Wednesday, July 13, 2011

Intonation Theory

Sa buhay ng isang istyudyante ay makakaharap niya ang klase ng tanong
na dalawa lamang ang pagpipilian.Fifty Fifty ang tiyansa mo rito kung
zero knowledge ka at aasa sa iyong suwerte.Pero meron kaming nadevice
na technique upang mapataas ang tyansa mo para Tumama! Intonation
Theory ang sagot sa problema mo.


Ang Intonation Theory ay nakabase sa pitch ng pagkakadeliver ng
tanong o ang mismong intonation nito.Kailangan mong obserbahan at
tandaan ang mga tonong may diin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw isang bloke ng yelo o "ICECUBES".

Maoobserbahan mo ang tanong ay may diin sa bandang dulo madalas ang
latter statement talaga ang tama pero depende ito sa tao kung alam nya
ang pattern na to ay kaya nya ito ibahin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw "ICECUBES" o bloke ng yelo.

Sa diin ka dapat bumase at hulaan mo kung nasaan ang bias side(kung
saan sya panig) nya maimumunkahi kong isantabi muna ang common sense
at itry sundin ang theoryang ito

Prof: kaya bang pailawan ng 220volts AC source ang isang LED?

Oo o hindi lang ang sagot dito kung natatandaan mo pa ang lesson sa
electronics na dapat di lalagpas yung voltage rating sa tolerance nung
component(LED) eh masisira ito kaya ang sagot mo rito kung gagamitin
ang komon sense ay napakalaking "HINDI" pero bakit nya pa itinanong
ito kung alam nyang di ito pwede?Tinetest ka ba nya kung noob ka at
masyadong obvious yung sagot sa tanong? hindi sa palagay ko mayroon
syang gustong ielaborate na konsepto o kaalaman na hindi alam ng lahat
ng tao.

Lubos na makakatulong kung meron kang background o natatagong
arsernal sa mga usapin na ito dito ka magbabase at magiisip kung ano
ang tamang sagot base sa nalalaman mo.

Isang indicator na tama ang sagot mo ay meron kaagad na susunod na
statement na Please explain or why kapag napili mo kasi yung maling
choice ay tila ba disinterested na sayo yung taong nagtatanong note:(
exeption dito ang philosophy relativist at logic teacher dahil walang
maling argumento para sa kanila as long na may point ang argumento
mo).

Maari mo itong subukan at iemprove pa batay sa iyong
pangangailangan.Di ko magagarantiya na uubra ito sa lahat ng
tao.Nagpapasalamat ako sa titser namin sa physics nung 4th year dahil
sinanay nya kami sa mga repeating patterns na ito kaya ito ay
naimbento at nagagamit namin sa tunay na buhay.

No comments:

Post a Comment