Tuesday, July 26, 2011

Pakisuyo po:Ang trip ng mga taong umuupo sa dulo ng dyip

Sa tuwing sasakay ako ng dyip ay naging panata ko na ang pagpili ng
dyip na maluwag upang makaupo ako sa pwesto na malapit sa drayber.Kaya
ko natripan umupo rito ay dahil gusto kong ako mismo ang magaabot ng
bayad at para narin makadiskwento ako nang piso sa pagsasabi ng magic
word na "ma bayad po istyudyante" at makakababa ka rin ng maayos dahil
sa dinig ka kaagad ng drayber pag papara kana.


Pero may napuna ako bakit walang umaagaw ng pwesto ko sa tuwing
sasakay ako ng dyip?di ba nila narialize ang advantage nang pagupo sa
pwestong iyon.Bakit mas gusto nila na nagsisiksikan sa dulo ng dyip?
binabalalanse ba nila ang center of gravity nito para di ito tumaob?
Inaamin ko napakalaki kong engot at di ko kaagad nalaman ang kanilang
motibo.Pinili nila ang pwesto na iyon upang makababa sila kaagad at
gawin kang tiga Abot ng bayad!.


Nuong una ay ayos lang sakin na maging tiga abot ng bayad isipin mo
na lang na nag chacharity work ka.Di nagtagal ay Naging habit ko na
ang pagaabot ng bayad at nagpapakabayani narin ako sa pagpaabot ng
sukli.Iniisip ko nalang na bayad iyon sa diskwentong piso na nakuha
ko.Minsan nakakasar lang talaga ay ang sitwasyon na katulad nito.

ex: kakasakay mo pa lang at uupo ka sa harap at may nauna nang
pasahero na sumakay sayo at sila ay nasa paborito na nilang pwesto
pagdukot mo sa pitaka mo para kumuha ng pera ay tila ba nakikiramdam
sila kung buo o barya ang dudukutin mo at pagabot mo nang bayad ay
magugulat ka na makikisuyo sila sa iyo.Anak naman ng pepeng kabayo oh
nauna pa sila sakin na sumakay tapos di papala sila nagbayad talagang
nagintay patalaga sila ng pasaherong magaabot ng bayad nila..

Umabot na ang lahat sa sukdukan nang isang araw puno ang dyip na aking
nasakyan at ako naman ang nakisuyo na magabot ng bayad.Nasa tabi ko ay
isang matabang lalaki na nagbubulagbulagan na para bang di ako nadinig
o nakita .Sabi ko sa sarili ko ganito ba ang klase nang tao na
nagaabot sa akin ng bayad sa araw araw? Mga makakasariling nilalang na
pinapagod ako magabot ng bayad! mga wlang utang naloob ititigil ko na
ang panata ko sa pagaabot ng bayad!.Bago pa man nagdilim ang paningin
ko at sinaksak ang baboy na iyon ay mayroong magandang dilag sa
bandang harapan na inilapat ang kanyang kamay upang kunin ang aking
bayad ako ay kumalma at mistulang nahiya sa kanya.Muli Sabi ko sa
sarili ko kung araw araw ba ganito eh gusto ko na ulit maging tiga
abot ng bayad!

Sunday, July 24, 2011

Gklassification v2: Mga uri ng tao sa ComShop

Regular Customer => Sila ang mga taong moderate lang ang gamit sa net
yung mga nagchecheck lang ng email at may kaunting alam sa mga sites
at Internet.Ginagamit nila ang net upang mapalapit at makausap ang mga
taong malayo sa kanila.Sila ang nagrerepresenta sa iilang tao na di
man masyado marunong gumamit ng net pero ginagamit naman nila ito sa
wastong paraan.

Stuyande => Mababait na bata na isinisingit ang pagawa ng assignment o
project sa pagfefeysbuk.Pangunahing motibo nila ay matapos ito kaagad
para makapagfacebook na sila sa mga nalalabi pang oras.


Dota boys => Sila ang pinakabuhay ng komshop at sila rin ang dahilan
kaya tiba tiba ang kita nito.Madalas ay dumarating ng grupo-grupo at
palaging may kalaban.Bayad PC ang pustahan at minsan ay may cash price
pa.Pagkatapos ng laban ay laging may panalo at uuwing talunan pero sa
bandang dulo
ang may-ari ng komsyap ang palaging panalo.


Warez dood => kakaunti lamang ang bilang nila at sila ang itinuturing
perwisyo at salot ng komshop.kung mataas na ang level at namaster na
ang limang elemento (DDL,FTP,TORRENT,GNUTENELLA at USENET) ay kaya
nyang i DDos(mawalan ng access sa internet)ang buong establisyemento

Illeterate => walang sawang ginagamit ang pc sa walang katuturang mga
bagay.Kaya nyang magrent ng 5hours na facebook lang ang tab na
nakaopen.Kaya nya ring iexplore ang kasuluksulukan ng freindster
hanggang sa huling directory ng server nito.

Gamer => naglalaro ng Lan games na locally installed sa
computer.Ginagawa nyang gaming console ang pc dahil sa dami ng
emulator na nilalaro nya rito mistula bang bumabawi dahil ipinagkait
ang paglalaro ng video games nung kabataan niya.


Poking => palaging pinipili ang pc na tago at malayo sa nagbabantay
minsan pag may second floor ang komshap ay duon sya pumupwesto para
dun nya maisagawa ang maiitim nyang balak.Sa kanya mo nakilala si
maria ozawa kaya ang IQ mo ngayon ay tuluyan pang bumababa.


Otaku => Kadalasan makikita mo na nagbabasa ng manga at nanonood ng
anime.Ang hardcore na uri nito ay makikita mo sa mga
kosplay.Isinasabuhay nila ang aral na itinuturo ng anime dahil ito ang
mundo na tumanggap sa kanilang pagkatao at naniniwala silang walang
kwenta mabuhay sa totoong mundo.

Knerd => iilang taong nagbabasa at nagcocontribute sa mga educational
sites tulad ng wikipedia.Minsan magugulat ka dahil sa lapit ng
pagmumukha nila sa monitor dahil hindi nila mabasa ang
letra.Iginugugol nila ang oras sa pagtuklas ng kaalaman at
pagaaral.Para sa karamihan ay boring silang tignan pero pagnakausap mo
at nakadebate na ay tiyak na hahanga ka.

Youtubero => malalakas gumamit ng bandwith ang mga ito dahil sa
kakanood ng video.Pinapanood nya dito ay samut sari minsan ay ginagawa
nya na itong cable subscription alternative

Sosyalera => buhay nya ang social networking sites mahilig sumabay sa
uso at updated sa latest chismis tungkol sa buhay nang ibang
tao.Ginagawa nya itong extension ng kanyang social life upang
mapalapit sa mga taong di nya kauri.

Gengstah => Malakas magpatugtog ng mga hiphop at gengstah songs
ex: Ang buhay ng gengstah...

You know what it is! black and yellow black and yellow black and negro.

Dahil sa lakas nila magpatugtog ay sakanila mo unang mararanasan ang
LSS o last song syndrome.Huwag kang magkakamali na banggain sila dahil
konting kanti lang ay aabangan ka nila sa labas ng komshop at
ipabubugbog sa kanilang gengstah buddies tapang dami ang theme ng
kanilang kapatiran bigla bigla na lamang aangas pag may nakakita ng
kakampi.

Online Gamer => isa sa mga siga ng comshop ang batayan ng bilis ng
internet para sa kanila ay PING o latency.Sila ay maraming pinapausong
slang ng networking Kadalasang sinasaway nila ang mga taong gumagamit
ng bandwith ng walang katarungan.

ex:
OG:Tangna sino nagyouyoutube dyan ang Laag at ang taas ng Ping ko
99999 km bulshet terminal Disconnected.

WD: kinakausap ang sarili (Kaya siguro maLAG kasi Lag din yung utak at
kaya siguro mataas yung ping lumayo yung tore ng PLDt ng isang
kilometro at di ako nagyouyoutube dinadownload ko yung buong
youtube.)

OG:kaya pala may nagdadawnload eh pakipatay naman yan makonsensya ka
naman parepareho lang tayo dito ng binayad.

WD: naglevel up ka na ba sa totoong buhay kasi ako oo.

Ito ang kadalasan kong naririnig sa mga taong ganito
ibabalik ko ang argumento parepareho lang tayo ng binayad pero kung
pipigilan mo ang tao na malamangan ka sa pagamit ng bandwith saiyo di
ba ay maituturing na kagulangan at kung hindi mo lalabanan ang
kagulangan ng isa pang pangugulang ikaw ang talo sa gyera ng agawan
Kaya nga gagambandwith ang title ng blog na ito para gambalain ang
bandwith ng makakasariling taong katulad nito.

Tuesday, July 19, 2011

Dolphin Effect

Naranasan mo na ba sa tuwing tatawid ka ng kalsada at di pa red light
ay dahil wla pang masyadong sasakyan eh magjayjaywalking ka.Habang
tumatakbo ka para tumawid eh may mga engot na tao na sumusunod
saiyo..isa pang sitwasyon ay marami kayong tatawid at ikaw yung
naginitiate o nagpasimula ng paglalakad dahil malapit na magredlight
tapos nun ay parang magic na magsisusunuran lahat sila sa iyo yung mga
tipong hahakbang ka pa lang para maglakad eh gagayahin ka na
nila.Dahil ba ito sa iyong charisma o attracted sila sa pabango mong
downy? Paano nga ba mapapaliwanag ang phenomenon na ito.


Tinawag namin ang Phenomenon na ito na "Dolphin Effect" hindi dahil
mistulang uto utong dolphin yung mga tao dolphin dahil isang social
creature ito katulad natin na nakadepende ang survival sa mga kauri
nila.Sa aking palagay ay maipapaliwanag ang pangyayaring ito sa
mismong perspektibo ng taong gumagaya sa iyo upang magawa mo ito ay
kailangan
mong maging katulad nila.

Magpangap kang walang muang at wag mong isipin na uto uto ka at huwag
mo rin silang pangunahan sa pagtawid

Nasubukan ko na ang maging dolphin at ito ang obserbasyon ko
Ang nasa isip kasi nang mga taong ganito ay maaring ang mga sumusunod

1:) Ayaw nila na magpahuli sa pagtawid o kaya ay nagmamadali sila
dahil leyt na sila at may appointment pa.

2:) Gusto nilang sumabay sa agos kung saan maraming tao para mapadali
ang kanilang pagtawid.Nagmimistula kasing security barrier ang kumpol
ng tao kapag kasi nasagasaan ang grupong ito ay bawas ang impact nito
sayo.

3:) Kailangan kasi natin ng leader o mangunguna para gayahin natin.Ang
mga tao kasi ay may tendency lang na gumawa o kumilos kung mayroon
tayong pagagayahan role model ika nga.

3:) Madali kasi tayong magtiwala.Kahit pa sa taong di natin kilala ay
pinagkakatiwala natin ang ating buhay sa pagtawid

4:) Ayaw natin magpahuli sa mga bagay bagay.Ayaw natin na napagiiwanan
tayo parang sa pagpila lang ayaw natin na nasa dulo tayo ng pila.

5:) mayroon kasing automatic trigger sa utak na nagsasabing oras na
para tumawid unconcious stimulus ito na di natin napapansin.


Kaya sa susunod mong pagtawid manguna ka at subukan mong tumigil sa
gitna nang kalsada.Itest mo kung anong reaksyon nila napahinto ba
sila? O patuloy ba silang naglakad.Iniiwan ko na sa iyo ang
experimentong yan.

Monday, July 18, 2011

GK ALTERNATE DATA STREAMS


In Microsoft's NTFS file system forks are known as Alternate Data Streams (ADS).[4] In 1993, Microsoft released the first version of the Windows NT operating system which introduced the NTFS file system. This file system includes support for multiple named forks as alternate data streams for compatibility with pre-existing operating systems that support forks. With Windows 2000, Microsoft started using alternate data streams in NTFS to store things such as author or title file attributes[5] and image thumbnails.[6] With Service Pack 2 for Windows XP, Microsoft introduced the Attachment Execution Service that stores details on the origin of downloaded files in alternate data streams attached to files, in an effort to protect users from downloaded files that may present a risk.[7]
Windows NT versions include the ability to use forks in the API, and some command line tools can be used to create and access forks, but they are ignored by most programs, including Windows Explorer and the DIR command. Windows Explorer copies forks and warns when the target file system doesn't support them, but only counts the main fork's size and it doesn't list a file or folder's streams. The DIR command has been updated in Vista to include an option that will list forks. (FROM WIKIPEDIA)




HIDE YOUR FILES INTO ANOTHER FILE USING THE MICROSOFT NTFS exploit
ALTERNATE DATA STREAMS...!



UPDATED VERSION NOW ACTUALLY WORKING TO ALL KINDS OF FILETYPE


VERSION: 1.01

Changelog:
--BUGFIXED EXTRACTION OF ADS IS FULLY FUNCTIONAL
--ADDED LADS ADS DETECTION UTILITY
--ADDED NIRCMD
--REESTABLISHED FILE PATHS FOR PORTABLILITY


Download Link:
http://2f55ef9f.linkbucks.com






Fan Man ang taong pamaypay

Mayroon kaming kapitbahay na umiikot lamang ang mundo sa panonood ng
telebisyon.Palagi syang updated sa kaganapan sa showbusiness at
primetime programs sa tv.Masasabi mo na kabilang sya sa jologs
komunity
dahil masyado syang affected sa mga palabas sa telebisyon at
pinoproblema niya ang mga problema ng mga character rito.
Yung mga tipong sisigaw ng kaptain barbell pag nagsimula na ang
palabas at pagsayaw ng syembot at kung anu ano pang kaululan na kahit
magmuka siyang tanga ay ok lang.Isapang kinakaasaran ko ay walang
laman ang utak ng taong ito kundi mga impormasyon tunkol sa mga
artista kesyo maganda o gwapo daw si ganito ganyan may kabit si ganito
ganyan kesyo
gustong gusto niya daw si ano at inano daw ni ano yung ano ni ano.
Di naman sa nakekeelam ako sa trip nya sa buhay pero kung ganito ang
mga klase ng taong nagrerepresenta sa karamihan sa ating populasyon ay
mananatili tayong alipin ng iba sa habang panahon.


Ang pagiging tagahanga o Fan ay maikukumpara sa isang recursive algorithm

Halimbawa: May alaga kang aso na mayroong alagang pulgas at hanip.Na
sa loob ng katawan nito ay may inaalagaang bulate na buntis na may
inaalagaang itlog ng bulate.

Ito ang logic na gusto kong ipahiwatig kung ang hinahangaan mo ay may
hinahangaan din na nagkataon na mayroon ding hinahangaan.Natural na
isipin na idol mo ang idol ng idol mo!.Ano dapat ang itawag sayo?

"Fanman" di taong pamaypay kundi taong nabuhay lang para maging
tagahanga yung mga tipo nang tao na binigyan ng buhay ng diyos para
tumili sa mga nagagandahan at nagwagwapuhang artista.Boluntaryo silang
nagpapaalipin sa impluwensya ng pop "cult"-ure
at handa silang ibigay ang lahat lahat para maging no.1 Fan nang
kanilang hinahangaan.


Isang tanong lang ang gusto kong sabihin anong mayroon ang
hinahangaan mo na wala saiyo marahil ang isasagot mo ay isa sa
sumusunod (kagandahang
pisikal,katalinuhan,katanyagan,kayamanan,ugali,karisma,talento)
maaring ang mga tao ay ipinanganak nang di pantay pantay mayroon mga
taong nagkulang o nasobrahan sa magagandang traits pero kahit anu pa
man ang kalagayan mo ngayon huwag mong isipin na imperyor ang katauhan
mo kung ikukumpara sa iyong hinahangaan.Nasusukat ba ang kahalagahan
ng isang tao sa mga makamundong pagnanais
wala bang halaga ang buhay mo kung ikukumpara ito sa hinahangaan
mo?Kung ganito ang mentalidad mo masasabi ko na wala kang kwentang
tao.


Isa ka sa mga defective genes na ang tanging misyon ay tiyakin ang
survival ng superior genes sa mundo.Isinasakripisyo ang mga depektibo
upang paboran ang mga sa tingin mo ay mas perpektong tao kesa sayo.Tao
rin ang mga hinahangaan mo tulad mo uurin din sila sa lupa pagdating
nang kamatayan kumakain din sila ng kanin at umiinom ng tubig.Ang
tanging nakikita ko lamang na kaibahan nila ay gumagawa sila para sa
ikararangal ng kanilang sarili at hindi katulad ng mga humahanga na
ang tanging ginawa lang ay titigan at ipagmalaki ang gawa ng iba.


Sa bawat buhay na ginawa ng diyos ay iisa lang ang Bida at iyon ay ang
sarili mo huwag mong hayaan na agawin ng ibang tao ang character mo
dahil kung magpapaalipin ka ay para na ring ginawa mong kontrabida ang
sarili mo.

Huwag kang humanga sa tao ang hangaan mo ay ang mga nagawa nila
hayaan mo na magsilbing inspirasyon sila para sa iyo at subukan pang
lampasan ang mga nagawa nila
Di masamang humanga kung ang naidudulot nito sa iyo ay kabutihan pero
ang isentro ang iyong pagkatao sa isang individual na kailanman ay di
magiging ikaw ay pagtangal ng karapatan mo magkaroon ng sarili mong
pagkatao.

Wednesday, July 13, 2011

Intonation Theory

Sa buhay ng isang istyudyante ay makakaharap niya ang klase ng tanong
na dalawa lamang ang pagpipilian.Fifty Fifty ang tiyansa mo rito kung
zero knowledge ka at aasa sa iyong suwerte.Pero meron kaming nadevice
na technique upang mapataas ang tyansa mo para Tumama! Intonation
Theory ang sagot sa problema mo.


Ang Intonation Theory ay nakabase sa pitch ng pagkakadeliver ng
tanong o ang mismong intonation nito.Kailangan mong obserbahan at
tandaan ang mga tonong may diin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw isang bloke ng yelo o "ICECUBES".

Maoobserbahan mo ang tanong ay may diin sa bandang dulo madalas ang
latter statement talaga ang tama pero depende ito sa tao kung alam nya
ang pattern na to ay kaya nya ito ibahin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw "ICECUBES" o bloke ng yelo.

Sa diin ka dapat bumase at hulaan mo kung nasaan ang bias side(kung
saan sya panig) nya maimumunkahi kong isantabi muna ang common sense
at itry sundin ang theoryang ito

Prof: kaya bang pailawan ng 220volts AC source ang isang LED?

Oo o hindi lang ang sagot dito kung natatandaan mo pa ang lesson sa
electronics na dapat di lalagpas yung voltage rating sa tolerance nung
component(LED) eh masisira ito kaya ang sagot mo rito kung gagamitin
ang komon sense ay napakalaking "HINDI" pero bakit nya pa itinanong
ito kung alam nyang di ito pwede?Tinetest ka ba nya kung noob ka at
masyadong obvious yung sagot sa tanong? hindi sa palagay ko mayroon
syang gustong ielaborate na konsepto o kaalaman na hindi alam ng lahat
ng tao.

Lubos na makakatulong kung meron kang background o natatagong
arsernal sa mga usapin na ito dito ka magbabase at magiisip kung ano
ang tamang sagot base sa nalalaman mo.

Isang indicator na tama ang sagot mo ay meron kaagad na susunod na
statement na Please explain or why kapag napili mo kasi yung maling
choice ay tila ba disinterested na sayo yung taong nagtatanong note:(
exeption dito ang philosophy relativist at logic teacher dahil walang
maling argumento para sa kanila as long na may point ang argumento
mo).

Maari mo itong subukan at iemprove pa batay sa iyong
pangangailangan.Di ko magagarantiya na uubra ito sa lahat ng
tao.Nagpapasalamat ako sa titser namin sa physics nung 4th year dahil
sinanay nya kami sa mga repeating patterns na ito kaya ito ay
naimbento at nagagamit namin sa tunay na buhay.

Tuesday, July 12, 2011

"Kombomeal" kung bumili ka

Sa dinarami rami ng kainan na nakita ko namumukudtangi ang cafeteria
ng Rmhs highskul.Dito mo makikita ang samutsaring pakulo ng
cooperative nito para lamang kumita.Pero sa lahat ng naisip nila ang
Kombo Meal ang pinaka-desperadong marketing strategy na makikita mo..

Dahil ubod ng mahal ang kanilang mga pangat na ulam ay karamihan ng
istyudyante rito ay nagbabaon na lamang ang iba namang madidiskarte
katulad namin ay di na nagdadala ng kutsara at tinidor nagpupuslit na
lamang kami sa canteen nito upang makalibre sa hugas.Minsan paguwi mo
ay magtataka ka kung bakit may dala ka nito dahil alam mo sa sarili mo
di ka naman nagbaon o nagdala ng kutsara at tinidor bigla kang
makokonsyensya dahil wala ka na ngang naidagdag sa kaban ng yaman ng
principal este skul pala may dala ka pang suvenir mula rito.
Napansin ng mga lupon ng mga kurakot na bumababa ang kita nila at
ginagawa na lamang kainan ang kanteen ng mga istyudyanteng kuripot na
nagbabaon kaya naisipan nilang gumawa ng promo."Kombo Meal" short for
Kung bumili ka! may libreng juice,toppings,sabaw,condiments etc.
Ang konsepto ng Kombo meal ay ganito ang primary dishes nila dito ay
Itlog,Ham,Hotdog,Longanisa at Maling ordinaryo ang mga ulam na ito sa
ating paningin yung mga tipong tatanungin ka ng kaklase mo: Huhulaan
ko ulam mo siguro ano yan no (pili ng ulam sa itaas) pano mo
nalaman?Sakin galing yan eh binuraot mo nung nakatalikod ako kanin
lang kaya dala mo.Para ang mga ito ay bumenta ay una lulutuin nila ito
upon order meaning kapag bumili ka tsaka pa lang nila ito lulutuin
diba mainit init pa pero kung marami kayong nakapila na bibili ay
mamadaliin ito sa pagkaluto lalu na kung matyempohan mo si Flash
Milker tiyak kung di half cook (yung isang side lang yung luto) ay
medium rare ito(hilaw na parang luto).Isa pang advantage nito ay di na
nila kailangan na pangatin ang mga ulam (paulit-ulit na pagiinit para
di mapanis ang ulam).PANGALAWA ay ang paglalagay nang kung anu anong
palamuti rito para magmukang masarap at sosy katulad ng gravy
mushrooms at mais.Masarap itong tignan dahil gourmet style ito
pinagayahan pero hanggang sa tingin na lamang ito masarap.Naalala ko
pa nung isa sa amin ang sumugal na bumili nito isang kagat palang ay
nangayaw na siya at binigay na
ito sa aming kaklase na hindi tumatangi sa pagkain certified member
sya ng ulcer gang dahil sa kakatipid nya ng baon para impambili ng
studio.Sa kasamaang palad ay di nya rin ito nagustuhan samut saring
panlalait ang inabot ng pagkaing ito sa kanya kesyo CDO lang daw yung
ham at bida hotdog lang daw yung hotdog (gusto pa ata tender juicy)at
medyo hilaw hilaw pa ang luto rito.PANGATLO at huli sa lahat ay
bibigyan ka ng stub na papel upang ireclaim ang iyong libreng juice na
gawa sa Tang pipirmahan din ito dahil kung makapito kang kombomeal ay
meron kang isang free kombomeal ayos diba pero di pwede ang pasahan ng
points nito kaya di ito pwedeng dugasin.
Ito ang catch ng stratehiyang ito kailangan mong kumombo
pero wala pa akong nakita na naka avail sa kalokohang promo katulad
nito.Buti sana kung masarap eh at abot kaya 30 pesos ang isang order
na katumbas ay isang plain rice at adobo dagdag ka na lang ng kinse eh
magiging manok na to.

Sawakas nawala rin ito sa uso marami ang nakapansin sa kalokohang
promo sa tuwing pupunta kami ng kanteen ay nagaabang kami ng taong
bibili nito at kung meron man ay bigla bigla kaming magtatawanan para
maitaboy ang kaawa awang nilalang sa di makatarungang lasa nang
kombomeal.

Gusto mo bang maging Warez Dood ?

Marahil binabasa mo ang article na ito sa isang computer na pirated
copy ang operating system.Aminin mo man o sadyang hindi mo lang alam
na halos lahat nang software sa computer mo ay illegal copy.WAREZ
Softwares ang tawag dito,ito ay mga program na ginamitan ng reverse
engineering techniques para magamit mo ng libre.

Natatandaan ko pa ang exaktong petsa November 2, 2006 nang mamulat
ako sa mga ilegal na gawaing ito.
Nagumpisa ako sa simpleng pagsesearch ng rom ng gameboy advanced na
"Megaman Zero 4" ito ang kaunaunahang binary na dinownload ko sa net
at ito rin ang nagmulat sa akin na di lang pictures at letra ang laman
ng internet.

Isang napakalaking milestone na sa aming magkakabarkada ang
makadownload noon ng video sa youtube halos tuwang tuwa na ako kahit
maka 20MB lang ako sa isang araw.Naala ko pa noon napakababaw pa nang
kaligayahan namin katulad ng sumusunod
eg:(Pagkuha ng wallpaper sa photopanget,Pagpefreindster ,pagpapaganda
ng freindster layout,pagkuha ng cheats at walktrough sa laro,pagawa ng
play list sa imeem,Pakikinig sa youtube ng music(di pa marunong kumuha
ng mp3,) pagbabasa nang manga,pagclick ng mga banner ad na na
nagsasabing nanalo ka ng isang milyon,Paglalaro ng hotdog bush at iba
pang flashgames sa newgrounds at Y8,Pakikipagchat sa di kilala etc.)
kung mapapansin mo pareho lang tayo nang pinagdaanan.Naranasan ko
lahat yan dati na mistula bang tumatakbo ang oras na para bang wlang
nangyayari at biglang may sisigaw na boy time kana! extend pa ba?
Minsan pag nasa momentum at may napapala pa eh mageextend ka pero kung
masakit na ang ulo at walang bagong napala ay awat na muna.

Pero isang hapon Habang kami ay naglalakad sa quiapo para magcounter
strike napansin ko ang mga dvd na nakakalat sa bangketa.Sangkatutak na
laro at software ang pagpipilian mo dito wala ka nang hahanapin pa.May
nagtanong na isang mama kung meron silang laro na hindi ko na
matandaan ang pangalan tinanong nya kung cracked ito
sa tindera ako naman na mukhang tanga na nakatingin sa kanila ay
naiwanan na ng mga kasamahan sa laro.Sabi ko sa sarili ko sawakas ay
nalaman ko rin ang sikretong passcode "cracked".

Habang nagcrecreate na ng server sa laro ay dali dali nagsearch muna
ako sa yahoo (illeterate pa di pa marunong magoogle) at tinayp ang
search string na "insaniquarium cracked" (yung sa bahay kasi trial
lang) dito lumitaw ang irrelevant na results katulad nang keygen
serial crack at warez akala ko pa noon kumpanya ang warez na
nagsusuply nang piniratang software sa quiapo
.Inisa isa ko ang bawat resulta ngunit ako ay napupunta sa mga porn
site at dynamically generated domains na di nauubusan ng popups.Puro
virus at worm ang napala ko sa kakausisa sa mundo ng warez sa unang
encounter ko dito ay hindi ko alam ang peke sa legit kaya dumanas ako
ng paghihirap para lamang matutunan ang mga pasikot sikot nito.

Paunti unti ay natutunan ko ang sining nang pamimirata
mula sa computer softwares,e-books,movies,albums,mp3's,
video tutorials at kung ano anu pa.Kakaibang kagalakan ang
mararamdaman mo sa pagdodownload dahil mistula bang nakatuklas ka ng
minahan ng ginto na di nauubusan.

Ang tawag sa taong naging hobby na ang pagdadownload ng piniratang
software ay "Warez Dood".Ito yung mga taong lagi mong maasahan sa
pagpapakopya sayo ng latest at cool na softwares.Pero kadalasan may
mga taong ganito na ipinagmamayabang lamang ang mga nadownlod nila.

Halimbawa:
totoy: ui tol may windows 69 na daw ngayon ah latest Operating System
ng microsoft.

waredud:Oo meron nako ang ganda at ang lupit nga sobra (put some
boastful words here)

totoy: pakopya naman ako

waredud: (iibahin ang usapan o manghihingi nang kondisyon or kapalit
kadalasan magyayabang lang ulit para tumigil na ang nanghihingi).


Kita mo na kung makapagyabang yung mga taong ganyan akala mo sya ang
gumawa o nagkrack nung software pare pareho lang tayong free rider sa
sitwasyon na ito nagkataon lang na mas alam mo kung saan kukuha nito.


Huwag ka nang umasa sa kanila sadya silang ginawa ng diyos upang
maging madamot madali lang naman maging warez dood.Kailangan mo lamang
maging matsyaga
sa pagsesearch at kailangan mo rin malaman ang mga lugar na pagkukuhanan

Ito ang tips ko sa mga gustong maging warez dood

1:) Kailangan mo nang mga softwares na specialized sa downloading(
IDM,winrar,utorrent,wimount,browsers atbp)
ipopost ko ito sa forum namin cp mode kasi ako hintay lang kayo ok.

2:) Dapat alam mo ang eksaktong keyword nang hinahanap mo gamitin ang
google.Idescribe ito ng buong buo maging creative sa pagbuo ng
searchstring.Kahit pa barok at wrong grammar yan
ay maiintindihan yan ni pareng google.Tiwala lang

Halimbawa: gusto kong kumuha ng ebook sa java na ang pangalan ay
deitel at 5th edition dapat

java deitel 5th edition download

note: ang download salita ay mahalaga.Ito ang pinaka nagagamit na
keyword pagdating sa pagdadawnload.


Kung mas marami kang alam na impormasyon para idescribe ang gusto
mong idownload ay mas malaki ang tyansa na makuha mo ito ng eksakto.
(author,artist,movie,album name,year of publication,publishing
house,file format,recency and availability etc.)


3:)Maging pamilyar ka sa mga file hosting
sites.Rapidshare,hotfile,megaupload at Mediafire yan ang mga
pinakamalalaki at sikat na mga filehosting sites ngayon.Sa isang warez
dood imposible na hindi pa siya nakadownload sa lugar na ito.

Iedit natin ang search string na ginawa ko sa taas


java deitel 5th edition download mediafire

java deitel 5th edition download rapidshare


Kung mapapansin mo ay nagbago ang resulta naging mas specific ito at
direkta na sa mismong sinisearch mo at kung sinuswerte ka ay diretso
na ito at ready for download na.

4:)Dapat alam mo ang filetype nang dinadawnload mo example:(mp3 pdf
rar avi zip txt )

Iedit uli natin ang search string na ginawa ko sa taas


java deitel 5th edition download mediafire pdf

or

java deitel 5th edition download mediafire rar

dahil e-book ang hanap mo malamang ito ay PDF o PDF na nakakompress sa RAR.

5:) Basahin ng mabuti ang search results.Ang nasa unang 10 pages ng
google ay relevant o pinakamalapit sa searchstring mo kapag wla ang
hinahanap mo sa mga ito ay baguhin o irumble ang mga words sa search
string.

java deitel 5th edition download mediafire pdf

ay magiging

deitel 5th edition java pdf
download mediafire

Dagdag bawas lang ang gawin kapag may nakita kang keyword sa results
na mas maganda at eksakto ang pagkakadescribe ay kopyahin mo ito.

introduction to java latest edition download pdf mediafire

Thinking in Java pdf mediafire download

6:)Basahin mabuti ang mga resulta tignan mo ang source url nito(color
blue) at brief desciption .Ipilter ang resulta sa pamamagitan ng
pagbabasa.Ito ay isang skill na dapat mong matutunan para di ka
maligaw sa pasikot sikot ng internet.


Sa umpisa talaga ay kung saan saan ka mapupunta.Huwag kang matakot
maligaw tandaan mo ang mga lugar na di mapagkakatiwalaan at
mapagbalatkayo.Tandaan may mga bagay pang libre sa mundo at ang susi
para rito ay ang iyong ang mabusising kaisipan.

Wednesday, July 6, 2011

GK FOLDER PAPER




DO YOU WANT TO MAKE YOUR FOLDERS HAVE THEIR OWN cutomized WALLPAPER AND ICON's

NOTE: ONLY WORKING IN WINDOWS XP but the icon maker works also in Vista/WIN7



DOWNLOAD
LINK: http://677a7248.linkbucks.com
PASSWORD:www.grupongkul.tk