Marahil isa ka sa masusuwerteng tao na nabiyayaan ng High End na PC ( meaning mataas ang specs )at hindi ka pa kuntento dito nagrereklamo ka pa.Nandyan na sinasabi mong mabagal magopen ng word,mabagal ang games,hindi compatible sa mga games,mabagal ang net,hindi maopen ang feysbuk/farmville,mabagal magload,mabagal ang boot,ma-LAG.Pero kung titignan natin nang mabuti ang problema ay maitratrace natin ito lahat sa gumagamit.
Ang impresyon na maidudulot nang mga taong mayayabang na may mabibilis ang PC
ay tila ba nais nilang ipahiwatig na kapantay lang ng IQ nila ang komputer na kanilang pagmamayari.Sa isang mainit na payabangan laging ang taong nakafarmers PC ang tinatawanan.Farmer's PC yan ang tawag naming magbabarkada sa komputer na naninilaw na sa kalumaan at pinagagana sa pamamagitan nang padyak at uling.Ito yung mga kompyuter na pentium 1-3 na ang clock speed ay naglalaro lamang sa 100 mhz - 1 ghz.Sa aming magbabarkada ay dalawa kaming kapus palad na gumagamit nito wala rin kaming internet sa ibang tao ay napakalaking balakid na ang ganitong kalagayan lalu na kung computer related ang course mo.Ngunit ang experience ko sa farmers PC ay hinding hindi ko ipagpapalit kahit pa bigyan ako ng Alienware ngayon.Napakaraming naituro sa akin ng magsasaka kong komputer, natutunan ko sa kanya na kaya niyang pantayan ang bilis ng high end desktop PC na Vista ang OS at bobo ang gumagamit. Kung hindi dahil sa kabagalan niya ay hindi ako matututo na maghanap ng paraan at mga alternatibo sa mga problema.Natutunan ko sa kanyang maging matsyaga dahil minsan inaabot ako ng madaling araw kakahanap ng sira minsan para ka nang baliw pinakikiusapan mo na gumana na.Parang babae ang mga kopyuter kapag naayos na ang sira at maayos na bigla bigla na lang ay mayroon na namang itong panibagong sira.Minsan sinisi ko na phenomenon ng uncertainty principle dahil sa unpredictability nito. (you can't measure two different qualities of an object with precise certainty if you measure one quality with precise certainty the other ones will alter their value) meaning di mo madetect yung sira kasi pagnahanap mo ang sira ay lilipat nanaman ito sa ibang pyesa.Sadyang nakababaliw ang pagaayos sa farmers na nakakaisip na nang kung anu-anung analogy ang sumusulat nito ngayon.Maraming notable characteristics ang farmers na di mo aakalain.
1:) Tumatagal ang buhay nito ng 10-15 years kung ayaw mong maniwala eh sasamahan kita sa komshap na puro ganito ang pc (Courtesy of Davids Computer shop A.K.A "bulok") yung farmers ko tumagal lang ng 10years RIP 1999 binili.
2:) Hindi rin ito madaling masira pero pag sira na ito sira na ito talaga di mo gets? Ako rin
3:) Mabilis ang download nito kapag optimized at mabilis ang internet connection. Note: nung di pa uso feysbuk at farmville ang peak speed nito ay 1.2 MBps pero nung kinalaunan naging 450 MBps na lang ito
4:) Kapag Ininstallan ng linux based OS ay halos pumapantay na ang bilis nito sa desktop server na nakainstall ay windows server 2008.
5:) Mas magiging magaling kang computer technician dahil narin sa pagpapahirap sayo nito kaya mas mamamaster ang larangang ito.
Ngayon na medyo moderno na ang PC ko hinding hindi ko makakalimutan ang mahahalagang aral naiwan sakin.Hindi hadlang ang mga kakulangan ng isang bagay para mapaunlad nito ang iyong buhay. matutong gumawa ng paraan at huwag magreklamo sa kung anumang kakulangan ang nakikita mo sa buhay mo. At higit sa lahat huwag maging kuntento sa ibinigay sayo kung ibinigay saiyo ng buhay ay itlog kailangan mong itong limliman upang hindi ito mabugok.
Sa bandang huli napatunayan ko na ang limitasyon ng isang bagay ay hindi masusukat sa kalumaan at pagiging low class nito bagkus ito ay nakadepende sa mismong limitasyon na ipinapataw ng taong nagpapagana nito.
Naunahan mo ko sa post.. Ok lang, magkaiba naman ng tema eh,.. Wag nyo nilalait ang low-end pc's, baka di nyo alam, kaya ang gta dito, gta 1,2,3,vice city, tsaka san andreas..
ReplyDeleteFARMERS PC: YOU ARE MY LIVING LEGACY
ReplyDeleteang ganda pala ng SITE nato puro tagalog salita,,,,,,,,,,thank
ReplyDelete