Wednesday, May 25, 2011

Lumiit ka ba ? O Lumaki lang ako ?: Usapang Tsitsirya

Sabi ko nga sa introductory entry ay about computers ang blog na to pero off-topic muna ulit usapang tsitsirya muna tayo.

Naalala ko pa nung bata pa ako ay suki ako ng mga tindahan sa paninda nilang nakakabobo.Nandyan ang sweetcorn,cheesedog,chipee at iba.Sa halagang limampiso ay busog ka na at di na makakain ng tanghalian dahil sa ikaw ay walang gana.Di ito kaya ubusin dahil itoy nakakasawa sa sobrang dami kaya ito ay ipinambabato sa kalaro kapag hindi na kayo bati.Di ko makakalimutan noon ang kalokohang ginawa ko,kinulayan ko ng krayola ang sweetkorn ( colour yellow ) at ipinakain ito sa patay gutom na kalaro dali dali nya itong sinungaban at nilaklak.Sa kasamaang palad ay di nya ito nalasahan.Di ako kinabahan na baka sya ay maospital kampante ako sa brand ng krayola ko pagkat nakalagay sa label nitoy Non-Toxic
.
Bumalik ako sa dating bisyo nang pagkain ng tsitsirya dahil kailangan namin ng plastic nito upang upang outer sleeves sa aming yugioh cards.Sa kamahalan ng ultra pro ay kailangang maging maparaan.Pero sa aking pagbili ay mayroon akong napuna anung nangyari sa sweetcorn,cheesdog at chipee at itoy naging petite.Pinipilit kong alalahanin ang dating lasa,bigat at kalidad ng mga ito.Una kong napuna ay ang pakaging nito dati hindi nagfafade ang label nito kapag nilukot,binasa o nilawayan.Ngayon ay kumakapit na ang kulay nito sa balat.Pangalawa ay kumonti ang laman nito at puro hangin na lang.Mas dumami rin ang vetsin nito.

Ang mga kumpanya ng tsitirya ay walang magagawa sa nagbabagong panahon. Ang mga bata ay tatanda at ang mga matatanda ay magiging lupa.Masakit mang sabihin na ang dating fish krakers na "lala" ay pwede mo pang ulamin ngunit ngayon maski kapwa isda nila s aquarium ay tinatangihan na sila.

Kung iisipin mo nga naman ay kawawa rin ang manufacturers nito dahil hindi nila mataasan ang presyo nang kanilang produkto dahil kung tutuusin ang target ng kanilang market ay ang mga musmos na walang pera.nakatutuwa lang tignan na ang mga kutkutin na ito ay nakakabubusog sa mumunti nilang mga sikmura.

Sa isang banda ay nasagi sa isip ko na nagooveracting lang ako dahil may nakapagsabi sakin na hindi naman nagbago yung mga tsitsirya na iyon,dahil lang daw yun sa malalaki na kami.Kasabay nang paglaki ay paglaki rin ng iyong sikmura at satisfaction factor sa mga bagay bagay.

Pwede mong isipin ang kahit ano sa mga posibilidad na ito pero sa bandang huli maiisip mo na niloloko mo ang utak mo sa katotohanan dhil hindi natin mapipigilan ang inflation.Maski ang mga tsitsirya ay di makakaligtas s pangyayaring ito.

1 comment:

  1. lumiit lang talaga pre. saka bumaba na ang kalidad. yung boybawang (or cedie yata) dati bundat na bundat yun ngayon maiinis ka na kase halos 30pcs lang ng mais ang nsa loob..

    ReplyDelete