ka rin katulad ko.Napakaraming mapapagkaabalahan sa lugar na ito pero
naisip mo na ba ang implikasyon sayo nito.
Sabi nga ng "grupongkul" dalawang klase lang ang tao sa internet una
ay ang taong gumagamit sa internet at ang taong ginagamit nang
internet
Naisiip mo ba na ang internet ay lugar na paraiso kung saan lahat ay
libre pantay pantay at may kalayaan ka sa kahit anu matripan mong
gawin; pwes nagkakamali ka isa itong lugar na punong puno ng
patibong,.Hitik din ito sa mga opurtunistang kriminal na naghihintay
nang pagkakataon na mabiktima ka.
Likas sa tao ang pagtitiwala ngunit sa lugar na tulad nito na kung
saan ay pwede kang magbagong anyo ay dapat di binibigay ito nang basta
basta.Walang makakakilala sayo dito nageexist ka ng walang
kulay,kasarian at relihiyon,ang tanging nagrerepresenta sa iyo dito ay
ang iyong opinyon,interest at ideya.
Napakalaki na nga nang independence nang tao sa lugar na ito nandyan
ang social networking ,E-mail,Online shopping ,Online
games,Pr0n,chatting,online business atbp. Madalas eh pinagsasabay
sabay pa ito na halos maubos na ang oras at buhay natin dito.Sabi nga
sa isang comment sa slashdot "Computers are made smarter while its
users are being dumber".
Masasabi mo na ang isang tao ay ginagamit nang internet
kung makikitaan sya nang sintomas nang pagiging illeterate
1:)Ginagamit ito para manira at mangulo nang kapwa.
2:)Nagpapagamit sa pamamagitan nang pagawa nang kung anu anung bagay
na wlang kabuluhan
na nakakasayang lamang nang panahon at pera.
Ex: pagpapalevel ng character sa online gayms ,pagpapalago ng virtual
veggies,Paglike nang gabilyong panpage dahil sa peer preesure,paggawa
ng virtual kommunities na ang tema ay kalokohan.Pagbili nang ng
virtual goods at premium items sa laro na di nakakain at
nahahawakan,paglalaro ng LAN game na di matapos tapos na ang player
na magaling dito ay wlang pang napatunayan sa totoong mundo (strong sa
laro "IMBA" weak sa totoong buhay) paggamit ng YM sa kalandian at
pagpoporno etc.
Ang pagpundar nang oras at panahon sa mga ganitong bagay ay wlang
tubo o interest sa iyong hinaharap kahit pa buong buhay mo ang
sayangin mo dito.Na tanging mga kompanya lang ang natutuwa sa ginagawa
mo.
Sa isang banda ay ang mga taong gumagamit nang internet sa wastong paraan.
1:) Ginagamit ito para tumulong para sa ikakabuti nang kapwa
ex:pagdonate nang pera sa nangangailangan,ipaglaban ang karapatan ng
karamihan,tumulong sa mga taong nagtatanong,Ibinabahagi ang kaalaman
sa iba nang wlang kapalit etc.
2:)Ginagamit ito upang mapaunlad ang sarili
ex:pinagkakakitaan ito,ginagamit sa pagaaral at pagtuklas nang bagay bagay etc.
Lahat naman tayo ay dumadaan sa proceso ng pagiging illeterate pero
iilan lamang ang nakakapiglas dito. Inaamin ko naging ileterate din
ako dati marahil mas malala pa ko sayo ngunit naisip ko kung meron ba
kong gusto na mangyari sa sarili ko at iyon ay ang pagbabago.
Malaki ang naitutulong nang internet sa isang indibidual pero sa
isang banda mas maganda pa rin na maginvest ka nang oras at talino sa
realidad.Anu mang nakukuha mong biyaya dito ay dapat gamitin mo sa
ikakabuti mo at nang iba.Huwag hayaan na masakop ka ng masasamang
pwersa nito at kunin nito ang oras at buhay mo dahil sa bandang huli
sa realidad ka pa rin "nakalog-in".
"kapag gumuho ang internet at halos lahat nang naipundar mo ay
nandito kasabay nito guguho ang mundo mo" -alfred007
Inspiring entry na recommended sa mga gumagamit ng internet (sino ba hindi gumagamit?,hmm..).. Nice post! Salamat sa pag-quote!
ReplyDelete