Maaring Nakabili ka na sa tabi tabi nito o kaya ay nakakain na isa sya sa mga pedicart na
dumalang na ang existence dito sa maynila sya ang tindero ng Kalamares..
Ang Presyo nito ay abot kaya 3 pesos ang isa 10 pesos tatlo nakalagay sa istik o plastic cup
samahan mo pa ng sour and spicy na suka ay ayos na ayos na.Pero teka parang may mali ata kung iisipin 3 piso isa 10 ang tatlo sa unang tingin ay sulit pero kwentahin natin
3 times 3 =9 pesos nakupo nagulangan ka ng piso may bayad ata ang labor ng pagtuhog sa istik.
Bagu natin Lalu pang sirain ang marketing Strategy ni manong ay itrace natin ito kung saan nakukuha kaming magkakaibigan ay nagbigay nang opinyon ukol dito
SCENE: Habang naglalakad sa espanya papuntang chikoys
RAPHAEL:Pare Tignan nyo yung tinitinda anlaking octopus nyan ah tan tanong mo nga
kung magkano
RALPH: Pusit yan pare tignan mo yung pagkakahiwa cylindrical.
TAN:Pare pareho lang yan Pusit o Octupus man yan pagkain pa rin yan.
manong magkano isa
Manong: 3 piso isa 10pesos tatlo.
GK: napahinto at sige tigiisa lang
Ron:Paano kaya to Lumalaki ng ganito?
TAN: Sa pagkakaalam ko may species ng pusit na lumalaki lagpas tao
RON: KRAKEN!! pre nakawala si kraken sa swimmng pool nyo
RALPH: Nagwoworld Tour siya eh mainit daw sa bahay.
JAY: Di mga tol galing CHINA yan may nabibili nyan sa divisoria 21 PESOS isang KILO.
GEnitically engineered ata kaya ganyan.
RAPHAEL: Naguundergo ng cell division parang bacteria lang over sa pag mass produce.
RON:Bacteriang mukang pusit taenag china to akala ko DVD lang pinipirata pati pusit xinerox.
Manong: (Isnab lang sige parin sa pagpapagulong ng harina sa kanyang produkto nagbibingibingihan sa pagpapawertripping ng GK. )
Hanggang sa isang araw ay napanood ng lahat ang pagkakaimbestigador dito .Ibinababad ito sa Formalin para kumunat at mapreserb pero ang iba sige parin sa paglantak nito minsan ay maiisip mo na ang taong adik na adik kumain nito ay makakadiskount na sa furenarya dahil sa naipong deposit ng formalin sa katawan.
Medyo out of date na ang first entry hayskul pa kasi ito nangyari.
No comments:
Post a Comment