Tuesday, July 26, 2011

Pakisuyo po:Ang trip ng mga taong umuupo sa dulo ng dyip

Sa tuwing sasakay ako ng dyip ay naging panata ko na ang pagpili ng
dyip na maluwag upang makaupo ako sa pwesto na malapit sa drayber.Kaya
ko natripan umupo rito ay dahil gusto kong ako mismo ang magaabot ng
bayad at para narin makadiskwento ako nang piso sa pagsasabi ng magic
word na "ma bayad po istyudyante" at makakababa ka rin ng maayos dahil
sa dinig ka kaagad ng drayber pag papara kana.


Pero may napuna ako bakit walang umaagaw ng pwesto ko sa tuwing
sasakay ako ng dyip?di ba nila narialize ang advantage nang pagupo sa
pwestong iyon.Bakit mas gusto nila na nagsisiksikan sa dulo ng dyip?
binabalalanse ba nila ang center of gravity nito para di ito tumaob?
Inaamin ko napakalaki kong engot at di ko kaagad nalaman ang kanilang
motibo.Pinili nila ang pwesto na iyon upang makababa sila kaagad at
gawin kang tiga Abot ng bayad!.


Nuong una ay ayos lang sakin na maging tiga abot ng bayad isipin mo
na lang na nag chacharity work ka.Di nagtagal ay Naging habit ko na
ang pagaabot ng bayad at nagpapakabayani narin ako sa pagpaabot ng
sukli.Iniisip ko nalang na bayad iyon sa diskwentong piso na nakuha
ko.Minsan nakakasar lang talaga ay ang sitwasyon na katulad nito.

ex: kakasakay mo pa lang at uupo ka sa harap at may nauna nang
pasahero na sumakay sayo at sila ay nasa paborito na nilang pwesto
pagdukot mo sa pitaka mo para kumuha ng pera ay tila ba nakikiramdam
sila kung buo o barya ang dudukutin mo at pagabot mo nang bayad ay
magugulat ka na makikisuyo sila sa iyo.Anak naman ng pepeng kabayo oh
nauna pa sila sakin na sumakay tapos di papala sila nagbayad talagang
nagintay patalaga sila ng pasaherong magaabot ng bayad nila..

Umabot na ang lahat sa sukdukan nang isang araw puno ang dyip na aking
nasakyan at ako naman ang nakisuyo na magabot ng bayad.Nasa tabi ko ay
isang matabang lalaki na nagbubulagbulagan na para bang di ako nadinig
o nakita .Sabi ko sa sarili ko ganito ba ang klase nang tao na
nagaabot sa akin ng bayad sa araw araw? Mga makakasariling nilalang na
pinapagod ako magabot ng bayad! mga wlang utang naloob ititigil ko na
ang panata ko sa pagaabot ng bayad!.Bago pa man nagdilim ang paningin
ko at sinaksak ang baboy na iyon ay mayroong magandang dilag sa
bandang harapan na inilapat ang kanyang kamay upang kunin ang aking
bayad ako ay kumalma at mistulang nahiya sa kanya.Muli Sabi ko sa
sarili ko kung araw araw ba ganito eh gusto ko na ulit maging tiga
abot ng bayad!

No comments:

Post a Comment