:Burn mo sa CD tapos ikrack mo yung CD..
Serial-isang legitamate na parran upang magamit mo ang trial na software.
ito ay madalas nasa plaintext format at ikakapy paste mo nalang.
eg:Tol anu yung Serial
sagot:alam mo ba yung COCO CRUNCH tsaka HONEY STARS yung nilalagyan ng gatas serial yun.
BUFFER OVERFLOW- isang pangyayari kung saan kinabisado mo ang isang bagay nang higit pa sa kaya ng utak mo na na ooverwrite na ang ibang space sa utak mo na meron nang nakalagay.
DIRECTORY TRAVERSAL- ito yung mga ginagamit ng mga social engineers pag nabubuko na nang uuto sila change tapic ika nga.
RAM - ito ang tinatawag na short term memory maximum capacity 7+2 minimum 7-2 average 7 objects ang kaya ihandle ng utak sabay sabay.maraming tao ang nabiyayaan ng malaking RAM "4GIG" kaya nila kumabisado ng bibliya sa loob lamang ng limang araw.Pero nakalulungkot na nabiyayaan sila ng hardrive na may kapacidad lamang na 512 kb kaya pagtulog nila ay burado na lahat ng kinabisado nila.