ay tiba tiba ang kompanya nang nintendo.Pocket monsters ang tawag sa
mga hayop na sobrang cute at may natural na kapangyarihan na base sa
mga elemento.Kaya sila tinawag na pocket monsters dahil hinuhuli sila
sa pamamagitan nang pokeball na nagkakasya sa iyong bulsa at
sinturon.Ang mga tao dito ay nakasentro ang buhay sa pagsasaliksik at
pagtratrain nang pokemon, ang pinakaultimate goal nang bida rito ay
upang maging ultimate trainer at matalo ang elite 4.
Pero meron akong napansin sa palabas na ito bakit nagpapauto ang mga
pokemon sa mga tao ngayong meron silang kapangyarihan na pwedeng
sumakop sa buong mundo.Bat di sila gumawa nang rebolusyon at
patalsikin ang makasariling tao na ang tanging ginagawa lang ay
magutos ng gagawin mong atake at makipagbugbugan sa kapwa mo
pokemon.Hinihintay ko ang episode na ang mga tao naman ang ikinukulong
sa pokeball nang mga pokemon.Di uso sa kanila ang animal rights kung
ikukumpara natin ito sa totoong buhay ito ay parang sabong nang manok
minus the pustahan pero di naman nauuwi ng luhaan natalong pokemon
papuntang kaldero upang itinola.Bagkus nagkakaroon exp. Ang mga
pokemon na lalu pang mas nagpapalakas sa kanila at tuluyan nang
magevolve.
Kung maiimbento ang pokeball sa totoong mundo natin siguro di na
mahihirapan ang city pound sa paghuli sa mga Askal at Pusakal.Meron na
rin tayong portable na manila zoo's sa mga bulsa.
Siguro may tournament din kung saan pinaglalaban ang mga hayop
.Pero kailangan nang weight division at species category nang larong
ito kundi ganito ang mangyayari.
Trainer 1: elepant i choose you
Trainer 2: ant-ik i choose you
Trainer 1: elepant "stamping destruction"
Trainer 2: counter "ant-ik" harden. Ay mali dodge pla nooo!
Ant-ik: nuuoowh
sfx:squish...
Kita mo na sobrang underant yung langgam sa elepante pero sa anime
posible maipanalo ang laban na yan.Pero ang totoong challenge dito sa
mundong ito ay makahuli nang legendary na hayop katulad ng Dragon,Sea
Serpent,Loch ness
monster,kraken,Yeti,Centaur,Tikbalang,Dodoo,Chupakabra atbp.
Kapag meron ka sa isa sa mga ito ay tiyak na ang kasikatan mo dahil
ikaw lang ang may ganyan.
No comments:
Post a Comment