Sunday, July 24, 2011

Gklassification v2: Mga uri ng tao sa ComShop

Regular Customer => Sila ang mga taong moderate lang ang gamit sa net
yung mga nagchecheck lang ng email at may kaunting alam sa mga sites
at Internet.Ginagamit nila ang net upang mapalapit at makausap ang mga
taong malayo sa kanila.Sila ang nagrerepresenta sa iilang tao na di
man masyado marunong gumamit ng net pero ginagamit naman nila ito sa
wastong paraan.

Stuyande => Mababait na bata na isinisingit ang pagawa ng assignment o
project sa pagfefeysbuk.Pangunahing motibo nila ay matapos ito kaagad
para makapagfacebook na sila sa mga nalalabi pang oras.


Dota boys => Sila ang pinakabuhay ng komshop at sila rin ang dahilan
kaya tiba tiba ang kita nito.Madalas ay dumarating ng grupo-grupo at
palaging may kalaban.Bayad PC ang pustahan at minsan ay may cash price
pa.Pagkatapos ng laban ay laging may panalo at uuwing talunan pero sa
bandang dulo
ang may-ari ng komsyap ang palaging panalo.


Warez dood => kakaunti lamang ang bilang nila at sila ang itinuturing
perwisyo at salot ng komshop.kung mataas na ang level at namaster na
ang limang elemento (DDL,FTP,TORRENT,GNUTENELLA at USENET) ay kaya
nyang i DDos(mawalan ng access sa internet)ang buong establisyemento

Illeterate => walang sawang ginagamit ang pc sa walang katuturang mga
bagay.Kaya nyang magrent ng 5hours na facebook lang ang tab na
nakaopen.Kaya nya ring iexplore ang kasuluksulukan ng freindster
hanggang sa huling directory ng server nito.

Gamer => naglalaro ng Lan games na locally installed sa
computer.Ginagawa nyang gaming console ang pc dahil sa dami ng
emulator na nilalaro nya rito mistula bang bumabawi dahil ipinagkait
ang paglalaro ng video games nung kabataan niya.


Poking => palaging pinipili ang pc na tago at malayo sa nagbabantay
minsan pag may second floor ang komshap ay duon sya pumupwesto para
dun nya maisagawa ang maiitim nyang balak.Sa kanya mo nakilala si
maria ozawa kaya ang IQ mo ngayon ay tuluyan pang bumababa.


Otaku => Kadalasan makikita mo na nagbabasa ng manga at nanonood ng
anime.Ang hardcore na uri nito ay makikita mo sa mga
kosplay.Isinasabuhay nila ang aral na itinuturo ng anime dahil ito ang
mundo na tumanggap sa kanilang pagkatao at naniniwala silang walang
kwenta mabuhay sa totoong mundo.

Knerd => iilang taong nagbabasa at nagcocontribute sa mga educational
sites tulad ng wikipedia.Minsan magugulat ka dahil sa lapit ng
pagmumukha nila sa monitor dahil hindi nila mabasa ang
letra.Iginugugol nila ang oras sa pagtuklas ng kaalaman at
pagaaral.Para sa karamihan ay boring silang tignan pero pagnakausap mo
at nakadebate na ay tiyak na hahanga ka.

Youtubero => malalakas gumamit ng bandwith ang mga ito dahil sa
kakanood ng video.Pinapanood nya dito ay samut sari minsan ay ginagawa
nya na itong cable subscription alternative

Sosyalera => buhay nya ang social networking sites mahilig sumabay sa
uso at updated sa latest chismis tungkol sa buhay nang ibang
tao.Ginagawa nya itong extension ng kanyang social life upang
mapalapit sa mga taong di nya kauri.

Gengstah => Malakas magpatugtog ng mga hiphop at gengstah songs
ex: Ang buhay ng gengstah...

You know what it is! black and yellow black and yellow black and negro.

Dahil sa lakas nila magpatugtog ay sakanila mo unang mararanasan ang
LSS o last song syndrome.Huwag kang magkakamali na banggain sila dahil
konting kanti lang ay aabangan ka nila sa labas ng komshop at
ipabubugbog sa kanilang gengstah buddies tapang dami ang theme ng
kanilang kapatiran bigla bigla na lamang aangas pag may nakakita ng
kakampi.

Online Gamer => isa sa mga siga ng comshop ang batayan ng bilis ng
internet para sa kanila ay PING o latency.Sila ay maraming pinapausong
slang ng networking Kadalasang sinasaway nila ang mga taong gumagamit
ng bandwith ng walang katarungan.

ex:
OG:Tangna sino nagyouyoutube dyan ang Laag at ang taas ng Ping ko
99999 km bulshet terminal Disconnected.

WD: kinakausap ang sarili (Kaya siguro maLAG kasi Lag din yung utak at
kaya siguro mataas yung ping lumayo yung tore ng PLDt ng isang
kilometro at di ako nagyouyoutube dinadownload ko yung buong
youtube.)

OG:kaya pala may nagdadawnload eh pakipatay naman yan makonsensya ka
naman parepareho lang tayo dito ng binayad.

WD: naglevel up ka na ba sa totoong buhay kasi ako oo.

Ito ang kadalasan kong naririnig sa mga taong ganito
ibabalik ko ang argumento parepareho lang tayo ng binayad pero kung
pipigilan mo ang tao na malamangan ka sa pagamit ng bandwith saiyo di
ba ay maituturing na kagulangan at kung hindi mo lalabanan ang
kagulangan ng isa pang pangugulang ikaw ang talo sa gyera ng agawan
Kaya nga gagambandwith ang title ng blog na ito para gambalain ang
bandwith ng makakasariling taong katulad nito.

No comments:

Post a Comment