telebisyon.Palagi syang updated sa kaganapan sa showbusiness at
primetime programs sa tv.Masasabi mo na kabilang sya sa jologs
komunity
dahil masyado syang affected sa mga palabas sa telebisyon at
pinoproblema niya ang mga problema ng mga character rito.
Yung mga tipong sisigaw ng kaptain barbell pag nagsimula na ang
palabas at pagsayaw ng syembot at kung anu ano pang kaululan na kahit
magmuka siyang tanga ay ok lang.Isapang kinakaasaran ko ay walang
laman ang utak ng taong ito kundi mga impormasyon tunkol sa mga
artista kesyo maganda o gwapo daw si ganito ganyan may kabit si ganito
ganyan kesyo
gustong gusto niya daw si ano at inano daw ni ano yung ano ni ano.
Di naman sa nakekeelam ako sa trip nya sa buhay pero kung ganito ang
mga klase ng taong nagrerepresenta sa karamihan sa ating populasyon ay
mananatili tayong alipin ng iba sa habang panahon.
Ang pagiging tagahanga o Fan ay maikukumpara sa isang recursive algorithm
Halimbawa: May alaga kang aso na mayroong alagang pulgas at hanip.Na
sa loob ng katawan nito ay may inaalagaang bulate na buntis na may
inaalagaang itlog ng bulate.
Ito ang logic na gusto kong ipahiwatig kung ang hinahangaan mo ay may
hinahangaan din na nagkataon na mayroon ding hinahangaan.Natural na
isipin na idol mo ang idol ng idol mo!.Ano dapat ang itawag sayo?
"Fanman" di taong pamaypay kundi taong nabuhay lang para maging
tagahanga yung mga tipo nang tao na binigyan ng buhay ng diyos para
tumili sa mga nagagandahan at nagwagwapuhang artista.Boluntaryo silang
nagpapaalipin sa impluwensya ng pop "cult"-ure
at handa silang ibigay ang lahat lahat para maging no.1 Fan nang
kanilang hinahangaan.
Isang tanong lang ang gusto kong sabihin anong mayroon ang
hinahangaan mo na wala saiyo marahil ang isasagot mo ay isa sa
sumusunod (kagandahang
pisikal,katalinuhan,katanyagan,kayamanan,ugali,karisma,talento)
maaring ang mga tao ay ipinanganak nang di pantay pantay mayroon mga
taong nagkulang o nasobrahan sa magagandang traits pero kahit anu pa
man ang kalagayan mo ngayon huwag mong isipin na imperyor ang katauhan
mo kung ikukumpara sa iyong hinahangaan.Nasusukat ba ang kahalagahan
ng isang tao sa mga makamundong pagnanais
wala bang halaga ang buhay mo kung ikukumpara ito sa hinahangaan
mo?Kung ganito ang mentalidad mo masasabi ko na wala kang kwentang
tao.
Isa ka sa mga defective genes na ang tanging misyon ay tiyakin ang
survival ng superior genes sa mundo.Isinasakripisyo ang mga depektibo
upang paboran ang mga sa tingin mo ay mas perpektong tao kesa sayo.Tao
rin ang mga hinahangaan mo tulad mo uurin din sila sa lupa pagdating
nang kamatayan kumakain din sila ng kanin at umiinom ng tubig.Ang
tanging nakikita ko lamang na kaibahan nila ay gumagawa sila para sa
ikararangal ng kanilang sarili at hindi katulad ng mga humahanga na
ang tanging ginawa lang ay titigan at ipagmalaki ang gawa ng iba.
Sa bawat buhay na ginawa ng diyos ay iisa lang ang Bida at iyon ay ang
sarili mo huwag mong hayaan na agawin ng ibang tao ang character mo
dahil kung magpapaalipin ka ay para na ring ginawa mong kontrabida ang
sarili mo.
Huwag kang humanga sa tao ang hangaan mo ay ang mga nagawa nila
hayaan mo na magsilbing inspirasyon sila para sa iyo at subukan pang
lampasan ang mga nagawa nila
Di masamang humanga kung ang naidudulot nito sa iyo ay kabutihan pero
ang isentro ang iyong pagkatao sa isang individual na kailanman ay di
magiging ikaw ay pagtangal ng karapatan mo magkaroon ng sarili mong
pagkatao.
No comments:
Post a Comment