Monday, June 20, 2011

Gk Programming guidelines

Napansin ko na puro kalokohan na ang pinopost ko ng mga nakaraang
araw.Bago pa matuluyan na maging joke site ang blog na ito naisipan na
nang awtor na gumawa ng matinong entry.

Tunkol ito sa programming guidelines na kung saan ito ay
magsisilbing gabay sa mga baguhan na katulad ko.Ginawa ko itong
language independent upang mas marami ang makaadapt sa guide na
ito.Umpisahan natin

1:) Maging pamilyar at kalikutin ang mga features nang gagamitin mong
IDE (integrated development environment) o compiler.Aralin ang
shortcuts nito upang mas lalung mapabilis ang gawa ng program.


2:) Abusuhin ang autocomplete function nito.Para sa mga hard typed
languages na katulad ng Java ay nakakabilis ito sa pagproprogram.Pero
teka muna nakakabobo rin ito siguraduhin mo muna na alam mo at
kabisado mo ang ginagawa mo.Mahirap na at pag pinagprogram ka sa papel
ng prof mo at di mo ito kabisado.


3:) Huwag itype ang program nang kopyang kopya sa example itry mong
intindihin ito at bigyan nang kahulugan ang bawat parte nito.Tandaan
mo ang mahahalagang parte nito na pwede mo pang mapakinabangan.


4:) Obserbahan at itatak sa utak ang color coding na inooper ng compiler.
Ex: blue : para sa libraries
red: para sa math operation
yellow: para sa functions
green: para sa variables

5:) Aralin ang operator precedence ng language na gagawin mo kritikal
ito sa pagawa ng algorithm.


6:) Huwag magimbento ng sariling coding style o sa madaling salita ay
ang paraan nang pagsulat ng program.Magsearch at iadapt ang accepted
at standard na mga istilo na ayon sa language mo.Mga halimbawa nito ay
ang lokasyon ng paglalagay nang bracket,pagkakapitalise ng CONSTANTS
(PASCAL CASING) o Alternate casing ng CoNsTaNtS (Camel casing),ang
variables ay keywords ay always lowercase,indention,pagkokoment
atbp.Mahalaga nang masanay nang maaga dito kung balak mong maging
proffessional.


7:)Upang bumilis ang program na gagawin mo ito ang konting tips na mabibigay ko.
A:] Iwasan ang pagiinitialize ng variables nang di ankop sa data
type.Di dapat sobra o kulang ang data type na gagamitin upang
makapagsave ng memory size at bumilis ang program.

ex: kaikangan mo ng variable na maghohold nang short signed integer
at ginamitan mo ito ng long signed int o double signed int
nakakasayang ito sa memory na pwede pa sanang iaddress ng ibang
program.

B:]Iwasan ang masyadong sobrang pagamit ng whitespaces(Space) sa
program bukod na nakakaradag lang ito nang lines of code eh minsan eh
nakakabagal ito pag adik ka sa kakaenter.Treated as character din kasi
ito kaya kasama ito sa pagkokompile.Pero di ko sinabing huwag ka
gumamit kailangan ito para maging readable ang code mo.

C:]Iwasan ang pagamit ng wildcard character ( * ) sa mga library
files kung isa hanggang anim lang ang kailangan mong function ang
kailangan mo rito.Nakakabagal ang pag iinclude o pagimport nang buong
library sa program.

Ex: import javax.Swing.*

(eh joptionpane,jbutton at jpanel lang ang kailangan mong function rito)

import javax.Swing.Joptionpane
import javax.Swing.Jpanel
import javax.Swing.Jbutton

Huwag kang maging tamad sa pagtatayp nakakabobo ito.

D:]Iwasan ang overcommenting sa code mo kung gagawa ka nang program
at overdocumented ito na para bang gusto mong maging scriptwriter sa
haba ng koment na ginawa mo.Comentan lang ang core logic,algorithm,at
kung paano ito gumagana ng step by step.

E:] Sikaping ioptimize ang algorithm mo itry mo itong paliitin at
pabilisin sa pamamagitan nang math i simplify ito sa finest form pero
wag mo itong sobrahan at baka di na ito gumana.

8:) Debugging Tips naman tayo

A:> Minsan sa pagpoprogram kadalasan kung saan ka pa konpident sa
portion nito na ok na at gumagana na ay dito ka pa mismo
pumalya.Umpisahan ang pagdedebug sa mga lugar na akala mo di ka
nagkamali bago ang kritikal na parte nito.

B:> Makakatulong sa pagdedebug ang madalas na pagkokompile dito sa
kada linya o bloke na idadagdag o babaguhin mo rito.

C:> Huwag magfocus sa design o itsura nang program mo tandaan di
pagandahan ang labanan pagdating sa komputer programs kundi ang
functionality at efficiency nito.Ang pagiintroduce ng gui ay lubhang
nakaragdag sa bugs nito maykasabihan nga "as ease of use is introduced
the security of the program is compensated".

D:> Ugaliing magbakup nang mga gumaganang program bago mo ito
pakielamanan at pagexperimentuhan.Kung sakaling magkamaling magkamali
ka at di mo na ito maayos ay maibabalik mo ito sa dati.

E:> Kung di mo mahanap ang sira nang program ay pagputol putulin ito
at icheck ang bawat parte.Isaisahin sa pagkakabit hanggang sa gumana
na ito bilang isang unit.


Laging tandaan ang pagproprogram ay parang pagsusulat may sinusunod
itong set of rules o grammar.Maaring ang pagpoprogram ay di para sa
lahat pero once na napagana mo na ang pinahirapan mong
program.Kakaibang saya ang mararamdaman mo dahil sa wakas may nagawa
ka ring tama.

No comments:

Post a Comment