Monday, December 19, 2011

Create your own portable apps with CAMEYO

Gusto mo ba gawing portable ang mga installer files mo.Gumamit na nang kabayo ay CAMEYO pala.






Advantages:

-pwede mo nang dalhin ang installer mo at irun ito ng hindi na kailangan maginstall.
-Di na hastle sa pagkopya ng maliliit na files.
-Di ito kakain ng registry entries dahil virtual filesystem ito.


Disadvantages
- Di lahat ng installer ay nagagawan ng portable version especially yung mga nagiinstal ng services at device drivers.

- Hastle mag konvert ng mga application na Gigabytes ang size at kung sa virtual filesystem ito papatakbuhin ay lalu itong babagal.






DOWNLOAD LINK:

http://www.brothersoft.com/download-cameyo-467843.html





STEP 1: irun ang Cameyo.exe na kakadownload mo lang intayin ikapture ang ang current settings ng iyong OS maipapayo ko na huwag ka muna maglick o gumamit ng ibang applications para hindi masama yung activity mo sa pagkuha ng screenshot.

STEP 2: Kapag natapos na ang screenshot ay pwede mo nang iinstall ang application na gusto mo gawing portable (marunong ka na sigurong maginstall matanda ka na).Teka lang di ba portable nga bakit mo iinstall aba magandang tanong yan.Kailangan mong iinstall ang application mo para maunpack sya at makita ang mga changes na gagawin nya sa system mo at dito magbabase ang application para makagawa ng portable equivalent.Hayaan mo at pwede mong i-uninstall ito ng malaya pagkatapos ng proseso.


STEP 3:) Pagkatapos na ng install proccess ay pindutin na ang stop monitoring button

TIP:kung cracked application ang gusto mo gawan ng equivalent portable ay gawin mo muna ang procedure ng pagcracrack bago mo pindutin ang button.Ito ay para maging cracked na ang application na gagamitin mo,kung pumalya ka sa pagkakataon na ito ay ulitin mo na lang.


STEP 4:) Pagkatapos ng proseso ay magkakaroon na ng equivalent portable app ang instaler mo na defaultly na mahahanap sa directory na

C:\Documents and Settings\(Pangalan ng user)\My Documents\Cameyo Packages



tapos na pero nakalimutan mong iuninstall ang yung application kanina gawin mo na ngayon yun total mayroon ka nang portable.Pwede mo na ngayong ipakalat ang mga application mo nang di hastle sa install at crack ayus diba!

Sunday, December 18, 2011

Save Flash Videos while streaming with nirsoft Video Cache View

Mahilig ka ba magstream ng video sa internet? kung oo minsan ba gusto mo isave ang video na natapos na magbuff kaya lang ay hindi mo alam pa no ito makuha ?

ito na ang sagot sa problema mo ang Video cache view ni pareng nirsoft!














Download Link:
http://www.nirsoft.net/utils/videocacheview_setup.exe


pano gamitin simple lang, pumunta sa paborito mong streaming site in this case youtube ang gagamitin natin.

Site:www.youtube.com


http://www.youtube.com/watch?v=afwF3Z6u8L8&feature=g-vrec&context=G24eab5eRVAAAAAAAACg


eto ang isasample ko para mabilis lang 0.46seconds na video hayaan na matapos ang buffering (kung gusto mo panoorin mo na nang buo para di sayang sa oras).
























STEP 1:Tapos na magbuffer kaya iclick mo na ang videocachevew.exe .






























STEP:2  irefresh muna ang application para lumitaw yung video .pagkatapos ay iright click ito at piliin ang "copy selected files".




























STEP 3: PUMILI NG DIRECTORY KUNG SAAN ISASAVE ANG VIDEO IN THIS CASE SA DESKTOP SYA MALALAGAY.



Pagkatapos ay pindutin ang OK Button at masasave na yan.




credits to :www.nirsoft.net/  sya ang gumawa ng application nayan.

Friday, December 16, 2011

How Famous Tech Companies Got Their Names?

A very informative infographic credits to whoever made this.


http://main.makeuseoflimited.netdna-cdn.com/tech-fun/wp-content/uploads/2011/12/companynames.jpg?54b313

Strong sa laro,Weak sa totoong buhay


Hindi ko na halos matandaan ang eksaktong petsa bigla na lamang umusbong ang mga online games at ang larong dota.Dati rati madalas pa kong sumasama sa mga kaklase kong bulakbol para magkautang ng saksak sa larong counter strike pero sa di malamang dahilan ay bigla silang nanawa at niyakap ang mga naglabasang laro na ito.

Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon di parin sila makagetover dito di pa siguro nila tapos ang nilalaro nila dahil di parin nila itinitigil ang bisyo nila.Siguro marami na masyado silang nainvest at naisakripisyo (Talino,Pera,Oras etc.).Ang mga nakikita kong dahilan kung bakit sila nagkakaganito ay ang mga sumusunod.



1.)Napakataas na siguro nang pinapalevel na character at hindi na ito maiwanan

2.)Mayroong sigurong nahanap na rare item na sya lang ang meron at nangangambang mawala sa kanya ito.

3.)Napakagaling nya na siguro dito at sya ay kinukuhang pambato kapag nagkakaroon ng pustahan.

4.)Dito lamang niya nakikita ang sarili nya na malakas o(“STRONG”) at dito rin sya nagkakaroon ng mga kaibigan (virtual friends) nagagalak sya sa tinatamasang respeto dito.

5.)Tumatakas sa totoong problema ng realidad ibinabaling ang atensyon sa laro na tila ba
na kontrolado nya ang sitwasyon at pansamantalang kinakalimutan ang mga suliranin.

6.)Peer Preesure sa mga kaibigan dahil ma OOP sya kapag hindi nya nilalaro yung nilalaro ng kabarkada nya kaya napipilitan laruin at gustuhin ang larong tulad nito.


7.)Gusto makamit ang acceptance ng isang grupo. Gustong mapabilang sa mga  taong itinuturing ang kanilang sarili magaling sa larong ito.Nakikipagkompetensya upang mahirang na “IMBA” o imbalance sa laro (sobrang galing).


8.) Iniisip nya na magkakaroon sya ng malaking respeto mula sa mga tao kapag nilalaro nya ang mga uso at latest games sa kasalukuyan.





            Habang nilalaro mo ang games na ito ay para bang ikaw ang hari ng mundo at kayang kaya mong gawin ang lahat. Pwede mong gawin dito ang mga di mo nagagawa sa totoong buhay (pumatay ng dragon,halimaw at demonyo,mag cast ng magik,magpalabas ng bolang apoy sa kamay ,mangheadshot,manaksak,mag hagis ng granada etc.).Pero lahat ng ito ay matitigil kapag sumigaw na ang nagbabantay ng comshap  na “TAYM KA NA!”.Bigla ka na lang babalik sa Realidad nang nakupo sa upuan habang nagkokompyuter.Habang palabas ka nang komshap at nagpapayabangan ang mga kasama mo tungkol sa nilaro nyo hindi mo ba naisip na kung paulit ulit na ganito ang mangyayari sa araw araw mayron bang mababago? Oo siguro mas gagaling ka sa nilalaro mo dahil sa paulitulit mo itong ginagawa. Pero kung  bubulagin mo  ang sarili mo sa pantasya na halos hindi mo na alam kung sino ka at kung ano pang kaya mo pang gawin bukod sa paglalaro ng larong yan.



Isipin mo ang mga nasakripisyo mo sa palagay mo sulit ba? Mas
naging mabuti ka bang tao ? napaunlad mo ba ang sarili mo? Hanggang kailan ka sa
palagay mo magiging ganito ?.Hindi sa binebrainwash kita pero oo binibreynwash kita,
hindi ko sinabi o sasabihing magaral ka kapalit ng paglalaro ng computer games tulad
nang sabi ng matatanda,.Sabi nga ni ZACK isang character sa FFVII: “bata ka pa marami
kang kayang gawin huwag mong ikulong ang sarili mo sa iisang gawain lamang habang
bata pa ay subukan mo ang lahat ng bagay”.Napakalaki ng punto nya dito bata ka pa
huwag mong hayaan na masayang ang oras mo dahil pag tumanda ka na anong
ikwekwento mo sa mga apo mo na magaling ka mag DOTA? Na level 99 ka na sa
Ragnarok?Magaling kang mangheadshot o manaksak sa counterstrike? napakababaw!



Isipin mo bago ka umalis sa mundong to mas naging maayos ba ang mundo nung nawala ka o parang bale wala ka lang.Swerte mo kapag may nakaalala sayo pero kapag ang pagkakakilanlan mo ay  pagiging magaling sa isang bagay na halos wla namang gamit sa totoong mundo ay maituturing na mas higit pa sa walang kwenta.

Wednesday, December 14, 2011

Download torrents directly through the web using TORRIFIC

  Kung Hilig mo na ang pamimirata sa palagay ko nakagamit ka na ng bittorrent protocol (TORRENTS) isa itong paraan para makadownload ng files sa internet.Madali lang magdownload sa bittorrent pero depende ito kung maraming seeder at available pa ang torrent na dinadownload mo (di hamak na mas mabilis kung makakahanap ka ng private index sites).Kung nababagalan ka sa usad pagong na DL speed nito ay gamitin ang webservice ng TORRIFIC para mapadali ang pagdownload mo.

note:inaasume ko na marunong ka nang magdownload ng .torrent files sa internet kung
hindi pa ay magtanong ka muna kay pareng ogle este google pala.

pumunta sa website na ito at magregister :  www.torrific.com
i fill up ang mga required details at intayin ang confirmation email


pagkatapos ay pumunta sa paborito mong torrent index site

 www.piratebay.org
 www.btjunkie.org
 www.isohunt.com


magsearch ng gusto mong torrent at piliin ang may pinakamaraming seeders
tapos kuhanin mo ang link nung torrent wag mong idadaownload in this case eto ang example:



 Copy Link Location ang gamitin huwag idownload ang torrent
Next step ay pumunta sa torrific at ipaste ang url sa combobox at i click ang "GET"
pagkatapos ay mapupunta ka sa screen na to





Pindutin ang "Initiate Bitorrent Transmission" at pagkatapos bumalik sa home page ng torrific at  irefresh ang page using F5 button. Hintayin ang ang pagdadownload nito sa web usually mga 5 minutes depende sa laki ng gusto mo idownload.Magfacebook ka muna kung mainipin kang tao pagkatapos nito ay ready for download na.


note:Minsan di mo na kailangang magintay ready na kaagad yan kapag medyo HOT pa yung torrent na gusto mo idownload.


Gumamit ng IDM at isagad ang connection speed sa 16x connection







AT para maniwala ka sa post na to ay subukan mong idownload ang file na tinransload ko sa taas











Torrent Tekken Blood Vengeance 800MB


http://u05w144.btaccel.com/d9b21945e5/i:65.49.14.82,u:kXY3kMC5xAC8_kLOmwPx,w:370218/9915/ea7a40125bfd416a9269bf98227bf8394648230b/Tekken.%20Blood%20Vengeance%20%282011%29%20BRRip%20%28xvid%29%20NL%20Subs.%20DMT%20/Tekken%20Blood%20Vengeance%20%282011%29.avi


Direct download na ang torrent mo di ka na magiintay nang ilang araw para sa dinawnload mo.Ayus di ba!

Monday, December 12, 2011

GK System Optimizer

Speed Up your Computer by applying registry tricks,dump cleaning,defragmentation and other optimizations.














Download Link: http://www.mediafire.com/download.php?rrs103ahi4q9i45

How to efficiently use Google

Magandang infographic na maishahare ko sa inyo credits sa gumawa ng image na yan

http://cache.gawkerassets.com/assets/images/17/2011/12/3fdca60ef504702f8c3d8584d8fcd502.gif

The Unofficial FARMERS OPTIMIZATION GUIDE

Sa wakas matapos ang ilang buwan ng pagtitiis ng wlang computer at restriksyon sa pagamit ng kuryente ay natupad narin ang aking
pinakaasam nakabuo narin ako ng sariling PC yun nga lang FARMERS pa rin.Pero medyo ok na yan basta may ginagamit wag na magreklamo
baka mamaya masira o mawala pa yan.Nasa gumagamit naman talaga yan kung papaano nya mafufuly utilized yung hardware at yan ang tinuro ng mga dati
ko pang mga PC (sa kapatid ko pala).

Nageexperiment ako this fast few days kung paano ba mapapabilis aking PC ito ang kanyang specks sa kasalukuyan

Operating System
MS Windows XP Professional 32-bit SP3
CPU
AMD Sempron 2800+ 48 °C
Palermo 90nm Technology
RAM
512 MB Single-Channel DDR @ 160MHz (2.5-3-3-7)
Motherboard
ASUSTeK Computer INC. K8U-X (CPU 1) 45 °C
Graphics
CDP17bDF (1024x768@60Hz)
128MB GeForce FX 5200 (MSI)
Hard Drives
40GB ExcelStor Technology J840 (PATA) 47 °C
Optical Drives
ATAPI iHAS224 Y SCSI CdRom Device
Audio
SoundMAX Integrated Digital Audio

Hard Drives
ExcelStor Technology J840 40GB


dahil limitado ang specs ko at hinihintay ko pa ang ipon ko at biyaya ni congresswoman para makapagupgrade,sa software side ko muna sya iooptimize.Sa normal na konfiguration ay aasahan natin ang kabagalan nito kung ikukumpara sa
henerasyon ng mga PC ngayon.Ito ang listahan ng mga ginawa ko.

1:) Installan ng Windows Xp na lite edition.
2:) Iupdate to latest drivers .
3:) Huwag maginstall ng malalaking softwares (eg.Photoshop,Autocad,Microsoft Office etc.).
4:) Huwag maginstall ng malalaking games (Asa ka pa di kaya ng video card mo).
5:) Portable Apps ang mostly applications ko http://portableappz.blogspot.com/.
6:) Registry Tweaks for Windows Xp (maraming hidden settings ang XP na di mo aakalain).
7:) Disabled ang mga services na di kailangan.
8:) Network Tweaks (Pampabilis ng Internet).
9:) Huwag maginstall ng antivirus (puro portable versions na scanner lang:disabled ang real time protection).
10:) Gumamit ng explorer replacement sa File Copying .
11:) Gumamit ng explorer replacement para sa hindi maistress yung explorer.exe (ex:total commander,xplorer2 etc.).
12:) Gumamit ng customized trimmed shells (ex:shell32.dll,explorer.exe,msgina.exe etc na kalahati ang size) .
13:) Disabled ang special effects .
14:) Pagtangal ng extra fonts.
15:) Pagtangal ng mga extra applications na bundled sa OS (gumamit ng shrink xp scripts kapag hindi lite edition ang ininstall na OS).
16:) Huwag maginstall ng kung ano anong software itry muna sa sandbox o humanap ng portable version.
17:) Ilagay ang default directory ng my documents sa separate partition.
18:) Idisable ang Hibernation,System Restore,Windows Update etc.
19:) Huwag masyado istress ang hardisk huwag ito punuin at iburn sa DVD ang mga files mo para hindi magfragment ang hardisk.
20:) Iarchive ang mga files na malilit ang file size na nagkalat sa hardisk para di ito kumalat at magfragment.
21:) Ifix ang pagefile size ng hardisk mo para hindi ito nagfrafragment (pagefile size=1.5x nang current ram mo sa case ko 512=1536MB).
22:) Gumamit ng mga registry cleaners at compactors (ex.Tune Up Utilities,CCleaner,Jv6powertools,Glary Utilities etc.).
23:) Ilagay ang bootfiles sa outer layer ng hardisk dahil ito ang pinakamabilis na parte ng HDD mabilis kang makakapagboot.
24:) Huwag dalasan ang pagdedefragment nakakadali ito ng buhay ng hardisk.
25:) Idisable lahat ng startup programs.manually i launch ito kung kailan lang kailangan para di sayang sa cpu cycle.
26:) Huwag gumamit ng kung ano anung third party softwares na nagpapaganda ng UI ng OS ex:(Objectdock,windowblinds,sidebar etc.).



So it turned out na successfull sya ngayon napaka responsive nya at halos dimo mahahalata na sempron lang .Sa lahat ng builds ko ito ang masasabi ko na the best.Dati ko nang nasubukan lahat ang mga procedures sa itaas at ngayon pinagsama sama ko na
sya ngayon base on experience. Ang keypoint ng settings na ito ay

1:) Kung mapapansin nyo halos portable apps ang softwares ko ngayon, dahil ang talagang kahinaan ng Windows base Operating system ay ang pagiging masyadong
reliant nito sa registry.Kung bagong format ka eh mabilis ang ang response ng OS mo parang bagong panganak pero sa kinatagalan dyan na magkakaroon
ng problema kapag dumami na ang files at mga softwares na ininstall mo.Lahat ito ay may nilalagay na registry keys sa registry kaya sa kinatagalan ay ito ay lumalaki hanggang sa mararamdaman mo
na ang kumukupad na ang system mo.Ang tanging paraan na nakikita ko ay ang pagamit ng portable apps oo meron din itong nilalagay na keys sa registry at very minimal lang


2:) Natatawa kayo siguro dahil masyado sobra sobra ang ang mga nilista ko sa taas kabilang na ang di pag Install ng Anti-Virus.Gumagamit din ako ng anti virus noon naalala ko pa
nagpapayabangan pa kami kung ano ang ginagamit namin (ESET,KASPERSKY,BITDEFENDER etc.) kailangan talaga ito kung hindi magiging madalas ang pakasira ng PC mo pero
sa kinalaunan nakita ko ang logic na nagpapaikot sa mga productong ito.Ang pagawa/pagkalat ng computer malware ay mas mabilis ng di hamak kaysa sa pagupdate ng
mga anti-virus companies ng UPDATES no definitions ng kanilang mga produkto sa madaling sabi kahit anong gawin ng mga tao sa likod ng mga produkto na ito ay hinding
hindi nila mapipigilan ang pagkalat ng malware.Isa pang kalokohan nito ay ang real time protection feature nito na sa kada open mo o access sa mga files mo eh susundan nya ito ng scan.
Nakaksayang ng CPU cycle memory at nakakastress ng hardisk ang pagiscan ng buong files mo para sa malwares.Ang pagiinstall ng anti virus ay maaring iwasan sa pamamagitan
ng pagiging mabusisi sa pagcliclick at dinadownload.


3:) Windows Xp ang aking ginamit nagtatanong ka kung bakit eh may Windows Seven naman.Parang sa tingin ko ay kaya nga ang windows seven sa bulok na komputer na ito
pero dahil di naman multi core ang cpu ko wla akong advantage na nakikita sa paginstall nito.Aminin natin mabilis ang windows seven pero choice ko parin ang windows xp
dahil sa laki ng library nito pagdating sa software halos lahat ng software nung nakaraang dekada ay compatible dito at medyo nakakarinig din ako na medyo palyado yung
windows seven sa games compatibility.Isa pang advantage ng windows XP ay marami nang impormation na makukuha mo pagdating sa registry settings dahil isang dekada na ito gamit
na di naka set ng default.



4:) Trimmed version ng Xp anu yun? eto ay mga ginalaw na version ng windows na tinangalan ng mga di kailangan na softwares ex(unused drivers,logfiles,dependencies,unused application help files etc.)
currently ang filesize ng windows directory ko ay nasa 700mb lang default 1.5gb sa install tinagalan kasi ito nang kung ano ano pero di ko ito maipapayo sa mga normal users dahil baka magkaroon ng
problema sa mga iniinstall nyong software.Ano ang pakinabang nito?kapag maliit o minimal lang ang niloload ng size ng OS natural na bibilis ito di lamang sa disk access bibilis pati sa memory usage ay ramdam ito. din dahil minimal lang
yung ipinapasa mo sa RAM at CPU mo na proccesses.



5:) Ang paiinstall ng malalaking softwares eg(microsoft word,photoshop etc. MINIMUM Installer size: 2gb) na madalas mo pang ginagamit ang nakakastress sa hardisk
dapat dedicated ito sa isang seperate drive o partition para hindi magfragment ang hardisk mo o makaapekto sa OS partition mo.Dahil maliit lang ang hardisk ko humanap na lang ako ng alternatibong apps
Openoffice at GIMP portable.Di ko rin maipapayo ang pagkahumaling sa pagtry ng maraming software install dun install dito install lang ng install hanggang sa bumagal na
ang sistema mo dahil bukod sa nagkalat sila sa hardisk mo ay pinataba lang nila ang registry mo.



6:) Lastly ang pagdisable ng mga default functions at services sa OS ay nakakabilis talaga bukod pa rito ay dinagdagan mo ang layer ng security mo sa pamamagitan ng
pagbawas sa services.Ito ginagamit na karaniwang attack vector pagdating sa vulnerabilities meaning.

mas maraming softwares na nakaiinstall == maraming services at proccesses na bukas == Larger possibilities na mahack o maexploit ang sistema mo.


Nung initailly installed ang OS na ito ay napababa ko ito sa 65mb ang pagefile usage meaning 32.5 na memory ang dedicated sa OS mas makakapagmulti task ka
dahil sa nakatipid ka sa memory pero ngayon ay lumobo ito sa 105mb pagefile size sa tatlong buwang gamit nag dedeteriorate talaga ang quality ng windows OS sa katagalang
na pagamit di katulad ng linux.Kaya ang maipapayo ko kung gusto mapahaba ang buhay ng windows installation mo ay huwag abusuhin ang registry.

di ko lahat maidedetalye lahat ng aking mga ginawa siguro ay kailangan ng seperate articles o tutorials para sa mga ito binigyan ko lamang kayo ng ideya kung papaano
mapabilis ang isang komputer na uugod ugod na sa kupad.Di ko rin maipapayo ito sa mga normal users dahil kung magkaproblema ay lalu lang itong magiging sakit sa ulo imbes
na mapabilis ang gawa.

Nakakatuwa na may nagtanong sa akin na bale wla na daw itong mga pinagagawa kong ito dapat daw bumili na lang ako nang mas bago at mabilis na PC. Ang masasabi ko
lang kung ang ang isang systema na kung titignan sa malayuan ay sobrang bilis pero kung lalapit ka at makikita mo ang mga proseso nito na napakakupad .Mayroong pa sanang
ibibilis ito kung sa pinakamababang level mo ito gagawan ng paraan.Kung magkakaroon noon pa man ay mabilis na ang PC kong gamit malamang ngayon wla na kong ginawa duon para
mapabilis pa naging freerider ka lang ng technolohiya at walang natutunan.

Tuesday, July 26, 2011

Pakisuyo po:Ang trip ng mga taong umuupo sa dulo ng dyip

Sa tuwing sasakay ako ng dyip ay naging panata ko na ang pagpili ng
dyip na maluwag upang makaupo ako sa pwesto na malapit sa drayber.Kaya
ko natripan umupo rito ay dahil gusto kong ako mismo ang magaabot ng
bayad at para narin makadiskwento ako nang piso sa pagsasabi ng magic
word na "ma bayad po istyudyante" at makakababa ka rin ng maayos dahil
sa dinig ka kaagad ng drayber pag papara kana.


Pero may napuna ako bakit walang umaagaw ng pwesto ko sa tuwing
sasakay ako ng dyip?di ba nila narialize ang advantage nang pagupo sa
pwestong iyon.Bakit mas gusto nila na nagsisiksikan sa dulo ng dyip?
binabalalanse ba nila ang center of gravity nito para di ito tumaob?
Inaamin ko napakalaki kong engot at di ko kaagad nalaman ang kanilang
motibo.Pinili nila ang pwesto na iyon upang makababa sila kaagad at
gawin kang tiga Abot ng bayad!.


Nuong una ay ayos lang sakin na maging tiga abot ng bayad isipin mo
na lang na nag chacharity work ka.Di nagtagal ay Naging habit ko na
ang pagaabot ng bayad at nagpapakabayani narin ako sa pagpaabot ng
sukli.Iniisip ko nalang na bayad iyon sa diskwentong piso na nakuha
ko.Minsan nakakasar lang talaga ay ang sitwasyon na katulad nito.

ex: kakasakay mo pa lang at uupo ka sa harap at may nauna nang
pasahero na sumakay sayo at sila ay nasa paborito na nilang pwesto
pagdukot mo sa pitaka mo para kumuha ng pera ay tila ba nakikiramdam
sila kung buo o barya ang dudukutin mo at pagabot mo nang bayad ay
magugulat ka na makikisuyo sila sa iyo.Anak naman ng pepeng kabayo oh
nauna pa sila sakin na sumakay tapos di papala sila nagbayad talagang
nagintay patalaga sila ng pasaherong magaabot ng bayad nila..

Umabot na ang lahat sa sukdukan nang isang araw puno ang dyip na aking
nasakyan at ako naman ang nakisuyo na magabot ng bayad.Nasa tabi ko ay
isang matabang lalaki na nagbubulagbulagan na para bang di ako nadinig
o nakita .Sabi ko sa sarili ko ganito ba ang klase nang tao na
nagaabot sa akin ng bayad sa araw araw? Mga makakasariling nilalang na
pinapagod ako magabot ng bayad! mga wlang utang naloob ititigil ko na
ang panata ko sa pagaabot ng bayad!.Bago pa man nagdilim ang paningin
ko at sinaksak ang baboy na iyon ay mayroong magandang dilag sa
bandang harapan na inilapat ang kanyang kamay upang kunin ang aking
bayad ako ay kumalma at mistulang nahiya sa kanya.Muli Sabi ko sa
sarili ko kung araw araw ba ganito eh gusto ko na ulit maging tiga
abot ng bayad!

Sunday, July 24, 2011

Gklassification v2: Mga uri ng tao sa ComShop

Regular Customer => Sila ang mga taong moderate lang ang gamit sa net
yung mga nagchecheck lang ng email at may kaunting alam sa mga sites
at Internet.Ginagamit nila ang net upang mapalapit at makausap ang mga
taong malayo sa kanila.Sila ang nagrerepresenta sa iilang tao na di
man masyado marunong gumamit ng net pero ginagamit naman nila ito sa
wastong paraan.

Stuyande => Mababait na bata na isinisingit ang pagawa ng assignment o
project sa pagfefeysbuk.Pangunahing motibo nila ay matapos ito kaagad
para makapagfacebook na sila sa mga nalalabi pang oras.


Dota boys => Sila ang pinakabuhay ng komshop at sila rin ang dahilan
kaya tiba tiba ang kita nito.Madalas ay dumarating ng grupo-grupo at
palaging may kalaban.Bayad PC ang pustahan at minsan ay may cash price
pa.Pagkatapos ng laban ay laging may panalo at uuwing talunan pero sa
bandang dulo
ang may-ari ng komsyap ang palaging panalo.


Warez dood => kakaunti lamang ang bilang nila at sila ang itinuturing
perwisyo at salot ng komshop.kung mataas na ang level at namaster na
ang limang elemento (DDL,FTP,TORRENT,GNUTENELLA at USENET) ay kaya
nyang i DDos(mawalan ng access sa internet)ang buong establisyemento

Illeterate => walang sawang ginagamit ang pc sa walang katuturang mga
bagay.Kaya nyang magrent ng 5hours na facebook lang ang tab na
nakaopen.Kaya nya ring iexplore ang kasuluksulukan ng freindster
hanggang sa huling directory ng server nito.

Gamer => naglalaro ng Lan games na locally installed sa
computer.Ginagawa nyang gaming console ang pc dahil sa dami ng
emulator na nilalaro nya rito mistula bang bumabawi dahil ipinagkait
ang paglalaro ng video games nung kabataan niya.


Poking => palaging pinipili ang pc na tago at malayo sa nagbabantay
minsan pag may second floor ang komshap ay duon sya pumupwesto para
dun nya maisagawa ang maiitim nyang balak.Sa kanya mo nakilala si
maria ozawa kaya ang IQ mo ngayon ay tuluyan pang bumababa.


Otaku => Kadalasan makikita mo na nagbabasa ng manga at nanonood ng
anime.Ang hardcore na uri nito ay makikita mo sa mga
kosplay.Isinasabuhay nila ang aral na itinuturo ng anime dahil ito ang
mundo na tumanggap sa kanilang pagkatao at naniniwala silang walang
kwenta mabuhay sa totoong mundo.

Knerd => iilang taong nagbabasa at nagcocontribute sa mga educational
sites tulad ng wikipedia.Minsan magugulat ka dahil sa lapit ng
pagmumukha nila sa monitor dahil hindi nila mabasa ang
letra.Iginugugol nila ang oras sa pagtuklas ng kaalaman at
pagaaral.Para sa karamihan ay boring silang tignan pero pagnakausap mo
at nakadebate na ay tiyak na hahanga ka.

Youtubero => malalakas gumamit ng bandwith ang mga ito dahil sa
kakanood ng video.Pinapanood nya dito ay samut sari minsan ay ginagawa
nya na itong cable subscription alternative

Sosyalera => buhay nya ang social networking sites mahilig sumabay sa
uso at updated sa latest chismis tungkol sa buhay nang ibang
tao.Ginagawa nya itong extension ng kanyang social life upang
mapalapit sa mga taong di nya kauri.

Gengstah => Malakas magpatugtog ng mga hiphop at gengstah songs
ex: Ang buhay ng gengstah...

You know what it is! black and yellow black and yellow black and negro.

Dahil sa lakas nila magpatugtog ay sakanila mo unang mararanasan ang
LSS o last song syndrome.Huwag kang magkakamali na banggain sila dahil
konting kanti lang ay aabangan ka nila sa labas ng komshop at
ipabubugbog sa kanilang gengstah buddies tapang dami ang theme ng
kanilang kapatiran bigla bigla na lamang aangas pag may nakakita ng
kakampi.

Online Gamer => isa sa mga siga ng comshop ang batayan ng bilis ng
internet para sa kanila ay PING o latency.Sila ay maraming pinapausong
slang ng networking Kadalasang sinasaway nila ang mga taong gumagamit
ng bandwith ng walang katarungan.

ex:
OG:Tangna sino nagyouyoutube dyan ang Laag at ang taas ng Ping ko
99999 km bulshet terminal Disconnected.

WD: kinakausap ang sarili (Kaya siguro maLAG kasi Lag din yung utak at
kaya siguro mataas yung ping lumayo yung tore ng PLDt ng isang
kilometro at di ako nagyouyoutube dinadownload ko yung buong
youtube.)

OG:kaya pala may nagdadawnload eh pakipatay naman yan makonsensya ka
naman parepareho lang tayo dito ng binayad.

WD: naglevel up ka na ba sa totoong buhay kasi ako oo.

Ito ang kadalasan kong naririnig sa mga taong ganito
ibabalik ko ang argumento parepareho lang tayo ng binayad pero kung
pipigilan mo ang tao na malamangan ka sa pagamit ng bandwith saiyo di
ba ay maituturing na kagulangan at kung hindi mo lalabanan ang
kagulangan ng isa pang pangugulang ikaw ang talo sa gyera ng agawan
Kaya nga gagambandwith ang title ng blog na ito para gambalain ang
bandwith ng makakasariling taong katulad nito.

Tuesday, July 19, 2011

Dolphin Effect

Naranasan mo na ba sa tuwing tatawid ka ng kalsada at di pa red light
ay dahil wla pang masyadong sasakyan eh magjayjaywalking ka.Habang
tumatakbo ka para tumawid eh may mga engot na tao na sumusunod
saiyo..isa pang sitwasyon ay marami kayong tatawid at ikaw yung
naginitiate o nagpasimula ng paglalakad dahil malapit na magredlight
tapos nun ay parang magic na magsisusunuran lahat sila sa iyo yung mga
tipong hahakbang ka pa lang para maglakad eh gagayahin ka na
nila.Dahil ba ito sa iyong charisma o attracted sila sa pabango mong
downy? Paano nga ba mapapaliwanag ang phenomenon na ito.


Tinawag namin ang Phenomenon na ito na "Dolphin Effect" hindi dahil
mistulang uto utong dolphin yung mga tao dolphin dahil isang social
creature ito katulad natin na nakadepende ang survival sa mga kauri
nila.Sa aking palagay ay maipapaliwanag ang pangyayaring ito sa
mismong perspektibo ng taong gumagaya sa iyo upang magawa mo ito ay
kailangan
mong maging katulad nila.

Magpangap kang walang muang at wag mong isipin na uto uto ka at huwag
mo rin silang pangunahan sa pagtawid

Nasubukan ko na ang maging dolphin at ito ang obserbasyon ko
Ang nasa isip kasi nang mga taong ganito ay maaring ang mga sumusunod

1:) Ayaw nila na magpahuli sa pagtawid o kaya ay nagmamadali sila
dahil leyt na sila at may appointment pa.

2:) Gusto nilang sumabay sa agos kung saan maraming tao para mapadali
ang kanilang pagtawid.Nagmimistula kasing security barrier ang kumpol
ng tao kapag kasi nasagasaan ang grupong ito ay bawas ang impact nito
sayo.

3:) Kailangan kasi natin ng leader o mangunguna para gayahin natin.Ang
mga tao kasi ay may tendency lang na gumawa o kumilos kung mayroon
tayong pagagayahan role model ika nga.

3:) Madali kasi tayong magtiwala.Kahit pa sa taong di natin kilala ay
pinagkakatiwala natin ang ating buhay sa pagtawid

4:) Ayaw natin magpahuli sa mga bagay bagay.Ayaw natin na napagiiwanan
tayo parang sa pagpila lang ayaw natin na nasa dulo tayo ng pila.

5:) mayroon kasing automatic trigger sa utak na nagsasabing oras na
para tumawid unconcious stimulus ito na di natin napapansin.


Kaya sa susunod mong pagtawid manguna ka at subukan mong tumigil sa
gitna nang kalsada.Itest mo kung anong reaksyon nila napahinto ba
sila? O patuloy ba silang naglakad.Iniiwan ko na sa iyo ang
experimentong yan.

Monday, July 18, 2011

GK ALTERNATE DATA STREAMS


In Microsoft's NTFS file system forks are known as Alternate Data Streams (ADS).[4] In 1993, Microsoft released the first version of the Windows NT operating system which introduced the NTFS file system. This file system includes support for multiple named forks as alternate data streams for compatibility with pre-existing operating systems that support forks. With Windows 2000, Microsoft started using alternate data streams in NTFS to store things such as author or title file attributes[5] and image thumbnails.[6] With Service Pack 2 for Windows XP, Microsoft introduced the Attachment Execution Service that stores details on the origin of downloaded files in alternate data streams attached to files, in an effort to protect users from downloaded files that may present a risk.[7]
Windows NT versions include the ability to use forks in the API, and some command line tools can be used to create and access forks, but they are ignored by most programs, including Windows Explorer and the DIR command. Windows Explorer copies forks and warns when the target file system doesn't support them, but only counts the main fork's size and it doesn't list a file or folder's streams. The DIR command has been updated in Vista to include an option that will list forks. (FROM WIKIPEDIA)




HIDE YOUR FILES INTO ANOTHER FILE USING THE MICROSOFT NTFS exploit
ALTERNATE DATA STREAMS...!



UPDATED VERSION NOW ACTUALLY WORKING TO ALL KINDS OF FILETYPE


VERSION: 1.01

Changelog:
--BUGFIXED EXTRACTION OF ADS IS FULLY FUNCTIONAL
--ADDED LADS ADS DETECTION UTILITY
--ADDED NIRCMD
--REESTABLISHED FILE PATHS FOR PORTABLILITY


Download Link:
http://2f55ef9f.linkbucks.com






Fan Man ang taong pamaypay

Mayroon kaming kapitbahay na umiikot lamang ang mundo sa panonood ng
telebisyon.Palagi syang updated sa kaganapan sa showbusiness at
primetime programs sa tv.Masasabi mo na kabilang sya sa jologs
komunity
dahil masyado syang affected sa mga palabas sa telebisyon at
pinoproblema niya ang mga problema ng mga character rito.
Yung mga tipong sisigaw ng kaptain barbell pag nagsimula na ang
palabas at pagsayaw ng syembot at kung anu ano pang kaululan na kahit
magmuka siyang tanga ay ok lang.Isapang kinakaasaran ko ay walang
laman ang utak ng taong ito kundi mga impormasyon tunkol sa mga
artista kesyo maganda o gwapo daw si ganito ganyan may kabit si ganito
ganyan kesyo
gustong gusto niya daw si ano at inano daw ni ano yung ano ni ano.
Di naman sa nakekeelam ako sa trip nya sa buhay pero kung ganito ang
mga klase ng taong nagrerepresenta sa karamihan sa ating populasyon ay
mananatili tayong alipin ng iba sa habang panahon.


Ang pagiging tagahanga o Fan ay maikukumpara sa isang recursive algorithm

Halimbawa: May alaga kang aso na mayroong alagang pulgas at hanip.Na
sa loob ng katawan nito ay may inaalagaang bulate na buntis na may
inaalagaang itlog ng bulate.

Ito ang logic na gusto kong ipahiwatig kung ang hinahangaan mo ay may
hinahangaan din na nagkataon na mayroon ding hinahangaan.Natural na
isipin na idol mo ang idol ng idol mo!.Ano dapat ang itawag sayo?

"Fanman" di taong pamaypay kundi taong nabuhay lang para maging
tagahanga yung mga tipo nang tao na binigyan ng buhay ng diyos para
tumili sa mga nagagandahan at nagwagwapuhang artista.Boluntaryo silang
nagpapaalipin sa impluwensya ng pop "cult"-ure
at handa silang ibigay ang lahat lahat para maging no.1 Fan nang
kanilang hinahangaan.


Isang tanong lang ang gusto kong sabihin anong mayroon ang
hinahangaan mo na wala saiyo marahil ang isasagot mo ay isa sa
sumusunod (kagandahang
pisikal,katalinuhan,katanyagan,kayamanan,ugali,karisma,talento)
maaring ang mga tao ay ipinanganak nang di pantay pantay mayroon mga
taong nagkulang o nasobrahan sa magagandang traits pero kahit anu pa
man ang kalagayan mo ngayon huwag mong isipin na imperyor ang katauhan
mo kung ikukumpara sa iyong hinahangaan.Nasusukat ba ang kahalagahan
ng isang tao sa mga makamundong pagnanais
wala bang halaga ang buhay mo kung ikukumpara ito sa hinahangaan
mo?Kung ganito ang mentalidad mo masasabi ko na wala kang kwentang
tao.


Isa ka sa mga defective genes na ang tanging misyon ay tiyakin ang
survival ng superior genes sa mundo.Isinasakripisyo ang mga depektibo
upang paboran ang mga sa tingin mo ay mas perpektong tao kesa sayo.Tao
rin ang mga hinahangaan mo tulad mo uurin din sila sa lupa pagdating
nang kamatayan kumakain din sila ng kanin at umiinom ng tubig.Ang
tanging nakikita ko lamang na kaibahan nila ay gumagawa sila para sa
ikararangal ng kanilang sarili at hindi katulad ng mga humahanga na
ang tanging ginawa lang ay titigan at ipagmalaki ang gawa ng iba.


Sa bawat buhay na ginawa ng diyos ay iisa lang ang Bida at iyon ay ang
sarili mo huwag mong hayaan na agawin ng ibang tao ang character mo
dahil kung magpapaalipin ka ay para na ring ginawa mong kontrabida ang
sarili mo.

Huwag kang humanga sa tao ang hangaan mo ay ang mga nagawa nila
hayaan mo na magsilbing inspirasyon sila para sa iyo at subukan pang
lampasan ang mga nagawa nila
Di masamang humanga kung ang naidudulot nito sa iyo ay kabutihan pero
ang isentro ang iyong pagkatao sa isang individual na kailanman ay di
magiging ikaw ay pagtangal ng karapatan mo magkaroon ng sarili mong
pagkatao.

Wednesday, July 13, 2011

Intonation Theory

Sa buhay ng isang istyudyante ay makakaharap niya ang klase ng tanong
na dalawa lamang ang pagpipilian.Fifty Fifty ang tiyansa mo rito kung
zero knowledge ka at aasa sa iyong suwerte.Pero meron kaming nadevice
na technique upang mapataas ang tyansa mo para Tumama! Intonation
Theory ang sagot sa problema mo.


Ang Intonation Theory ay nakabase sa pitch ng pagkakadeliver ng
tanong o ang mismong intonation nito.Kailangan mong obserbahan at
tandaan ang mga tonong may diin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw isang bloke ng yelo o "ICECUBES".

Maoobserbahan mo ang tanong ay may diin sa bandang dulo madalas ang
latter statement talaga ang tama pero depende ito sa tao kung alam nya
ang pattern na to ay kaya nya ito ibahin.

Titser: Students ano ang mas matagal matunaw "ICECUBES" o bloke ng yelo.

Sa diin ka dapat bumase at hulaan mo kung nasaan ang bias side(kung
saan sya panig) nya maimumunkahi kong isantabi muna ang common sense
at itry sundin ang theoryang ito

Prof: kaya bang pailawan ng 220volts AC source ang isang LED?

Oo o hindi lang ang sagot dito kung natatandaan mo pa ang lesson sa
electronics na dapat di lalagpas yung voltage rating sa tolerance nung
component(LED) eh masisira ito kaya ang sagot mo rito kung gagamitin
ang komon sense ay napakalaking "HINDI" pero bakit nya pa itinanong
ito kung alam nyang di ito pwede?Tinetest ka ba nya kung noob ka at
masyadong obvious yung sagot sa tanong? hindi sa palagay ko mayroon
syang gustong ielaborate na konsepto o kaalaman na hindi alam ng lahat
ng tao.

Lubos na makakatulong kung meron kang background o natatagong
arsernal sa mga usapin na ito dito ka magbabase at magiisip kung ano
ang tamang sagot base sa nalalaman mo.

Isang indicator na tama ang sagot mo ay meron kaagad na susunod na
statement na Please explain or why kapag napili mo kasi yung maling
choice ay tila ba disinterested na sayo yung taong nagtatanong note:(
exeption dito ang philosophy relativist at logic teacher dahil walang
maling argumento para sa kanila as long na may point ang argumento
mo).

Maari mo itong subukan at iemprove pa batay sa iyong
pangangailangan.Di ko magagarantiya na uubra ito sa lahat ng
tao.Nagpapasalamat ako sa titser namin sa physics nung 4th year dahil
sinanay nya kami sa mga repeating patterns na ito kaya ito ay
naimbento at nagagamit namin sa tunay na buhay.

Tuesday, July 12, 2011

"Kombomeal" kung bumili ka

Sa dinarami rami ng kainan na nakita ko namumukudtangi ang cafeteria
ng Rmhs highskul.Dito mo makikita ang samutsaring pakulo ng
cooperative nito para lamang kumita.Pero sa lahat ng naisip nila ang
Kombo Meal ang pinaka-desperadong marketing strategy na makikita mo..

Dahil ubod ng mahal ang kanilang mga pangat na ulam ay karamihan ng
istyudyante rito ay nagbabaon na lamang ang iba namang madidiskarte
katulad namin ay di na nagdadala ng kutsara at tinidor nagpupuslit na
lamang kami sa canteen nito upang makalibre sa hugas.Minsan paguwi mo
ay magtataka ka kung bakit may dala ka nito dahil alam mo sa sarili mo
di ka naman nagbaon o nagdala ng kutsara at tinidor bigla kang
makokonsyensya dahil wala ka na ngang naidagdag sa kaban ng yaman ng
principal este skul pala may dala ka pang suvenir mula rito.
Napansin ng mga lupon ng mga kurakot na bumababa ang kita nila at
ginagawa na lamang kainan ang kanteen ng mga istyudyanteng kuripot na
nagbabaon kaya naisipan nilang gumawa ng promo."Kombo Meal" short for
Kung bumili ka! may libreng juice,toppings,sabaw,condiments etc.
Ang konsepto ng Kombo meal ay ganito ang primary dishes nila dito ay
Itlog,Ham,Hotdog,Longanisa at Maling ordinaryo ang mga ulam na ito sa
ating paningin yung mga tipong tatanungin ka ng kaklase mo: Huhulaan
ko ulam mo siguro ano yan no (pili ng ulam sa itaas) pano mo
nalaman?Sakin galing yan eh binuraot mo nung nakatalikod ako kanin
lang kaya dala mo.Para ang mga ito ay bumenta ay una lulutuin nila ito
upon order meaning kapag bumili ka tsaka pa lang nila ito lulutuin
diba mainit init pa pero kung marami kayong nakapila na bibili ay
mamadaliin ito sa pagkaluto lalu na kung matyempohan mo si Flash
Milker tiyak kung di half cook (yung isang side lang yung luto) ay
medium rare ito(hilaw na parang luto).Isa pang advantage nito ay di na
nila kailangan na pangatin ang mga ulam (paulit-ulit na pagiinit para
di mapanis ang ulam).PANGALAWA ay ang paglalagay nang kung anu anong
palamuti rito para magmukang masarap at sosy katulad ng gravy
mushrooms at mais.Masarap itong tignan dahil gourmet style ito
pinagayahan pero hanggang sa tingin na lamang ito masarap.Naalala ko
pa nung isa sa amin ang sumugal na bumili nito isang kagat palang ay
nangayaw na siya at binigay na
ito sa aming kaklase na hindi tumatangi sa pagkain certified member
sya ng ulcer gang dahil sa kakatipid nya ng baon para impambili ng
studio.Sa kasamaang palad ay di nya rin ito nagustuhan samut saring
panlalait ang inabot ng pagkaing ito sa kanya kesyo CDO lang daw yung
ham at bida hotdog lang daw yung hotdog (gusto pa ata tender juicy)at
medyo hilaw hilaw pa ang luto rito.PANGATLO at huli sa lahat ay
bibigyan ka ng stub na papel upang ireclaim ang iyong libreng juice na
gawa sa Tang pipirmahan din ito dahil kung makapito kang kombomeal ay
meron kang isang free kombomeal ayos diba pero di pwede ang pasahan ng
points nito kaya di ito pwedeng dugasin.
Ito ang catch ng stratehiyang ito kailangan mong kumombo
pero wala pa akong nakita na naka avail sa kalokohang promo katulad
nito.Buti sana kung masarap eh at abot kaya 30 pesos ang isang order
na katumbas ay isang plain rice at adobo dagdag ka na lang ng kinse eh
magiging manok na to.

Sawakas nawala rin ito sa uso marami ang nakapansin sa kalokohang
promo sa tuwing pupunta kami ng kanteen ay nagaabang kami ng taong
bibili nito at kung meron man ay bigla bigla kaming magtatawanan para
maitaboy ang kaawa awang nilalang sa di makatarungang lasa nang
kombomeal.

Gusto mo bang maging Warez Dood ?

Marahil binabasa mo ang article na ito sa isang computer na pirated
copy ang operating system.Aminin mo man o sadyang hindi mo lang alam
na halos lahat nang software sa computer mo ay illegal copy.WAREZ
Softwares ang tawag dito,ito ay mga program na ginamitan ng reverse
engineering techniques para magamit mo ng libre.

Natatandaan ko pa ang exaktong petsa November 2, 2006 nang mamulat
ako sa mga ilegal na gawaing ito.
Nagumpisa ako sa simpleng pagsesearch ng rom ng gameboy advanced na
"Megaman Zero 4" ito ang kaunaunahang binary na dinownload ko sa net
at ito rin ang nagmulat sa akin na di lang pictures at letra ang laman
ng internet.

Isang napakalaking milestone na sa aming magkakabarkada ang
makadownload noon ng video sa youtube halos tuwang tuwa na ako kahit
maka 20MB lang ako sa isang araw.Naala ko pa noon napakababaw pa nang
kaligayahan namin katulad ng sumusunod
eg:(Pagkuha ng wallpaper sa photopanget,Pagpefreindster ,pagpapaganda
ng freindster layout,pagkuha ng cheats at walktrough sa laro,pagawa ng
play list sa imeem,Pakikinig sa youtube ng music(di pa marunong kumuha
ng mp3,) pagbabasa nang manga,pagclick ng mga banner ad na na
nagsasabing nanalo ka ng isang milyon,Paglalaro ng hotdog bush at iba
pang flashgames sa newgrounds at Y8,Pakikipagchat sa di kilala etc.)
kung mapapansin mo pareho lang tayo nang pinagdaanan.Naranasan ko
lahat yan dati na mistula bang tumatakbo ang oras na para bang wlang
nangyayari at biglang may sisigaw na boy time kana! extend pa ba?
Minsan pag nasa momentum at may napapala pa eh mageextend ka pero kung
masakit na ang ulo at walang bagong napala ay awat na muna.

Pero isang hapon Habang kami ay naglalakad sa quiapo para magcounter
strike napansin ko ang mga dvd na nakakalat sa bangketa.Sangkatutak na
laro at software ang pagpipilian mo dito wala ka nang hahanapin pa.May
nagtanong na isang mama kung meron silang laro na hindi ko na
matandaan ang pangalan tinanong nya kung cracked ito
sa tindera ako naman na mukhang tanga na nakatingin sa kanila ay
naiwanan na ng mga kasamahan sa laro.Sabi ko sa sarili ko sawakas ay
nalaman ko rin ang sikretong passcode "cracked".

Habang nagcrecreate na ng server sa laro ay dali dali nagsearch muna
ako sa yahoo (illeterate pa di pa marunong magoogle) at tinayp ang
search string na "insaniquarium cracked" (yung sa bahay kasi trial
lang) dito lumitaw ang irrelevant na results katulad nang keygen
serial crack at warez akala ko pa noon kumpanya ang warez na
nagsusuply nang piniratang software sa quiapo
.Inisa isa ko ang bawat resulta ngunit ako ay napupunta sa mga porn
site at dynamically generated domains na di nauubusan ng popups.Puro
virus at worm ang napala ko sa kakausisa sa mundo ng warez sa unang
encounter ko dito ay hindi ko alam ang peke sa legit kaya dumanas ako
ng paghihirap para lamang matutunan ang mga pasikot sikot nito.

Paunti unti ay natutunan ko ang sining nang pamimirata
mula sa computer softwares,e-books,movies,albums,mp3's,
video tutorials at kung ano anu pa.Kakaibang kagalakan ang
mararamdaman mo sa pagdodownload dahil mistula bang nakatuklas ka ng
minahan ng ginto na di nauubusan.

Ang tawag sa taong naging hobby na ang pagdadownload ng piniratang
software ay "Warez Dood".Ito yung mga taong lagi mong maasahan sa
pagpapakopya sayo ng latest at cool na softwares.Pero kadalasan may
mga taong ganito na ipinagmamayabang lamang ang mga nadownlod nila.

Halimbawa:
totoy: ui tol may windows 69 na daw ngayon ah latest Operating System
ng microsoft.

waredud:Oo meron nako ang ganda at ang lupit nga sobra (put some
boastful words here)

totoy: pakopya naman ako

waredud: (iibahin ang usapan o manghihingi nang kondisyon or kapalit
kadalasan magyayabang lang ulit para tumigil na ang nanghihingi).


Kita mo na kung makapagyabang yung mga taong ganyan akala mo sya ang
gumawa o nagkrack nung software pare pareho lang tayong free rider sa
sitwasyon na ito nagkataon lang na mas alam mo kung saan kukuha nito.


Huwag ka nang umasa sa kanila sadya silang ginawa ng diyos upang
maging madamot madali lang naman maging warez dood.Kailangan mo lamang
maging matsyaga
sa pagsesearch at kailangan mo rin malaman ang mga lugar na pagkukuhanan

Ito ang tips ko sa mga gustong maging warez dood

1:) Kailangan mo nang mga softwares na specialized sa downloading(
IDM,winrar,utorrent,wimount,browsers atbp)
ipopost ko ito sa forum namin cp mode kasi ako hintay lang kayo ok.

2:) Dapat alam mo ang eksaktong keyword nang hinahanap mo gamitin ang
google.Idescribe ito ng buong buo maging creative sa pagbuo ng
searchstring.Kahit pa barok at wrong grammar yan
ay maiintindihan yan ni pareng google.Tiwala lang

Halimbawa: gusto kong kumuha ng ebook sa java na ang pangalan ay
deitel at 5th edition dapat

java deitel 5th edition download

note: ang download salita ay mahalaga.Ito ang pinaka nagagamit na
keyword pagdating sa pagdadawnload.


Kung mas marami kang alam na impormasyon para idescribe ang gusto
mong idownload ay mas malaki ang tyansa na makuha mo ito ng eksakto.
(author,artist,movie,album name,year of publication,publishing
house,file format,recency and availability etc.)


3:)Maging pamilyar ka sa mga file hosting
sites.Rapidshare,hotfile,megaupload at Mediafire yan ang mga
pinakamalalaki at sikat na mga filehosting sites ngayon.Sa isang warez
dood imposible na hindi pa siya nakadownload sa lugar na ito.

Iedit natin ang search string na ginawa ko sa taas


java deitel 5th edition download mediafire

java deitel 5th edition download rapidshare


Kung mapapansin mo ay nagbago ang resulta naging mas specific ito at
direkta na sa mismong sinisearch mo at kung sinuswerte ka ay diretso
na ito at ready for download na.

4:)Dapat alam mo ang filetype nang dinadawnload mo example:(mp3 pdf
rar avi zip txt )

Iedit uli natin ang search string na ginawa ko sa taas


java deitel 5th edition download mediafire pdf

or

java deitel 5th edition download mediafire rar

dahil e-book ang hanap mo malamang ito ay PDF o PDF na nakakompress sa RAR.

5:) Basahin ng mabuti ang search results.Ang nasa unang 10 pages ng
google ay relevant o pinakamalapit sa searchstring mo kapag wla ang
hinahanap mo sa mga ito ay baguhin o irumble ang mga words sa search
string.

java deitel 5th edition download mediafire pdf

ay magiging

deitel 5th edition java pdf
download mediafire

Dagdag bawas lang ang gawin kapag may nakita kang keyword sa results
na mas maganda at eksakto ang pagkakadescribe ay kopyahin mo ito.

introduction to java latest edition download pdf mediafire

Thinking in Java pdf mediafire download

6:)Basahin mabuti ang mga resulta tignan mo ang source url nito(color
blue) at brief desciption .Ipilter ang resulta sa pamamagitan ng
pagbabasa.Ito ay isang skill na dapat mong matutunan para di ka
maligaw sa pasikot sikot ng internet.


Sa umpisa talaga ay kung saan saan ka mapupunta.Huwag kang matakot
maligaw tandaan mo ang mga lugar na di mapagkakatiwalaan at
mapagbalatkayo.Tandaan may mga bagay pang libre sa mundo at ang susi
para rito ay ang iyong ang mabusising kaisipan.

Wednesday, July 6, 2011

GK FOLDER PAPER




DO YOU WANT TO MAKE YOUR FOLDERS HAVE THEIR OWN cutomized WALLPAPER AND ICON's

NOTE: ONLY WORKING IN WINDOWS XP but the icon maker works also in Vista/WIN7



DOWNLOAD
LINK: http://677a7248.linkbucks.com
PASSWORD:www.grupongkul.tk






Friday, June 24, 2011

An Introduction to Opensource

Open Source ito ay isang sistema sa pagbuo ng software na kung saan
ay malaya ang mga tao na makita at baguhin ang source code ng isang
program ng libre at may kalayaan na ipamahagi ito.Maraming nagtataka
kung paano nga ba gumagana ang software development system na
ito.Sankatutak din ang question sa topic na ito katulad nang kung
papaano ito naging libre,anung napapala nang mga programmer sa pagawa
ng libreng software nang walang bayad,inaagawan ba nito ng trabaho ang
mga programmer? ito ba ay isang anyo ng anarkiya o komunismo?Papaano
ito naging mas maganda kung ikukumpara ito sa mga closed source na
kompanya tulad ng microsoft.

Ang advocacy ng opensource community ay bigyan nang choice ang mga
end users na kumawala sa kamay ng mga pribadong kumpanya na
nagmomonopolyo at kumokontrol nang market. Isipin mong mabuti sa tagal
ng panahon ay windows xp parin ang os mo mayroon kang pagpipilian
magapgrade sa vista o win7 akala mo may pagpipilian ka pero ang totoo
isang kumpanya ka parin nagpapaalipin.Pinupwersa karin nitong
magapgrade nang hardware kung isa kang dukha at nakafarmers pc ka wla
kang magagawa kundi bumili nang bagong pc wlang pakinabang ang dating
pyesa ng mo dahil hindi na ito kumpatible kaya ito ay mapupunta sa
kakahuyan(junk shop).Kung anong direksyon ang gusto nang mga
kumpanyang ito dapat sumabay ka sa agos kung san ito patungo.Isa sa
mga implikasyon ng closed source programs ay ang habit nito na
magapdate nang ayon sa kagustuhan ng kumpanya di nito isinasaalang
alang ang kapakanan nang mga end users bagkus ay pipilitin ka nito
na aralin ang mga pagbabago na kanilang ginawa na magreresulta sa
pagkasayang ng oras mo at utak dahil ang inaral mo dating software ay
obsolete na.Tila ba gusto nilang ipahiwatig na wla tayong kontrol at
sila na ang bahala para kontrolin tayo.

Kung industriya ng software ay tatakbo sa ganitong paraan na hahayaan
natin ang mga kumpanya ng microsoft at adobe ang magdikta ng standards
at maghari sigurado na ang pagbagsak nito.Kailangan ng kompetisyon sa
lahat ng bagay ito ang natural na paraan sa pagtuklas nang inovation.

Opensource ayon sa pagkakaintindi ko gumagana ang sistemang ito sa
pamamagitan ng voluntary labor hindi obligado ang mga taong gumagamit
nang opensource na magkontribute dito ang mga taong qualified at
willing na sumoporta at tumulong ang bumubuo dito.Hindi binabayaran
ang mga programmers nito ang namomotivate sa kanila para gumawa ay ang
kanilang paniniwala na "softwares should be free and accessible for
all".Sila ay isang tribo nang software hackers na masasabi mong biyaya
sa sangkatauhan dahil ginagawa nila ito para sa iba ng walang
kapalit.Respeto ang pinakasuweldo nila rito kung isa kang miyembro
nito ay maituturing mo ang sarili mo na mapalad,ang tangapin ka nang
mga taong ito na kauri nila ay sapat na.


Pero kahit na libre ang mga ito ay kakaunti lamang ang userbase nito
dahil ito sa mga miskonception ng mga tao sa opensource programs.

1:) Mas mababa ang kalidad nito kung ikukumpara sa closed source
counterpart nito.

Sagot: ito ang pinakamaling argumento na narinig ko tunkol
dito.Technically superior ang opensource programs pagdating sa kalidad
ng pagkakacode nito at security.Dahil ito sa mas maraming tao ang
nakakapagdebug nito (linus law) kung ikukumpara sa isang team ng
qualified programmers na bayad.Madalas ang mga bayad na programmers ay
may hinahabol na deadline kaya ang kalidad ng code nila ang
nasasakripisyo.4% lang ng mga programmer sa mundo na masasabi mo na
pinakamagagaling sa kanilang larangan lahat sila ay nasa puder nang
opensource.

2:) Ito ay isang anyo ng comunismo.

Sagot: mali ito dahil ang isang bagay na libre mong nakuha pero hindi
mo ito alam paganahin ang halaga nito sayo ay wala.Ang mga taong alam
paganahin at kung paano gumagana ang isang bagay tsaka pa lang ito
magkakaroon ng halaga sayo at magiging libre.

Halimbawa: Isa kang ordinaryong tao nakapulot ka nang parte nang
ispeyship ng mga alien wla itong pakinabang sayo dahil hindi mo alam
kung ano ito,kung paano pagaralan ito at paganahin kaya hindi ka
nakalibre nakapulot ka lang.

3:) Inaagawan nito nang trabaho ang mga programmer.

Sagot: mali ito dahil maraming kumpanya na ang nagaadapt ng
opensource software development system naghihire sila ng mga
programmer at mga hobbyist sa pagawa ng software sa una ay libre ito
ngunit pagnaging stable na at dumami na ang gumagamit nito ay magiging
close source na ito.Ang iba namang kumpanya katulad ng Sun
Microsystems ay nagbebenta ng support system at mga technical services
sa kanilang opensource programs sa pamamagitan nito ay kumikita
sila.Ang iba namang kumpanya nagumpisa lamang bilang opensource at
meron lamang silang idinagdag dito na proprietary code and programs na
siyang binebenta nila kalakip nang mga ito (Redhat).

4:) Exclusive lang ito sa opensource operating system katulad ng unix
linux freebsd etc.

Sagot: Lahat halos nang opensource programs ay cross platform meaning
available ito sa mga gamiting operating system.

5:) Kumplikado gamitin ang opensource programs.

Sagot: sa una talaga ay maninibago ka dahil di ka sanay gamitin ito
pero pag nakalikot mo ito ay wla ka nang hahanapin pa at tuluyan nang
makaadapt dito.

6:) Wala kang support na makukuha rito.

Sagot: kung support ang hinahanap mo ay baka malunod ka sa dami nito
sadyang di ka lang marunong maghanap o di ka naghahanap dahil sa mundo
ng opensource di uso ang spoonfeeding mayroon lang tutulong sayo kung
tinutulungan mo ang sarili mo.


Paalala laging humanap nang alternatibo huwag mong ikulong ang sarili
sa nakasanayan na.Huwag kang matakot sa hindi mo pa nakita.Ugaliing
magisip at magtanong huwag ipagyabang ang iyong mga nalalaman dahil
ito ay nagmula sa mga taong iginugol at isinakripisyo ang buhay nila
para maipasa lang sa mga taong katulad mo ang nalalaman nila.Inaasahan
ka nila na gawin mo rin ito sa iba.At higit sa lahat huwag mong
ipagmayabang ang mga nagawa nila huwag kang sumakay sa anino ng mga
higante bagkus ay gumawa ka sa ikararangal ng iyong sarili.

Monday, June 20, 2011

Gk Programming guidelines

Napansin ko na puro kalokohan na ang pinopost ko ng mga nakaraang
araw.Bago pa matuluyan na maging joke site ang blog na ito naisipan na
nang awtor na gumawa ng matinong entry.

Tunkol ito sa programming guidelines na kung saan ito ay
magsisilbing gabay sa mga baguhan na katulad ko.Ginawa ko itong
language independent upang mas marami ang makaadapt sa guide na
ito.Umpisahan natin

1:) Maging pamilyar at kalikutin ang mga features nang gagamitin mong
IDE (integrated development environment) o compiler.Aralin ang
shortcuts nito upang mas lalung mapabilis ang gawa ng program.


2:) Abusuhin ang autocomplete function nito.Para sa mga hard typed
languages na katulad ng Java ay nakakabilis ito sa pagproprogram.Pero
teka muna nakakabobo rin ito siguraduhin mo muna na alam mo at
kabisado mo ang ginagawa mo.Mahirap na at pag pinagprogram ka sa papel
ng prof mo at di mo ito kabisado.


3:) Huwag itype ang program nang kopyang kopya sa example itry mong
intindihin ito at bigyan nang kahulugan ang bawat parte nito.Tandaan
mo ang mahahalagang parte nito na pwede mo pang mapakinabangan.


4:) Obserbahan at itatak sa utak ang color coding na inooper ng compiler.
Ex: blue : para sa libraries
red: para sa math operation
yellow: para sa functions
green: para sa variables

5:) Aralin ang operator precedence ng language na gagawin mo kritikal
ito sa pagawa ng algorithm.


6:) Huwag magimbento ng sariling coding style o sa madaling salita ay
ang paraan nang pagsulat ng program.Magsearch at iadapt ang accepted
at standard na mga istilo na ayon sa language mo.Mga halimbawa nito ay
ang lokasyon ng paglalagay nang bracket,pagkakapitalise ng CONSTANTS
(PASCAL CASING) o Alternate casing ng CoNsTaNtS (Camel casing),ang
variables ay keywords ay always lowercase,indention,pagkokoment
atbp.Mahalaga nang masanay nang maaga dito kung balak mong maging
proffessional.


7:)Upang bumilis ang program na gagawin mo ito ang konting tips na mabibigay ko.
A:] Iwasan ang pagiinitialize ng variables nang di ankop sa data
type.Di dapat sobra o kulang ang data type na gagamitin upang
makapagsave ng memory size at bumilis ang program.

ex: kaikangan mo ng variable na maghohold nang short signed integer
at ginamitan mo ito ng long signed int o double signed int
nakakasayang ito sa memory na pwede pa sanang iaddress ng ibang
program.

B:]Iwasan ang masyadong sobrang pagamit ng whitespaces(Space) sa
program bukod na nakakaradag lang ito nang lines of code eh minsan eh
nakakabagal ito pag adik ka sa kakaenter.Treated as character din kasi
ito kaya kasama ito sa pagkokompile.Pero di ko sinabing huwag ka
gumamit kailangan ito para maging readable ang code mo.

C:]Iwasan ang pagamit ng wildcard character ( * ) sa mga library
files kung isa hanggang anim lang ang kailangan mong function ang
kailangan mo rito.Nakakabagal ang pag iinclude o pagimport nang buong
library sa program.

Ex: import javax.Swing.*

(eh joptionpane,jbutton at jpanel lang ang kailangan mong function rito)

import javax.Swing.Joptionpane
import javax.Swing.Jpanel
import javax.Swing.Jbutton

Huwag kang maging tamad sa pagtatayp nakakabobo ito.

D:]Iwasan ang overcommenting sa code mo kung gagawa ka nang program
at overdocumented ito na para bang gusto mong maging scriptwriter sa
haba ng koment na ginawa mo.Comentan lang ang core logic,algorithm,at
kung paano ito gumagana ng step by step.

E:] Sikaping ioptimize ang algorithm mo itry mo itong paliitin at
pabilisin sa pamamagitan nang math i simplify ito sa finest form pero
wag mo itong sobrahan at baka di na ito gumana.

8:) Debugging Tips naman tayo

A:> Minsan sa pagpoprogram kadalasan kung saan ka pa konpident sa
portion nito na ok na at gumagana na ay dito ka pa mismo
pumalya.Umpisahan ang pagdedebug sa mga lugar na akala mo di ka
nagkamali bago ang kritikal na parte nito.

B:> Makakatulong sa pagdedebug ang madalas na pagkokompile dito sa
kada linya o bloke na idadagdag o babaguhin mo rito.

C:> Huwag magfocus sa design o itsura nang program mo tandaan di
pagandahan ang labanan pagdating sa komputer programs kundi ang
functionality at efficiency nito.Ang pagiintroduce ng gui ay lubhang
nakaragdag sa bugs nito maykasabihan nga "as ease of use is introduced
the security of the program is compensated".

D:> Ugaliing magbakup nang mga gumaganang program bago mo ito
pakielamanan at pagexperimentuhan.Kung sakaling magkamaling magkamali
ka at di mo na ito maayos ay maibabalik mo ito sa dati.

E:> Kung di mo mahanap ang sira nang program ay pagputol putulin ito
at icheck ang bawat parte.Isaisahin sa pagkakabit hanggang sa gumana
na ito bilang isang unit.


Laging tandaan ang pagproprogram ay parang pagsusulat may sinusunod
itong set of rules o grammar.Maaring ang pagpoprogram ay di para sa
lahat pero once na napagana mo na ang pinahirapan mong
program.Kakaibang saya ang mararamdaman mo dahil sa wakas may nagawa
ka ring tama.

Saturday, June 18, 2011

Ang sikreto ng mga kaibigan ni MaMa cita

"Tama si inay " yan ang slogan nang kumpanya nang all purpose
seasoning na mama cita.Kilala ang food additive na ito sa mga lutuin
ng mga butihing maybahay.Inihahalo ito sa mga putahe upang mas lalu
pang mapasarap ang mga lutuin.Parang magic ang dulot nito dahil sa di
alam na kadahilanan ay epektiv ito pero kung tutuusin ay asin lang ito
na hinaluan ng flavoring ingredients.

Habang kaming magkakaibigan ay kumakain sa kasa reyes naalala ko ang
imahe ni mama cita dahil sa mga larawan sa kainang yon.Nakakakilbot
ang imahe nang matanda.Inisip ko na iisa lang ang pagkatao ni mama
sita at nang larawan na iyon.Bigla na lang may pumasok na kalokohan sa
isip ko at nakabuo ako ng conspiracy theory sa kanilang produkto.

Naisip ko na ang sikretong sangkap nang produktong iyon ay ang
mismong ang taong ang pangalan ay nakatatak sa pakete nito.Kung di mo
parin gets magpatuloy kang bumasa pero kung kinalakihan o kinagisnan
mo na ang mga lutuin na hinaluan nito ay maipapayo ko na magfb ka
muna.

Ang sikretong ingredient nito ay pinakaiingatan ng ilang dekada nang
ankan ni mama cita.Siguradong malalagot ang matatanda sa home of the
aged kung may iba pang kumpanya ang makadiskubre nito.

Eto na wala nang paligoy ligoy pa diretsuhin na natin ang sikretong
ingredient nito ay...
Ang mismong bankay ni mama cita.Kineramate nila ito ngunit imbes na
isaboy sa dagat ang abo nang kaawa-awang matanda ay pinagkaperahan
nila ito hanggang sa mga huling sandali niya sa mundo.Dahil sa galing
nyang magluto at wlang nagmana nang mga kakayahan niya ay naisip nila
na ang mismong matanda ang may magic.Kaya naisipan nila na ihalo ang
kanyang abo sa produkto na kanilang gagawin.Inihahalo nila ito sa
ratio na 1part per million kaya di pa ito ubos.

Kaya sa bawat kain mo nang putahe na hinaluan nito ay mararamdaman mo
ang sarap at presensya ni mama cita.Nabubuhay siya ngayon sa bawat
individual na kumain nito at sa pamamagitan nito ay nakamit nya ang
buhay na walang hanggan.

Thursday, June 16, 2011

Poke'mon-g Kalbo

Sikat na sikat sa mga bata ang Animation Series na Pokemon.Dahil dito
ay tiba tiba ang kompanya nang nintendo.Pocket monsters ang tawag sa
mga hayop na sobrang cute at may natural na kapangyarihan na base sa
mga elemento.Kaya sila tinawag na pocket monsters dahil hinuhuli sila
sa pamamagitan nang pokeball na nagkakasya sa iyong bulsa at
sinturon.Ang mga tao dito ay nakasentro ang buhay sa pagsasaliksik at
pagtratrain nang pokemon, ang pinakaultimate goal nang bida rito ay
upang maging ultimate trainer at matalo ang elite 4.

Pero meron akong napansin sa palabas na ito bakit nagpapauto ang mga
pokemon sa mga tao ngayong meron silang kapangyarihan na pwedeng
sumakop sa buong mundo.Bat di sila gumawa nang rebolusyon at
patalsikin ang makasariling tao na ang tanging ginagawa lang ay
magutos ng gagawin mong atake at makipagbugbugan sa kapwa mo
pokemon.Hinihintay ko ang episode na ang mga tao naman ang ikinukulong
sa pokeball nang mga pokemon.Di uso sa kanila ang animal rights kung
ikukumpara natin ito sa totoong buhay ito ay parang sabong nang manok
minus the pustahan pero di naman nauuwi ng luhaan natalong pokemon
papuntang kaldero upang itinola.Bagkus nagkakaroon exp. Ang mga
pokemon na lalu pang mas nagpapalakas sa kanila at tuluyan nang
magevolve.

Kung maiimbento ang pokeball sa totoong mundo natin siguro di na
mahihirapan ang city pound sa paghuli sa mga Askal at Pusakal.Meron na
rin tayong portable na manila zoo's sa mga bulsa.
Siguro may tournament din kung saan pinaglalaban ang mga hayop
.Pero kailangan nang weight division at species category nang larong
ito kundi ganito ang mangyayari.

Trainer 1: elepant i choose you
Trainer 2: ant-ik i choose you
Trainer 1: elepant "stamping destruction"
Trainer 2: counter "ant-ik" harden. Ay mali dodge pla nooo!
Ant-ik: nuuoowh
sfx:squish...

Kita mo na sobrang underant yung langgam sa elepante pero sa anime
posible maipanalo ang laban na yan.Pero ang totoong challenge dito sa
mundong ito ay makahuli nang legendary na hayop katulad ng Dragon,Sea
Serpent,Loch ness
monster,kraken,Yeti,Centaur,Tikbalang,Dodoo,Chupakabra atbp.

Kapag meron ka sa isa sa mga ito ay tiyak na ang kasikatan mo dahil
ikaw lang ang may ganyan.

Wednesday, June 15, 2011

An Open Letter to Internet Users

Siguro marunong kang maginternet kaya napadpad ka dito.Marahil adik
ka rin katulad ko.Napakaraming mapapagkaabalahan sa lugar na ito pero
naisip mo na ba ang implikasyon sayo nito.

Sabi nga ng "grupongkul" dalawang klase lang ang tao sa internet una
ay ang taong gumagamit sa internet at ang taong ginagamit nang
internet
Naisiip mo ba na ang internet ay lugar na paraiso kung saan lahat ay
libre pantay pantay at may kalayaan ka sa kahit anu matripan mong
gawin; pwes nagkakamali ka isa itong lugar na punong puno ng
patibong,.Hitik din ito sa mga opurtunistang kriminal na naghihintay
nang pagkakataon na mabiktima ka.

Likas sa tao ang pagtitiwala ngunit sa lugar na tulad nito na kung
saan ay pwede kang magbagong anyo ay dapat di binibigay ito nang basta
basta.Walang makakakilala sayo dito nageexist ka ng walang
kulay,kasarian at relihiyon,ang tanging nagrerepresenta sa iyo dito ay
ang iyong opinyon,interest at ideya.

Napakalaki na nga nang independence nang tao sa lugar na ito nandyan
ang social networking ,E-mail,Online shopping ,Online
games,Pr0n,chatting,online business atbp. Madalas eh pinagsasabay
sabay pa ito na halos maubos na ang oras at buhay natin dito.Sabi nga
sa isang comment sa slashdot "Computers are made smarter while its
users are being dumber".

Masasabi mo na ang isang tao ay ginagamit nang internet
kung makikitaan sya nang sintomas nang pagiging illeterate

1:)Ginagamit ito para manira at mangulo nang kapwa.

2:)Nagpapagamit sa pamamagitan nang pagawa nang kung anu anung bagay
na wlang kabuluhan
na nakakasayang lamang nang panahon at pera.
Ex: pagpapalevel ng character sa online gayms ,pagpapalago ng virtual
veggies,Paglike nang gabilyong panpage dahil sa peer preesure,paggawa
ng virtual kommunities na ang tema ay kalokohan.Pagbili nang ng
virtual goods at premium items sa laro na di nakakain at
nahahawakan,paglalaro ng LAN game na di matapos tapos na ang player
na magaling dito ay wlang pang napatunayan sa totoong mundo (strong sa
laro "IMBA" weak sa totoong buhay) paggamit ng YM sa kalandian at
pagpoporno etc.

Ang pagpundar nang oras at panahon sa mga ganitong bagay ay wlang
tubo o interest sa iyong hinaharap kahit pa buong buhay mo ang
sayangin mo dito.Na tanging mga kompanya lang ang natutuwa sa ginagawa
mo.

Sa isang banda ay ang mga taong gumagamit nang internet sa wastong paraan.

1:) Ginagamit ito para tumulong para sa ikakabuti nang kapwa
ex:pagdonate nang pera sa nangangailangan,ipaglaban ang karapatan ng
karamihan,tumulong sa mga taong nagtatanong,Ibinabahagi ang kaalaman
sa iba nang wlang kapalit etc.

2:)Ginagamit ito upang mapaunlad ang sarili
ex:pinagkakakitaan ito,ginagamit sa pagaaral at pagtuklas nang bagay bagay etc.

Lahat naman tayo ay dumadaan sa proceso ng pagiging illeterate pero
iilan lamang ang nakakapiglas dito. Inaamin ko naging ileterate din
ako dati marahil mas malala pa ko sayo ngunit naisip ko kung meron ba
kong gusto na mangyari sa sarili ko at iyon ay ang pagbabago.

Malaki ang naitutulong nang internet sa isang indibidual pero sa
isang banda mas maganda pa rin na maginvest ka nang oras at talino sa
realidad.Anu mang nakukuha mong biyaya dito ay dapat gamitin mo sa
ikakabuti mo at nang iba.Huwag hayaan na masakop ka ng masasamang
pwersa nito at kunin nito ang oras at buhay mo dahil sa bandang huli
sa realidad ka pa rin "nakalog-in".

"kapag gumuho ang internet at halos lahat nang naipundar mo ay
nandito kasabay nito guguho ang mundo mo" -alfred007

Tuesday, May 31, 2011

Don't Judge the PC by its Cover: A Critical overview of a Farmers PC

Marahil isa ka sa masusuwerteng tao na nabiyayaan ng High End na PC ( meaning mataas ang specs )at hindi ka pa kuntento dito nagrereklamo ka pa.Nandyan na sinasabi mong mabagal magopen ng word,mabagal ang games,hindi compatible sa mga games,mabagal ang net,hindi maopen ang feysbuk/farmville,mabagal magload,mabagal ang boot,ma-LAG.Pero kung titignan natin nang mabuti ang problema ay maitratrace natin ito lahat sa gumagamit.
Ang impresyon na maidudulot nang mga taong mayayabang na may mabibilis ang PC
ay tila ba nais nilang ipahiwatig na kapantay lang ng IQ nila ang komputer na kanilang pagmamayari.Sa isang mainit na payabangan laging ang taong nakafarmers PC ang tinatawanan.Farmer's PC yan ang tawag naming magbabarkada sa komputer na naninilaw na sa kalumaan at pinagagana sa pamamagitan nang padyak at uling.Ito yung mga kompyuter na pentium 1-3 na ang clock speed ay naglalaro lamang sa 100 mhz - 1 ghz.Sa aming magbabarkada ay dalawa kaming kapus palad na gumagamit nito wala rin kaming internet sa ibang tao ay napakalaking balakid na ang ganitong kalagayan lalu na kung computer related ang course mo.Ngunit ang experience ko sa farmers PC ay hinding hindi ko ipagpapalit kahit pa bigyan ako ng Alienware ngayon.Napakaraming naituro sa akin ng magsasaka kong komputer, natutunan ko sa kanya na kaya niyang pantayan ang bilis ng high end desktop PC na Vista ang OS at bobo ang gumagamit. Kung hindi dahil sa kabagalan niya ay hindi ako matututo na maghanap ng paraan at mga alternatibo sa mga problema.Natutunan ko sa kanyang maging matsyaga dahil minsan inaabot ako ng madaling araw kakahanap ng sira minsan para ka nang baliw pinakikiusapan mo na gumana na.Parang babae ang mga kopyuter kapag naayos na ang sira at maayos na bigla bigla na lang ay mayroon na namang itong panibagong sira.Minsan sinisi ko na phenomenon ng uncertainty principle dahil sa unpredictability nito. (you can't measure two different qualities of an object with precise certainty if you measure one quality with precise certainty the other ones will alter their value) meaning di mo madetect yung sira kasi pagnahanap mo ang sira ay lilipat nanaman ito sa ibang pyesa.Sadyang nakababaliw ang pagaayos sa farmers na nakakaisip na nang kung anu-anung analogy ang sumusulat nito ngayon.Maraming notable characteristics ang farmers na di mo aakalain.

1:) Tumatagal ang buhay nito ng 10-15 years kung ayaw mong maniwala eh sasamahan kita sa komshap na puro ganito ang pc (Courtesy of Davids Computer shop A.K.A "bulok") yung farmers ko tumagal lang ng 10years RIP 1999 binili.

2:) Hindi rin ito madaling masira pero pag sira na ito sira na ito talaga di mo gets? Ako rin

3:) Mabilis ang download nito kapag optimized at mabilis ang internet connection. Note: nung di pa uso feysbuk at farmville ang peak speed nito ay 1.2 MBps pero nung kinalaunan naging 450 MBps na lang ito

4:) Kapag Ininstallan ng linux based OS ay halos pumapantay na ang bilis nito sa desktop server na nakainstall ay windows server 2008.

5:) Mas magiging magaling kang computer technician dahil narin sa pagpapahirap sayo nito kaya mas mamamaster ang larangang ito.

Ngayon na medyo moderno na ang PC ko hinding hindi ko makakalimutan ang mahahalagang aral naiwan sakin.Hindi hadlang ang mga kakulangan ng isang bagay para mapaunlad nito ang iyong buhay. matutong gumawa ng paraan at huwag magreklamo sa kung anumang kakulangan ang nakikita mo sa buhay mo. At higit sa lahat huwag maging kuntento sa ibinigay sayo kung ibinigay saiyo ng buhay ay itlog kailangan mong itong limliman upang hindi ito mabugok.

Sa bandang huli napatunayan ko na ang limitasyon ng isang bagay ay hindi masusukat sa kalumaan at pagiging low class nito bagkus ito ay nakadepende sa mismong limitasyon na ipinapataw ng taong nagpapagana nito.

Wednesday, May 25, 2011

Lumiit ka ba ? O Lumaki lang ako ?: Usapang Tsitsirya

Sabi ko nga sa introductory entry ay about computers ang blog na to pero off-topic muna ulit usapang tsitsirya muna tayo.

Naalala ko pa nung bata pa ako ay suki ako ng mga tindahan sa paninda nilang nakakabobo.Nandyan ang sweetcorn,cheesedog,chipee at iba.Sa halagang limampiso ay busog ka na at di na makakain ng tanghalian dahil sa ikaw ay walang gana.Di ito kaya ubusin dahil itoy nakakasawa sa sobrang dami kaya ito ay ipinambabato sa kalaro kapag hindi na kayo bati.Di ko makakalimutan noon ang kalokohang ginawa ko,kinulayan ko ng krayola ang sweetkorn ( colour yellow ) at ipinakain ito sa patay gutom na kalaro dali dali nya itong sinungaban at nilaklak.Sa kasamaang palad ay di nya ito nalasahan.Di ako kinabahan na baka sya ay maospital kampante ako sa brand ng krayola ko pagkat nakalagay sa label nitoy Non-Toxic
.
Bumalik ako sa dating bisyo nang pagkain ng tsitsirya dahil kailangan namin ng plastic nito upang upang outer sleeves sa aming yugioh cards.Sa kamahalan ng ultra pro ay kailangang maging maparaan.Pero sa aking pagbili ay mayroon akong napuna anung nangyari sa sweetcorn,cheesdog at chipee at itoy naging petite.Pinipilit kong alalahanin ang dating lasa,bigat at kalidad ng mga ito.Una kong napuna ay ang pakaging nito dati hindi nagfafade ang label nito kapag nilukot,binasa o nilawayan.Ngayon ay kumakapit na ang kulay nito sa balat.Pangalawa ay kumonti ang laman nito at puro hangin na lang.Mas dumami rin ang vetsin nito.

Ang mga kumpanya ng tsitirya ay walang magagawa sa nagbabagong panahon. Ang mga bata ay tatanda at ang mga matatanda ay magiging lupa.Masakit mang sabihin na ang dating fish krakers na "lala" ay pwede mo pang ulamin ngunit ngayon maski kapwa isda nila s aquarium ay tinatangihan na sila.

Kung iisipin mo nga naman ay kawawa rin ang manufacturers nito dahil hindi nila mataasan ang presyo nang kanilang produkto dahil kung tutuusin ang target ng kanilang market ay ang mga musmos na walang pera.nakatutuwa lang tignan na ang mga kutkutin na ito ay nakakabubusog sa mumunti nilang mga sikmura.

Sa isang banda ay nasagi sa isip ko na nagooveracting lang ako dahil may nakapagsabi sakin na hindi naman nagbago yung mga tsitsirya na iyon,dahil lang daw yun sa malalaki na kami.Kasabay nang paglaki ay paglaki rin ng iyong sikmura at satisfaction factor sa mga bagay bagay.

Pwede mong isipin ang kahit ano sa mga posibilidad na ito pero sa bandang huli maiisip mo na niloloko mo ang utak mo sa katotohanan dhil hindi natin mapipigilan ang inflation.Maski ang mga tsitsirya ay di makakaligtas s pangyayaring ito.

Sunday, May 22, 2011

Prolouge output#1

Marahil ay nagtataka ang ka kung bakit gagambandwith ang pangalan ng korning blog na ito napili ko ito dahil gusto kong maging kwela ang mga articles n ipopost ko dito at bukod don paborito ko kasi si spiderman.Dito ko ilalathala ang aking mga ideya at perspektibo s buhay magsisilbi itong online scratch paper na kung anuman ang pumasok sa utak ng author ay isusulat nya anupamanyon.Ang pangunahing theme ng blog na ito ay tungkol sa computer related subjects di ako gaano karunungan s larangang ito pero pursigido akong matuto at ibabahagi ko ang mga natutunan sa abot ng aking makakaya.Nagpapasalamat ako sa co-gk's ko na si ralgph at jay na kinaingitan ko kaya ko gumawa ng blog at nagpapasalamat din ako sa globe dahil s socket connection ay naging posible ang libreng pagbloblog ko sa cellphone at sa mga bumasa at babasa pa ay sana ay matuto tayo sa isat isa.

Wednesday, May 18, 2011

KalamaKRAKEN

Maaring Nakabili ka na sa tabi tabi nito o kaya ay nakakain na isa sya sa mga pedicart na
dumalang na ang existence dito sa maynila sya ang tindero ng Kalamares..

Ang Presyo nito ay abot kaya 3 pesos ang isa 10 pesos tatlo nakalagay sa istik o plastic cup
samahan mo pa ng sour and spicy na suka ay ayos na ayos na.Pero teka parang may mali ata kung iisipin 3 piso isa 10 ang tatlo sa unang tingin ay sulit pero kwentahin natin
3 times 3 =9 pesos nakupo nagulangan ka ng piso may bayad ata ang labor ng pagtuhog sa istik.

Bagu natin Lalu pang sirain ang marketing Strategy ni manong ay itrace natin ito kung saan nakukuha kaming magkakaibigan ay nagbigay nang opinyon ukol dito

SCENE: Habang naglalakad sa espanya papuntang chikoys


RAPHAEL:Pare Tignan nyo yung tinitinda anlaking octopus nyan ah tan tanong mo nga
kung magkano

RALPH: Pusit yan pare tignan mo yung pagkakahiwa cylindrical.

TAN:Pare pareho lang yan Pusit o Octupus man yan pagkain pa rin yan.
manong magkano isa

Manong: 3 piso isa 10pesos tatlo.

GK: napahinto at sige tigiisa lang

Ron:Paano kaya to Lumalaki ng ganito?

TAN: Sa pagkakaalam ko may species ng pusit na lumalaki lagpas tao

RON: KRAKEN!! pre nakawala si kraken sa swimmng pool nyo

RALPH: Nagwoworld Tour siya eh mainit daw sa bahay.

JAY: Di mga tol galing CHINA yan may nabibili nyan sa divisoria 21 PESOS isang KILO.
GEnitically engineered ata kaya ganyan.

RAPHAEL: Naguundergo ng cell division parang bacteria lang over sa pag mass produce.

RON:Bacteriang mukang pusit taenag china to akala ko DVD lang pinipirata pati pusit xinerox.


Manong: (Isnab lang sige parin sa pagpapagulong ng harina sa kanyang produkto nagbibingibingihan sa pagpapawertripping ng GK. )



Hanggang sa isang araw ay napanood ng lahat ang pagkakaimbestigador dito .Ibinababad ito sa Formalin para kumunat at mapreserb pero ang iba sige parin sa paglantak nito minsan ay maiisip mo na ang taong adik na adik kumain nito ay makakadiskount na sa furenarya dahil sa naipong deposit ng formalin sa katawan.



Medyo out of date na ang first entry hayskul pa kasi ito nangyari.

Wednesday, May 11, 2011

GKtionary

PREFETCH- ito ang proseso ng pagrereview nang maaga pag may exam madalas ito ay ipektiv pero minsan malalaman mo nalang iba pla sa itinuturo ang ieexam mo kaya may pagkakataon na pumapalya.

PIPELINING-ito ang proseso kung saan marami kang ginagawa sa isang specific time frame "multitasking" para mas mapabilis ang gawa ngunit kadalasan eh mas wla kang nagagawa dahil out of focus at di alam kung ano ang uunahin.

GPU- ito ang nagproproseso ng mga imahe sa iyong utak.mas malinaw at mas mataas ang resoultion kapag mabilis ang clock rate nito.

CLOCK SPEED- ito ang bilis ng iyong utak.Nakabatay ito kung ilang bagay ang kaya mong iproseso sa isang sigundo eg: 75 objects per second.Tumataas ito sa proseso ng pagtanda at pagaaral kaya kung mababa pa rin ito hanggang ngayon ay bumili ka na ng bagong utak.

CPU- ito ang tinatawag na utak sa tao.Ito ang nagproproseso lahat ng iyong gawain.Madalas ikumpara ng mga tao batay sa mga brand ang iba pa nga ay ikinukumpara ito sa dual core ,core 2, core 2 quad at ang pinakamayabang sa lahat core i7 hindi nila alam na kung ganito nga ang utak nila ay isa silang alagain o patay gulay na mas matalino pa ka sakanila ang isang fruit fly.

Turbo C- Isang Compiler ng C/C++ language. Madalas ito yung isinasagot sayo kapag tinatanong mo ang isang tao kung anong programming language ang alam nila.eg. "anong prog language alam mo"

sagot:"with dignity priide and honor" "TURBO C"....... lang

Crack-isang type nang progam kung saan ang isang propritary na software na trial lang ay maari mong gamitin ng libre.Ito yung madalas itinatanong ng mga gusto maging WAREZ DOOD's pero wla namang ginagawa.

eg:Tol pano mag crack ng progam

sagot:Burn mo sa CD tapos ikrack mo yung CD..

Serial-isang legitamate na parran upang magamit mo ang trial na software.

ito ay madalas nasa plaintext format at ikakapy paste mo nalang.

eg:Tol anu yung Serial

sagot:alam mo ba yung COCO CRUNCH tsaka HONEY STARS yung nilalagyan ng gatas serial yun.


BUFFER OVERFLOW- isang pangyayari kung saan kinabisado mo ang isang bagay nang higit pa sa kaya ng utak mo na na ooverwrite na ang ibang space sa utak mo na meron nang nakalagay.

DIRECTORY TRAVERSAL- ito yung mga ginagamit ng mga social engineers pag nabubuko na nang uuto sila change tapic ika nga.

RAM - ito ang tinatawag na short term memory maximum capacity 7+2 minimum 7-2 average 7 objects ang kaya ihandle ng utak sabay sabay.maraming tao ang nabiyayaan ng malaking RAM "4GIG" kaya nila kumabisado ng bibliya sa loob lamang ng limang araw.Pero nakalulungkot na nabiyayaan sila ng hardrive na may kapacidad lamang na 512 kb kaya pagtulog nila ay burado na lahat ng kinabisado nila.