Sa dinarami rami ng kainan na nakita ko namumukudtangi ang cafeteria
ng Rmhs highskul.Dito mo makikita ang samutsaring pakulo ng
cooperative nito para lamang kumita.Pero sa lahat ng naisip nila ang
Kombo Meal ang pinaka-desperadong marketing strategy na makikita mo..
Dahil ubod ng mahal ang kanilang mga pangat na ulam ay karamihan ng
istyudyante rito ay nagbabaon na lamang ang iba namang madidiskarte
katulad namin ay di na nagdadala ng kutsara at tinidor nagpupuslit na
lamang kami sa canteen nito upang makalibre sa hugas.Minsan paguwi mo
ay magtataka ka kung bakit may dala ka nito dahil alam mo sa sarili mo
di ka naman nagbaon o nagdala ng kutsara at tinidor bigla kang
makokonsyensya dahil wala ka na ngang naidagdag sa kaban ng yaman ng
principal este skul pala may dala ka pang suvenir mula rito.
Napansin ng mga lupon ng mga kurakot na bumababa ang kita nila at
ginagawa na lamang kainan ang kanteen ng mga istyudyanteng kuripot na
nagbabaon kaya naisipan nilang gumawa ng promo."Kombo Meal" short for
Kung bumili ka! may libreng juice,toppings,sabaw,condiments etc.
Ang konsepto ng Kombo meal ay ganito ang primary dishes nila dito ay
Itlog,Ham,Hotdog,Longanisa at Maling ordinaryo ang mga ulam na ito sa
ating paningin yung mga tipong tatanungin ka ng kaklase mo: Huhulaan
ko ulam mo siguro ano yan no (pili ng ulam sa itaas) pano mo
nalaman?Sakin galing yan eh binuraot mo nung nakatalikod ako kanin
lang kaya dala mo.Para ang mga ito ay bumenta ay una lulutuin nila ito
upon order meaning kapag bumili ka tsaka pa lang nila ito lulutuin
diba mainit init pa pero kung marami kayong nakapila na bibili ay
mamadaliin ito sa pagkaluto lalu na kung matyempohan mo si Flash
Milker tiyak kung di half cook (yung isang side lang yung luto) ay
medium rare ito(hilaw na parang luto).Isa pang advantage nito ay di na
nila kailangan na pangatin ang mga ulam (paulit-ulit na pagiinit para
di mapanis ang ulam).PANGALAWA ay ang paglalagay nang kung anu anong
palamuti rito para magmukang masarap at sosy katulad ng gravy
mushrooms at mais.Masarap itong tignan dahil gourmet style ito
pinagayahan pero hanggang sa tingin na lamang ito masarap.Naalala ko
pa nung isa sa amin ang sumugal na bumili nito isang kagat palang ay
nangayaw na siya at binigay na
ito sa aming kaklase na hindi tumatangi sa pagkain certified member
sya ng ulcer gang dahil sa kakatipid nya ng baon para impambili ng
studio.Sa kasamaang palad ay di nya rin ito nagustuhan samut saring
panlalait ang inabot ng pagkaing ito sa kanya kesyo CDO lang daw yung
ham at bida hotdog lang daw yung hotdog (gusto pa ata tender juicy)at
medyo hilaw hilaw pa ang luto rito.PANGATLO at huli sa lahat ay
bibigyan ka ng stub na papel upang ireclaim ang iyong libreng juice na
gawa sa Tang pipirmahan din ito dahil kung makapito kang kombomeal ay
meron kang isang free kombomeal ayos diba pero di pwede ang pasahan ng
points nito kaya di ito pwedeng dugasin.
Ito ang catch ng stratehiyang ito kailangan mong kumombo
pero wala pa akong nakita na naka avail sa kalokohang promo katulad
nito.Buti sana kung masarap eh at abot kaya 30 pesos ang isang order
na katumbas ay isang plain rice at adobo dagdag ka na lang ng kinse eh
magiging manok na to.
Sawakas nawala rin ito sa uso marami ang nakapansin sa kalokohang
promo sa tuwing pupunta kami ng kanteen ay nagaabang kami ng taong
bibili nito at kung meron man ay bigla bigla kaming magtatawanan para
maitaboy ang kaawa awang nilalang sa di makatarungang lasa nang
kombomeal.
No comments:
Post a Comment