ay malaya ang mga tao na makita at baguhin ang source code ng isang
program ng libre at may kalayaan na ipamahagi ito.Maraming nagtataka
kung paano nga ba gumagana ang software development system na
ito.Sankatutak din ang question sa topic na ito katulad nang kung
papaano ito naging libre,anung napapala nang mga programmer sa pagawa
ng libreng software nang walang bayad,inaagawan ba nito ng trabaho ang
mga programmer? ito ba ay isang anyo ng anarkiya o komunismo?Papaano
ito naging mas maganda kung ikukumpara ito sa mga closed source na
kompanya tulad ng microsoft.
Ang advocacy ng opensource community ay bigyan nang choice ang mga
end users na kumawala sa kamay ng mga pribadong kumpanya na
nagmomonopolyo at kumokontrol nang market. Isipin mong mabuti sa tagal
ng panahon ay windows xp parin ang os mo mayroon kang pagpipilian
magapgrade sa vista o win7 akala mo may pagpipilian ka pero ang totoo
isang kumpanya ka parin nagpapaalipin.Pinupwersa karin nitong
magapgrade nang hardware kung isa kang dukha at nakafarmers pc ka wla
kang magagawa kundi bumili nang bagong pc wlang pakinabang ang dating
pyesa ng mo dahil hindi na ito kumpatible kaya ito ay mapupunta sa
kakahuyan(junk shop).Kung anong direksyon ang gusto nang mga
kumpanyang ito dapat sumabay ka sa agos kung san ito patungo.Isa sa
mga implikasyon ng closed source programs ay ang habit nito na
magapdate nang ayon sa kagustuhan ng kumpanya di nito isinasaalang
alang ang kapakanan nang mga end users bagkus ay pipilitin ka nito
na aralin ang mga pagbabago na kanilang ginawa na magreresulta sa
pagkasayang ng oras mo at utak dahil ang inaral mo dating software ay
obsolete na.Tila ba gusto nilang ipahiwatig na wla tayong kontrol at
sila na ang bahala para kontrolin tayo.
Kung industriya ng software ay tatakbo sa ganitong paraan na hahayaan
natin ang mga kumpanya ng microsoft at adobe ang magdikta ng standards
at maghari sigurado na ang pagbagsak nito.Kailangan ng kompetisyon sa
lahat ng bagay ito ang natural na paraan sa pagtuklas nang inovation.
Opensource ayon sa pagkakaintindi ko gumagana ang sistemang ito sa
pamamagitan ng voluntary labor hindi obligado ang mga taong gumagamit
nang opensource na magkontribute dito ang mga taong qualified at
willing na sumoporta at tumulong ang bumubuo dito.Hindi binabayaran
ang mga programmers nito ang namomotivate sa kanila para gumawa ay ang
kanilang paniniwala na "softwares should be free and accessible for
all".Sila ay isang tribo nang software hackers na masasabi mong biyaya
sa sangkatauhan dahil ginagawa nila ito para sa iba ng walang
kapalit.Respeto ang pinakasuweldo nila rito kung isa kang miyembro
nito ay maituturing mo ang sarili mo na mapalad,ang tangapin ka nang
mga taong ito na kauri nila ay sapat na.
Pero kahit na libre ang mga ito ay kakaunti lamang ang userbase nito
dahil ito sa mga miskonception ng mga tao sa opensource programs.
1:) Mas mababa ang kalidad nito kung ikukumpara sa closed source
counterpart nito.
Sagot: ito ang pinakamaling argumento na narinig ko tunkol
dito.Technically superior ang opensource programs pagdating sa kalidad
ng pagkakacode nito at security.Dahil ito sa mas maraming tao ang
nakakapagdebug nito (linus law) kung ikukumpara sa isang team ng
qualified programmers na bayad.Madalas ang mga bayad na programmers ay
may hinahabol na deadline kaya ang kalidad ng code nila ang
nasasakripisyo.4% lang ng mga programmer sa mundo na masasabi mo na
pinakamagagaling sa kanilang larangan lahat sila ay nasa puder nang
opensource.
2:) Ito ay isang anyo ng comunismo.
Sagot: mali ito dahil ang isang bagay na libre mong nakuha pero hindi
mo ito alam paganahin ang halaga nito sayo ay wala.Ang mga taong alam
paganahin at kung paano gumagana ang isang bagay tsaka pa lang ito
magkakaroon ng halaga sayo at magiging libre.
Halimbawa: Isa kang ordinaryong tao nakapulot ka nang parte nang
ispeyship ng mga alien wla itong pakinabang sayo dahil hindi mo alam
kung ano ito,kung paano pagaralan ito at paganahin kaya hindi ka
nakalibre nakapulot ka lang.
3:) Inaagawan nito nang trabaho ang mga programmer.
Sagot: mali ito dahil maraming kumpanya na ang nagaadapt ng
opensource software development system naghihire sila ng mga
programmer at mga hobbyist sa pagawa ng software sa una ay libre ito
ngunit pagnaging stable na at dumami na ang gumagamit nito ay magiging
close source na ito.Ang iba namang kumpanya katulad ng Sun
Microsystems ay nagbebenta ng support system at mga technical services
sa kanilang opensource programs sa pamamagitan nito ay kumikita
sila.Ang iba namang kumpanya nagumpisa lamang bilang opensource at
meron lamang silang idinagdag dito na proprietary code and programs na
siyang binebenta nila kalakip nang mga ito (Redhat).
4:) Exclusive lang ito sa opensource operating system katulad ng unix
linux freebsd etc.
Sagot: Lahat halos nang opensource programs ay cross platform meaning
available ito sa mga gamiting operating system.
5:) Kumplikado gamitin ang opensource programs.
Sagot: sa una talaga ay maninibago ka dahil di ka sanay gamitin ito
pero pag nakalikot mo ito ay wla ka nang hahanapin pa at tuluyan nang
makaadapt dito.
6:) Wala kang support na makukuha rito.
Sagot: kung support ang hinahanap mo ay baka malunod ka sa dami nito
sadyang di ka lang marunong maghanap o di ka naghahanap dahil sa mundo
ng opensource di uso ang spoonfeeding mayroon lang tutulong sayo kung
tinutulungan mo ang sarili mo.
Paalala laging humanap nang alternatibo huwag mong ikulong ang sarili
sa nakasanayan na.Huwag kang matakot sa hindi mo pa nakita.Ugaliing
magisip at magtanong huwag ipagyabang ang iyong mga nalalaman dahil
ito ay nagmula sa mga taong iginugol at isinakripisyo ang buhay nila
para maipasa lang sa mga taong katulad mo ang nalalaman nila.Inaasahan
ka nila na gawin mo rin ito sa iba.At higit sa lahat huwag mong
ipagmayabang ang mga nagawa nila huwag kang sumakay sa anino ng mga
higante bagkus ay gumawa ka sa ikararangal ng iyong sarili.